[52] - The Cat [VS] The Dog

19.4K 154 21
                                    

Guys, sa chapter na ito magsskip ako ako paunti-unti ah. Paulit ulit lang kasi ginagawa nila. Alangan namang ikwento ko pa :))

============================================================

CHAPTER 52

The Cat [VS] The Dog

"Ano ba! Tanggalin mo na nga sabi eh."

"Ayoko! Ang hirap!"

"Hindi mahirap yan! Hindi mo pa nga sinusubukan!"

"Fine!" tinanggal ko na. Ito ang gusto nya eh. Sana masaya sya. Tss.

"Ahh. Aray, ano ba. Masakit." ngayon, magrereklamo sya. Mas didiinan ko pa talaga. Pinipilit nya ako eh.

"Shhh! Relax lang kasi." ang likot likot nya grabe. 

"Damnit! Masakit nga! Be gentle!"

"Oh, ito na. Ito na. Last na!" binunot ko na. 

"Ahhh. Ahhh. Aaaaraaaay~!" hay salamat ok na. Natapos din. 

"Punasan mo ng maigi ano ba. Ang lansa ng amoy." ano daw? Malansa? Walanghiyang lalake to! May dysfunction ba sya sa olfactory nerve nya? 

"Oh please! Pintura ito. Hindi isda." sabay tulak ko sa noo nya. Tumawa naman sya. Naloloka ako sa kanya sa totoo lang.

This is the punishment he's talking about. Ang tanggalin ang pintura sa buhok at noo nya. Ang hirap alisin, kailangan ng madaming oil. At sobrang ang tagal namin dito sa bathroom. Buti naman natanggal na. Nangawit ang kamay ko. 

"Thanks." -RJ.

"K." iniwan ko na sya sa bathroom. Paglabas ko pinaringgan pa nya ako ng...

"Don't forget to lock the bathroom!" ayan. Nang-aasar pa sya. Nagpaparinig pa eh. Bahala ka dyan!

Bumaba na ako para magluto ng dinner namin.

--o--

Nakakatawa lang noh. Salitan kaming dalawa sa pagluluto na sa pag-umaga. Katulad nyan, nung isang araw ako nagluto tapos kanina, siya. RJ and I look like a couple. This whole business trip made us look like one. Living in the same roof, cooking together, going to work together, ang kulang lang ay sleep together and hmm together.

Ganito pala ang feeling. But then nakakaasar din. Simula ng dumating kami dito, lagi kaming nag-aaway at nagsasagutan. Tapos maya-maya, magbabati din. Parang aso't pusa lang. Natawa na lang ako sa iniisip ko.

CRY OF THE CASANOVA [Ms.Fearless VS Mr. Casanova, #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon