Chapter 21

9.8K 218 15
                                    

MBiaFI Chapter 21

Sandara’s PoV

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Gumising saken ang isang malakas na alog sa bus kasabay na din ang ingay ng ibang players. Hinawi ko ang kurtina, sumalubong saken ang liwanag kaya naningkit ang mga mata ko. Pinilit kong tignan ulit kung nasaan kami at nakita kong para kaming nasa isang resort. May pool, may court basta madaming pwedeng makita dito.

“Good morning, Sandy.” tinitigan ko si Hanbin na naka dungaw ang ulo sa taas.

Ngumiti ako sa kanya. “Good morning.” pag kasabi ko no’n ay may biglang umubo malapit saken. Pag tingin ko si Jiyong. Teka may sakit ba siya? Hindi ba maganda ang pakiramdam niya?

“Tsk.” narinig kong reklamo ni Hanbin.

Inaayos ko ang bag ko nung biglang sumulpot sa pinto si coach Drake. “Sandara, yung pinapakolekta ko sayo. Remember?” ahh, ang tinutukoy niya ata eh yung mga gadgets.

Tumayo ako at hinarap silang lahat. “Pwedeng maupo muna kayo?” nakangiting tanong ko. “Ang utos ni coach Drake sakin ay kailangang kolektahin ang gadgets niyo para mas makapag focus pa kayo sa training niyo.” pag kasabi ko no’n ay lahat sila nag buntong hininga na lang, sign na wala naman na silang ibang choice.

Mukhang takot sila kay coach Drake ah? Una kong inumpisahan kay Jiyong, inabot niya naman agad sakin yung cellphone niya. Sunod ay si Hanbin, nanantsing pa. Hinawakan pa yung kamay ko pag kakuha ko sa kanya nung phone niya. Paulit ulit lang ang ginawa ko hanggang makarating ako sa likod.


“Coach, okay na po.” sabi ko kay coach Drake na nag-iintay sa may pintuan. Tumayo si coach at nag thumbs up sakin.

“Players! Go get your bags." pag kasigaw ni coach Drake ay agad din naman silang nag sisunuran.

Niyayakag na akong bumaba ni Hanbin pero nag paiwan ako. Ang huling bumaba sa players ay si Jiyong.

“Jiyong,” tawag ko sa kanya. Saglit niya ‘kong tinignan. “Nakita mo ba yung phone ko sa may lamesa sa bahay?” pabulong kong tanong.

Hindi talaga ako mapakali. Umiling lang siya sakin. “Ah ganon ba? Bakit ka pala sumama dito? Hindi ba’t may inaasikaso ka sa company niyo?” tanong ko ulit na binaliwala niya lang.

Siguro hindi pa talaga siya handa na sabihin sakin, na ikwento sakin kung anong dahilan. Pero hangga’t maaga dapat malaman ko na kung anong dahilan para may magawa na ako diba? Para alam ko na yung gagawin ko.

Nag buntong hininga na lang ako at bumaba na.

➖➖➖

Nilibot namin ang lugar na ‘to. Ang ganda dito. Tama nga ang hula ko resort siya na hindi resort. Ang gulo diba? Style resort siya pero ang totoo training place talaga siya kaya pala may mga pool, court, may dagat din. Ang laki laki dito. Kumpleto lahat dito may football, volleyball, basketball court. Lahat ng sports pwede dito.

Nandito ako sa kwarto ko ngayon. Nakahiga lang ako sa may kama at nag papahinga nung may biglang pumasok kaya napaupo ako. Pag kita ko ay si Jisoo pala. Siya ata ang ka-roommate ko. Sa dami dami ba naman? Siya pa ahuhu T^T Napangisi na lang siya nung nakita niya ako.

“Mukhang tayo ang roommate, Jisoo." lumapit ako sa kanya at inilahad ang kamay ko para makipag kamay. “Kung may reklamo ka, sabihin mo lang sakin para maiwasan ko na kaagad. Okay ba?” nakangiti kong sabi. Inirapan at dinaanan niya lang ako.

Fighting, Sandara!

Hanbin’s PoV

Nag-iinat pa ako nung papunta ako sa may pinto para sana kumuha ng pag kain sa baba nung may biglang nag bukas ng pintoㅡsakto sa ulo ko. Bukol ‘to panigurado. “Shit naman! Sino ba ‘yan?” sinilip ko kung sino. “Jiyong,”

Tinaasan niya lang ako ng kilay at dinaanan lang ako. “Where’s your bed?” lalabas na sana ako nung bigla siyang nag tanong.

“Sa baba.” sagot ko.

Lalabas na ulit sana ako nung bigla niyang pinag babato yung gamit kong nasa ibabaw ng kama. “Aba’tㅡ” lumapit ako sa kanya.

“Anong ginagawa mo?”

“Kung mag rereklamo ka, do’n ka sa labas matulog.” sabi niya at umupo na sa may kama at nag tanggal ng sapatos.

Ngumisi ako, "Iyo na yang kama. Peroㅡsa akin si Sandara." Iniangat niya ang ulo niya at tumingin saken. Pag kasabi ko nun ay lumabas na ako. Sakto namang nasalubong ko si coach Drake, "Coach! Anong room number ni Sandara?" Nakangiti kong tanong.

Piningot niya ako. “Huy! Tama na muna ang panliligaw, huh?” ganito ba ako kagwapo para mahalata niyang nanliligaw ako?

“Coach naman. Hindi ako manliligaw. Malamang, organizer si Sandara siya dapat mag-asikaso ng pagkain koㅡ” napatigil ako sa pag sasalita nung may bumatok sakin.

“Call your maids, kid.” napatingin ako at si Jiyong pala.

Hahabulin ko pa sana ang mokong nung pigilan ako ni coach Drake. “Room 308.” tumingin naman ako sa kanya at ngumiti ng malapad.

“Salamat coach.” tumakbo na ‘ko palabas. Here I come Sandy! ❤

Hindi pa ‘ko nakakapag doorbell pero bumukas na agad yung pinto. Iba talaga kapag meant to be kayo, “Oh Jisoo.. ikaw pala,” awkward na ngiti ko nung si Jisoo ang bumungad sakin. “Ikaw pala roommate ni Sandara. ‘Wag mong awayin, ha?” bulong ko sa kanya. Nag ‘tsk’ lang siya at inirapan ako. “Eto naman, nandiyan ba si Sandara?”

“Wala,” maikling sagot niya. “Bumaba na kanina pa.” dagdag niya.

Naman oh!

“Pababa ka na din ba? Tara na, sabay na tayo.” yakag ko sa kanya at sabay na nga kaming bumaba. Hindi naman na kami nag-usap. Kasi pag nag tatanong ako hindi naman siya sumasagot. Hindi katulad ni Sandara na konting salita ko lang nag re-react agad.

Nakarating na kami sa lobby at ginuide kami nung isang staff papunta dun sa breakfast buffet nila. Pag pasok ko ay nakita ko na agad si Sandara na kumukuha ng pagkain niya. Tumakbo na ako at inakbayan siya. "Huy! Grabe ha.. Hindi uso diet?" Sabi ko sabay turo sa plato niyang punung-puno ng pagkain. Hinampas naman niya ako, "Buffet nga diba? Bwisit 'to." Inirapan niya lang ako ako naman tumawa lang. Ang cute niya talaga.

Kumuha na ‘ko ng plate sa ilalim at nag-umpisa na din kumuha ng kakainin ko.

➖➖➖

Sandara’s PoV

Nakaupo na ‘ko at hinihintay na lang si Hanbin na kumuha ng inumin naming dalawa. Biglang tumabi sakin si Suhyun nagulat ako pero hindi ko na lang inintindi. Trip niya ‘yan eh. “Ganyan ka talaga kumain? Buti name-maintain mo yung katawan mong ganyan.” mukhang amaze na amaze na sabi ni Suhyun.

“Hehe. Hindi ko nga din alam eh.” sagot ko na lang bago tumuloy na ako sa pagkain.

Nakabalik na si Hanbin, iniabot niya sakin yung baso ng juice na kinuha niya. “Salamat.” sabi ko.

Umubo naman si Suhyun na katabi ko. Hindi ko na lang ulit pinansin nung biglang umupo si Jisoo sa table namin. Anong meron? Natahimik nga kami nung una eh.

Pero lalo akong nagulat nung umupo si Jiyong sa may table namin. Nag tinginan nga kami dahil hindi naman nakiki table si Jiyong kahit sa school or kahit saan pa. Hello, Kwon Jiyong kaya ‘yan. Eh ni hindi nga kumakain sa canteen ‘yan.

Natahimik kami, si Hanbin lang ang maingay. “Huy kayo ah! Nag so-solo kayo,” sigaw nila Bobby, hinila nila yung isang table tapos dinikit sa may table namin. “Aga aga wala kayong energy!!” napatingin ako kay Mino na sobrang lakas ng bibig.

“Manahimik ka, Mino. Baka gusto mong mag boxer ulit.” pang loloko sa kanya nila Bobby tapos nag tawanan na lang kami.

Sana ganito lang... ganito lang sana.

My Boyfriend is a Famous Idol Where stories live. Discover now