Chapter 22

9.6K 291 72
                                    

MBiaFI Chapter 22

Sandara’s PoV

Nag sisimula na ang training nila Jiyong.

Pawis na pawis nga ako ngayon dahil paabot abot ako ng towel at tubig nila. Hindi ko naman ine-expect na magiging parang katulong pala ako dito. Well, okay na din. At least parang nakapag bakasyon na din ako kahit parang hindi.

"Sandara! Tubig!" Sigaw ni Jinhwan na hinihingal pa. "Bakit ba kase ang liit ko?" tanong niya saken nag kibit balikat na lang ako, tinawanan naman siya nila Hanbin. "Okay lang 'yan, Jinhwan. Bawing bawi naman sa feslak eh. Gwapo ka naman." Pag kasabi ko nun ay-

"So kapag matangkad, pangit? Ganun, Sandara?!" nag react na agad yung ibang players na sila Yunhyeong. "Hindi naman." Tapos tumawa na lang ako.

Gumilid na ako nung pumito na si coach. Nag simula na ulit ang training, pawis na pawis sila kahit medyo malamig naman. Medyo naging masungit nga si coach Drake eh or ganyan talaga siya kapag training, parang lahat naman ata ng coach eh.

Nakatulala lang ako nung bigla akong tawagin ni coach Drake. “Bakit p-po?” tanong ko, nakita ko na lang na nag kukumpulan na silang lahat sa gitna.

“Sandara!” tawag ulit ni coach Drake sakin. Pag lapit ko sa kanila ay nakita ko si Jiyong na nakahiga.

“J-jiyong,” nanlaki ang mata ko. Namimilipit sa sakit si Jiyong mukhang na sprain siya.

“Dalhin mo siya sa clinic,” bulong sakin ni coach Drake. Inalalayan kong tumayo si Jiyong nung una umaarte pa siya, sinipa ni coach Drake yung paa niya. “‘Wag ka ng pasaway, Jiyong.”

“C-coach naman." saway ko, inalalayan ko na si Jiyong at nag pasama ako sa isang staff kung saan yung clinic, tinulungan niya na din akong alalayan si Jiyong.

➖➖➖

Nasa loob si Jiyong iniwan ko muna siya do’n habang kinakausap pa siya nung nurse.

“Miss,” Napatingin ako nung may kumalbit saken sa likod pag lingon ko ay yung nurse pala.

“Ay, hello po. Kamusta po si Jiyong?” mahinanong tanong ko.

“He’s fine. Hinahanap ka niya,” ngumiti siya sakin. “Bantayan mo muna siya. Kakausapin ko lang ang coach niyo saglit.”

“Ahh salamat po.” umalis na yung nurse at pumasok na ‘ko sa loob.

Nakita ko si Jiyong na nakaupo lang sa may kama habang nakasandal sa may dingding. “Anong pakiramdam mo ngayon?” agad kong tanong, hindi naman niya ako pinansin.

“Kung wala ka din namang balak mag salita. Babalik na ako do’n para gawin yung trabaho ko.” tumalikod na ‘ko para sana umalis na nung bigla niya akong hinila sa kamay ko.

"Who gave you permission to leave me?" Pag kasabi niya nun ay medyo kinilig ako pero hindi ko pinahalata sa kanya syempre naman diba?

“Masakit pa ba?” sabay hawak ko sa paa niya.

“Ouch!”

“Sabi nung nurse hindi na daw, ha?” tapos hinawakan ko ulit yung paa niya.

“Ouch! Sandara!”

“Naku! Umaarte ka lang eh!” sabay hawak ko ulit sa paa niya.

“Stop it or else I’m going to kiss you.” pag kasabi no’n ni Jiyong literal akong napatigil.

Nag papatawa ba siya? Tinitigan ko siya at seryoso lang ang mukha niya. Mabuti na lang walang tao dito.

Yung nurse nga kanina mukhang kinikilig eh. Kwon Jiyong kaya yan! Feeling ko nga nag enjoy siya sa pag hawak ng paa ni Jiyong eh, or hindi? Hehe. Ang sama ko naman mag-isip.

“Oh, natahimik ka?” napatingin ako kay Jiyong na nakangisi lang. Siraulo ba siya? Sinong hindi matatahimik sa sinabi niya kanina.

“Yung joke mo kasi hindi nakakatuw—”

“It’s not a joke, Sandy.” tinitigan niya ako ng diretso sa mata ko pero umiwas din ako agad nung nakarinig ako ng ingay papunta dito sa direksyon namin.

“Huy! Jiyong! Kamusta ka na?” sigaw nila Bobby na tumalon sa kama ni Jiyong.

“Baka nga arte niya lang yun kasi pagod na siya.” loko nila Jinhwan sa kaniya.

Tinignan ko si Jiyong pero seryoso pa din ang mukha niya, nakatingin pa din sakin. Bago pa mapansin nung ibang players ay lumabas na ‘ko.

Sumalubong naman si Hanbin sakin na nakasibangot. “Problema mo?” tanong ko.

“Pinagalitan ako ni coach ‘di kasi ako makapag focus sa training.” nakapout niyang pag susumbong sakin.

“Eh bakit naman kasi hindi ka makapag focus?” tanong ko.

“Iniisip kasi kita.” inirapan ko lang siya at iniwan do’n.

Alam kong nakasunod pa din siya sakin.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa marating ko ang dagat. Hinubad ko ang tsinelas kong suot para maramdaman ang pinong pinong buhangin. Humahampas sa mukha ko ang lakas ng hangin na kasabay na itinatapon ng malalakas na alon. Nakakarelax naman dito. Pinag masdan ko at palubog na araw at ngumiti.

“Ang ganda..” bulong ko sa hangin.

“You’re beautiful too.” kasunod na bulong ng lalaking nasa likuran ko.

“Ang ganda ng dagat dito..” bulong ko ulit.

“You are more beautiful than the sea.” bulong ulit ng lalaking nasa likuran ko.

Napapangiti na lang ako sa boses niya. Parang sumasabay sa tunog ng alon, ang sarap at lamig sa tenga.

Nag lakad lakad pa ako, nag pahangin pa ng kaunti. Lumingon ako sa likuran ko, “Hanb—” pero wala akong nakitang Hanbin sa likuran ko. Napaka loko talaga nung lalaking ‘yun. Parang kanina lang nandiyan siya ngayon wala na agad.

Lumayo ako ng kaunti at umupo muna sa may buhangin. “Sandara!” pipikit sana ako nung may biglang tumawag sakin.

“Huy Hanbin! Saan ka ba galing?” tanong ko kay Hanbin na hingal na hingal.

“Nandoon kasama ko si coach pinag pulot ako ng bola. Ikaw anong ginagawa mo dito?”

Pero? Nag pulot siya ng bola?

“Eh diba kanina lang nasa likod kita?” tanong ko.

Ngumisi siya. “Sandara naman, ganyan mo ba ako kagusto para ma-imagine mo na nasa paligid mo ako palagi. Kakarating ko lang dito.” panloloko niya sakin.

Medyo kinabahan ako.

“Ahh! Hoy asa ka, noh! Niloloko lang kita.”

Kung hindi pala si Hanbin ang nasa likuran ko kanina.. Sino pala?

➖➖➖


Nandito kami sa may lobby kumakain ng dinner. As usual, katabi ko si Hanbin.

Naisip ko, malaking tulong din pala si Hanbin sakin pero naisip ko din na baka umaasa siya sakin. Na baka sa huli masaktan siya at sabihin niyang pinaasa ko siya. Mabuting kaibigan si Hanbin at ayokong gawin ko sa kanya ‘yun.

Tumingin si Hanbin sakin at ngumiti, ngumiti naman ako sa kanya pabalik.

Pero sana kahit mangyare yun ‘wag niya akong iwan. Sana kaibigan ko pa din siya dahil isa siya sa pinaka tine-treasure ko at di ko kakayanin kung iiwan niya ‘ko.

My Boyfriend is a Famous Idol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon