Chapter 13

10.1K 226 26
                                    

MBiaFI Chapter 13


Sandara's PoV


"Ate gusto mong sumama saken?" yakag ni Hayi na nasa kabilang row.


Umiiling ako, "Next time na lang, Hayi." utang na loob huwag ka ng sumabay.


"Cellphone." sabi nung prof kong si Sir Lim


Walang gana kong abot sa kanya bigla naman niya akong hinawakan sa noo, "Ayos ka lang ba?" tanong niya sabay hipo naman sa leeg ko. "Kung hindi maganda ang pakiramdam mo," pinutol niya ang salita niya tapos binulong niya yung karugtong, "pinapayagan na kitang mag stay sa clinic."


"Totoo po?" tanong ko tapos tumango siya sakin, "Kagabi pa po talaga hindi maganda ang pakiramdam ko." dagdag ko pa.


Iniabot na niya ang cellphone ko at pinalabas na ako. Parang nakakapanibago naman 'tong si sir Lim. Binuksan ko ang cellphone ko at agad na tinext si Chaerin.


"Hindi ba pwedeng ngayon na lang tayo mag-usap?"


Nag hintay ako ng reply pero walang dumating. Ano ng gagawin ko ngayon? Eh hindi naman masama ang pakiramdam ko, sa canteen? Eh wala na akong pera. 


Ah sa court na lang pala, baka may nag lalaro dun ngayon manonood na lang ako. Mas gugustuhin ko na 'to keysa mag klase.


Mabilis akong nakapunta sa court dahil saulo ko naman na siya. Nakarinig ako ng sigawan galing sa loob. Mukhang may nag lalaro nga kaya pumasok na ako..


Pag pasok ko ang daming taong nanonood. More on girl students. Grabe! Biglang nag vibrate ang phone ko pero bago ko tignan ay pumasok na ako sa loob at naupo na sa medyo sulok ng court para di naman ako kapansin pansin.


Binuksan ko na ang message galing sa group chat.


Let's make a bet.


Jiyong!


Jiyong.


My husband.. Hanbin.


Playboy Hanbin.


King Jiyong for the win!


Tinignan ko ang nag lalaro at nakita kong nakaupo si Jiyong sa may bench at nasa loob naman ng laro si Hanbin. Oras pala ng klase nila ngayon?! Naka blue na uniform si Jiyong at naka red naman si Hanbin.


Kaya pala ang ingay ng mga katabi ko! Sigaw sila ng sigaw, kaya naman pala.


3rd quarter na at lamang ng five points ang team nila Hanbin. Isang minuto na lang ang natitira ay matatapos na ang pangatlong quarter. Nag tuloy tuloy lang ang laro hanggang sa maubos ang oras at walang nakapuntos.

My Boyfriend is a Famous Idol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon