Chapter 17

10.8K 254 43
                                    

MBiaFI Chapter 17

Sandara’s PoV

Kasama ko si Hanbin ngayon at nandito kami sa canteen, nakatulala lang ako dahil hindi pa din sinabi sakin ni Jiyong kung anong dahilan kung bakit siya ang duguan kanina.

Pinaalis niya din ako agad kahit ayaw ko, hindi nanaman siya papasok.

“Aware ka ba?” biglang tanong ni Hanbin habang kumakain kami.

“Saan?”tanong ko pabalik.

Binitawan niya ang hawak niyang kutsara at ipinatong yun sa gilid ng plato niya. “About sa disband—” bago pa matapos ni Hanbin ang sasabihin niya ay tinakpan ko na ang bibig niya.

“Shhh!” saway ko sa kanya.

Tumingin ako sa paligid namin at nakita ko ang mga babaeng nakatingin samin kaya napabitaw agad ako kay Hanbin. “Your hand smells like flower.” banat ni Hanbin sabay kindat saken.

“Pwede maki table?” tumingin kami sa babaeng nag salita sa may gilid namain at pag tingin ko ay si Chaerin pala. “Ah, sige!” pag kasabi ko nun ay bigla namang tumayo si Hanbin bitbit ang tray niya. “Saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain.” hindi naman ako sinagot ni Hanbin at umalis na siya.

Nag buntong hininga na lang ako at nginitian si Chaerin. “Hello,” sabi ko, napaka awkward.

Hello! Hindi kami close ni Chaerin, siya ang gusto ni Jiyong at isa pa yung insidenteng nangyare kahapon, nakita ko siya sa loob ng bahay namin na hindi ko alam ang dahilan.

“Are you a fan of Bigbang?” biglang tanong ni Chaerin na ikinagulat ko, “Well, Youngbae knows you. Remember? The coffee thing.” hawak niya ang kutsara at dinurog durog yung pagkain nasa harapan niya.

“A-ah-ah. Ano kasi.. fan talaga nila ako. Sikat kasi ako sa twitter hehe, ako pinaka active nilang master-nim sa twitter. Ganun kasi yun.. hehe.” tumango tango lang siya sa sagot ko kahit na isa lang naman akong wallflower, ako sikat? Patawa lang talaga ako eh.

Tinaas niya ang kilay niya, “But let me say this to you, kahit na ikaw pa ang pinaka fan ng Bigbang.. tandaan mong saken pa din si Jiyong... at Hanbin.” Nakipag titigan siya saken tapos tumayo na siya at umalis na.

Wala na ‘kong inaangkin dahil wala namang sakin. Isang babae lang ako na pinoprotektahan ang isang lalaking alam kong hindi naman napapansin lahat ng effort ko.

Pero okay lang, masaya pa din ako sa nangyare, nakakasama ko si Jiyong sa iisang bahay at nakakausap ko siya. Siguro naman isa ng achievement yun no?

Umalis na din siya. Hayyy~ iniwan na nila akong lahat.

Binitbit ko na ang tray ko nung may biglang humapas nun kaya sumabog sa damit ko, lagi na lang sa damit ko. Tinitigan ko yung mga babaeng nasa gilid ko, “Ano bang problema niyo?” tanong ko sa kanila. “Suhyun, ano nanaman ba?”

“Una si Hanbin, ngayon naman si Jiyong. Ano kayang meron sa’yo no?” inikutan ako ni Suhyun at hinawak hawakan ang buhok ko, “Palagi ka nilang pinag tatanggol, hindi kaya may ginagawa ka tuwing gabi?” tinitigan ko siya at kinuha yung tasang nasa tray na naiwan ni Chaerin at ibinuhos sa blouse niya.

“Sa susunod, ‘wag mo akong mahawak hawakan.” umupo ako at pinulot isa-isa yung nahulog na kinainan ko sa lapag. Habang pinupulot ko yun ay may biglang nag ngudngod sakin sa sahig.

“Sa susunod, ‘wag mo din akong pag tataasan ng boses mo!” tinitigan ko si Suhyun na nakangisi. Umalis na sila at nakita ko ang mga estudyanteng nakatingin sakin kaya napayuko na lang ako kahit hiyang hiya na ako ay pinag patuloy ko pa din yung ginagawa ko hanggang sa may pumigil sakin,

“Mam ako na po,” sabi ni kuyang janitor na pumigil sakin. “Trabaho ko po ‘yan. Mag palit na lang kayo ng damit niyo.” awat niya sakin tumayo na ako at nag pasalamat sa kanya.

