[38] - His Rival

22.4K 170 10
                                    

CHAPTER 38

His rival

Kristel and I went out. And guess where we are. 

A place where you can relax your body and has massage services. 

SPA.

Oh yes, matagal tagal din kaming hindi nakapunta dito. Now is a great time to relax.

Habang nagpapabody massage kami ay panay ang kwentuhan naming dalawa.

I already told her everything about what happened. Kilig na kilig ang loka. But then she asked me something na talaga nga namang napaisip ako.

"So, kayo na?" -Tel

"I don't know. Wala naman syang sinabi."

"Really? He didn't even ask you kung pwede ka nya maging girlfriend?" 

"Wala. Just...that."

"Ano ba yan, girl! M.U ata yang sitwasyon nyo eh."

"Anong M.U?"

"M.U. Magulong usapan. Magulong ugnayan. Or more likely to be,

Malanding ugnayan. So, alin sa tatlo?"

"Tss. Loka ka."

"Come on, Georgina. Parang hindi nyo alam kung ano ba talaga ang relasyon nyo eh?"

"Hays. Wanna know what it is? It's just called...DATING, Tel."

"Dating? Eh daig nyo pa ang mga taong nasa ligawan process."

I know what she means. Porke dahil may kiss at hug na. Bla bla bla. Hays, pati tuloy ako naguluhan eh. What is this relationship called anyway? Hay ewan! Basta yun na yun. Masaya ako sa kung ano meron ngayon. Siguro darating din sa point na magkakalinawan din kami. Maybe not right now.

Just have to wait.

CRY OF THE CASANOVA [Ms.Fearless VS Mr. Casanova, #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon