MBiaFI Chapter 12 Pt. 2
Sandara's PoV
Maangas na nakipagtitigan yung lalaki kay Hanbin, tinulungan na akong tumayo ni Hayi. Ang dumi dumi nanaman ng blouse ko.
Ang daming tao sa paligid. Nakapalibot silang lahat samin. Naririnig ko pa ang ibang bulungan sa kanila tungkol sakn. Tsk, ako nanaman ang may kasalanan.
Nabiyak sa gitna ang nakabilog na taong nakapaligid samin nung dumaan si Jiyong. Una siyang tumingin sakin at nakita kong kumunot ang noo niya nung nakita niya ang itsura ko.
"Ate sino yan? Parang hari." sabi ni Hayi sabay tago sa likuran ko.
"Oo parang hari talaga siya." mahinang sagot ko.
"What happen?" agad na tanong ni Jiyong pag kalapit keyla Hanbin at dun sa isang lalaki. Walang sumasagot sa kanila tapos biglang hinila ni Jiyong sa collar yung isang lalaki. "You are going to answer me or I'm going to break to your face?"
"J-jiyong.." awat ko sa kanila.
Nagulat na lang ako nung bigla akong hinila ni Hanbin palayo. "T-teka! Hayi! Kita na lang tayo sa room! Sorry." sigaw ko.
Eto naman kasing isang to eh bigla bigla na lang ng hihila kapag tinanong mo naman kung bakit ang isasagot niya lang sayo habbit niya daw yon everytime his with me. Kabaduyan ni Hanbin eh.
"Hoy ano ka ba?" tinanggal ko ang pag kakahawak niya sakin. "Hila ka ng hila ah. Mag sisimula na klase. Pumasok ka na."
"Ang yabang neto. Porke saulo na niya papunta sa room niya eh." kantsaw niya saken.
Tumawa ako, "Oo. Salamat sayo." sabi ko.
Nanlisik ang mata niya at ngumiti, "Pinapakilig mo naman ako eh." sabi niya na parang bading.
"Errrrrrrr! Sige na! Ikaw talaga." sabay tulak ko sa kanya.
Aalis na sana ako nung bigla nanaman akong hinila ni Hanbin, "Ano ba?" tanong ko.
"Uh, your blouse?" pag tingin ko sa blouse ko ay puro sauce. Naalala ko sumubsob nga pala ako sa tray na hawak ko kanina. "Let's go." at hinila nanaman niya 'ko.
"Saan ba tayo pupunta?" tumingin ako sa wrist watch ko, "Oh five minutes na lang mag sisimula na ang klase, Hanbin." daldal ako ng daldal hanggang sa marating namin ang boys locker room. "Anong meron dito?" tanong ko.
"Wait." sabi niya tapos iniwan niya ako dito sa labas.. pinag titinginan ako nung mga boys students. Ano nga naman kasi ang ginagawa ko dito kababae kong tao.
Pinipitas ko ang mga bulaklak sa isang paso nung bigla akong kinalbit ni Hanbin. "Go." iniabot niya ang isang blouse sakin.
"Ano 'to? Bakit meron ka nito?" hindi naman siya sumagot sa tanong ko kaya hinampas ko siya, "Sasagot ka ba?!"
I bought those blouse for you." sagot niya. Marami pa don sa locker ko kaya kahit mag football ka pa at mag putik may unlimited blouse ka sakin.
"Time for classes na! Mamaya na ang date!" saway ng isang p.e teacher samin.
"Sige na! Babye na." kumaway kaway ako sa kanya tapos tumakbo na ako.
Nasa loob ng kami ng room nung biglang pumasok na ang prof namin kasama si Hayi. Pag kakita ko sa kanya ay ngumiti ako ganun din naman siya.
"Our new student... please introduce yourself."
"Hi." sabi ni Hayi sabay kaway, "Ako nga pala si Hayi. Lee Hayi. Late enrollee. Sana maging kaibigan ko kayong lahat." Pag kasabi niya nun ay wala siyang nakuhang response.
Parang tamad na tamad silang lahat. Kaya tumayo ako, "Oo naman! Welcome ka dito!" Sabi ko sabaya ngiti ^_________^
"Very good, Ms. Sandara. That's how you response to new student." sabi ni prof.
Pinag tinginan nanaman ako ng mga classmate ko at pinag-iirapan akong lahat. Hay buhay.
Bago pa kolektahin ang cellphone namin ay biglang nag vibrate ang phone ko. May dalawang mag kasunod na text message.
Isa galing kay Jiyong at isa naman sa unknown number.
JIYONG
Parking lot. 6pm.
Unknown Number:
Meet me later at the court. Lee Chaerin here.
Oh my god.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Famous Idol
Romance(Currently editing) Naranasan mo na bang mag kagusto sa isa sa pinaka sikat na estudyante sa school niyo? Naranasan mo na bang mag mahal ng taong hindi ka kayang mahalin pabalik? Eto si Sandara, ang babaeng naka arranged relationship sa isang leader...