Nung palabas na ako ay nakasalubong ko si Jiyong, tumingin siya sakin, sa itsura ko at kumunot ang noo niya, mag sasalita pa sana siya pero inunahan ko na siya. Umalis na ‘ko para hindi na niya ako makausap, para hindi na lumaki pa ang usapan tungkol samin.

Nag punta ako ng locker room at nag palit ng p.e uniform. Hindi na muna ako papasok. Parang tinatamad at nawawala na nga ako ng gana mag-aral.

➖➖➖

Dito ako napadpad sa park. Walang masyadong tao dahil may pasok nga, may kakaunti lang tao pero bilang na bilang mo lang.

Umupo ako sa may bench sa may ilalim ng malaking cherry blossom kung saan malilim at mahangin.

Habang nakapikit ang mata ko ay may isang lalaking biglang sumigaw ng, “MAY BUBUYOG SAYO!” sa mismong tenga ko kaya napatayo at nag pagpag at tumalon talon.

“Nasaan?! Wala na ba?!” habang talon ako ng talon ay nakita ko yung lalaki na tumatawa lang-teka sino ano ‘to ah?! Si ano,

“Hello, Sandara,” bati niya sakin nakangiti. “Nag cutting ka no?” tanong niya sakin.

Naningkit ang mata ko, “Paano mo nalaman?” tumawa naman siya sa sinagot ko.

“Hindi ba dapat ang sagot mo ay ‘hindi kaya’?” napapikit na lang ako sa hiya nung maalala ko yung sinabi ko. Sandara naman!

“Eh ikaw? Bakit ka nandito..... Youngbae?” mahinahong tanong ko sa kanya nakakapag taka laka. “Mamaya dumugin ka ng fans mo dito.” Pag kasabi ko nun ay sumibangot siya.

“Joke ba ‘yan? Wala akong fans.. wala na akong fans.” umupo siya sa may bench tinabi ko yung bag ko at naupo ako sa tabi niya hindi naman dikit na dikit mahaba naman ng konti yung bench eh.

“Joke ba ‘yan? Marami ka kayang fans. Lalo na sa school namin. Naku!” tinitigan niya lang ako sabay inirapan na para bang hindi talaga siya naniniwala sakin. “Totoo yun. Kahit itanong mo pa kay Jiyong.” ngumiti ako sa kanya pag kasabi ko nun.

Biglang tumingin sakin si Youngbae kaya napaiwas ako, tumingin lang ako ng diretso sinisilip ko siya at nakatingin pa din sakin. “About Chaerin.. hindi niya alam diba?” bigla niyang tanong.

Tumingin ako sa kanya at umiling. “Pero mukhang nacu-curious na siya. Ano bang nangyare?” tanong ko sa kanya.

Umiwas ng tingin si Youngbae at nag simulang mag kwento, “Everytime na niyaya ni Chaerin si Jiyong sa labas sumama si Jiyong. But now, bihirang bihira na lang. We didn’t know the reason why, palagi niyang gustong umuwi ng maaga. Pero syempre hindi din naman nagagawa ni Jiyong dahil sa maraming inaasikaso sa company. Alam mo naman ngayon, diba?” tigil niya sa pag kwento tumango naman ako sa tanong niya. “Chaerin parents is the owner of—”

“Alam ko na yan, Youngbae.” putol ko sa kanya.

“Oo na!” inis niyang sagot.

“Jiyong likes Chaerin, Chaerin doesn’t. Pero hindi ka ba nacu-curious kung bakit nagagalit si Chaerin kapag hindi niya nakakasama si Jiyong? Eh hindi niya naman pala gusto si Jiyong, hindi kaya na-fall na din siya? Naku! Yari ka na, Sandara,” inirapan ko siya. “But let’s be serious here—”

“Ikaw lang naman ang ayaw mag seryoso eh!”

“Hindi pwedeng malaman ni Chaerin ang tungkol sa inyo ni Jiyong, kung ‘di, sira ang career namin. Sa love life niyo nakasalalay lahat,” ginulo niya ang buhok ko at nag buntong hininga, “I need to go. Pumasok ka na.” tumayo na siya at ngumiti lang sakin.

“Ingat.” paalam mo.

Sa amin ba talaga nakasalalay lahat? Ayaw kong iwan si Jiyong, ayaw ko siyang hiwalayan. Anong gagawin ko? Anong dapat kong gawin? Hindi ko na alam. Litong lito na ‘ko.

My Boyfriend is a Famous Idol Where stories live. Discover now