[74] - I Love You Too

17K 174 19
                                    

Sorry for the late UDs. Here's chapter 74! Anyone wants dedication? Sabihin nyo lang. ü

Recap: Sa previous chapter nalaman na rin natin ang isa sa mga nakakalungkot na past ni Georgina, yun ay ang pagkamatay ng kanyang mommy noong bata pa siya. Naikwento nya ito kay RJ, at ang ating bidang casanova naman ay gumawa ng paraan para mapangiti ang Fearless natin. Paano? Gumuhit lang naman sya ng dalawang stick man sa puno na nasa loob ng puso. Nakalagay pa ang letter ng name "R G" nila doon. Dahil dito, natuwa si Georgina. At mas lalo pa nung narinig nya mismo kay RJ na sabihan siya ng I LOVE YOU. OMGGGGG! Ano kayang isasagot ni Gina? Meron o wala? Basahin na ang chapter na ito. :))

=======================================================

CHAPTER 74

I Love You Too 

Shet. Hindi ko alam ang isasagot ko kay RJ. Ano ba dapat? I love you too? I tried to part my lips and blurt out those 3 words...but I can't. Hindi ko magawa. Hindi ko masabi.

RJ is just staring at me. As if waiting for my answer. But then...he just smiled. 

"I'll wait for your answer, Georgina. Take your time." 

Aw. So, ok lang ba sa kanya ngayon na hindi muna ako makasagot? That's so nice of him. Hindi sya yung tipo ng lalake na namimilit at atat. Imbes marunong pa siyang maghintay at hahayaan ang isang tao na makapag-isip muna ng mabuti. That's why I like him. Gusto ko ang attitude niya na ganito. Haay. 

Tumango lang ako sa kanya. After that, we hugged each other. Nakakainis, parang ayoko na matapos ang mga ganitong moments namin. Nakakakilig kasi. Totoo naman diba?

--o--

She's sleeping...AGAIN. Itong cheeky angel na ito, lagi na lang tulog kapag pauwi na kami. Lagi na lang akong tinutulugan. HAHA pero okay lang, sige. Walang kaso sa akin iyon. I understand that she's tired and at the same time...she's full. She ate a lot during lunch. Nagustuhan nya ang luto nila Manang na orange chicken at ang dessert na buko pandan. Napakatakaw niya pero hindi talaga siya tumataba. I wonder kung anong itsura ni Georgina kapag tumaba siya?

--*

"Honey, bilhan mo nga ng balot. Bilisan mo nga please!" sabi ni Gina sa akin na inuuyog uyog pa ako. Takte, madaling araw na ah. Bakit  nagpapabili pa siya ng balot ng ganitong oras? 

"Hon, just grab some ice cream in the ref." sagot ko sa kanyang inaantok. Hanggang sa...pinalo-palo niya ako ng unan.

"Ubos na! Ang gusto ko naman ay balot. So will you please get your ass off from the bed?! Bilhan mo na ako!" bulyaw niya. F*ck, itong babae na ito. Lagi na lang gabi-gabi. Kung hindi lang talaga siya buntis, hindi talaga ako susunod sa gusto niya. Kaso buntis ang Misis ko. Oo, si Mrs. Georgina Sandoval-Gonzales. Naglilihi.

--*

CRY OF THE CASANOVA [Ms.Fearless VS Mr. Casanova, #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon