Chapter 16

12.2K 255 47
                                    

MBiaFI Chapter 16

Sandara’s PoV


Nasa loob lang ako ng kwarto at mag a-ala una na din ay wala pa din si Jiyong sa bahay. Nakatunganga pa din ako hanggang ngayon sa laptop ko at paulit ulit na nag si-sign ng petition sa hindi pag payag sa pag disband ng Bigbang.

Hindi ko alam ang dahilan pero marami ang nag sasabing dahil daw may mag kaaway sa Bigbang at ang iba naman ay pinag-uusapan na may isa daw sa member ang may girlfriend sa company.

Mukhang si Jiyong ang halatang tinutukoy nila.

Simula ngayon kailangan ko ng iwasan si Jiyong sa school para hindi na makahalata pa ang iba. Kailangan ko ding sabihan si Hanbin na kailangan niyang itikom ang bibig niya dahil siya lang naman ang nakakaalam sa school.

Nakahiga lang ako nung makarinig ako ng ingay sa baba.

Nandyan na si Jiyong.

Mabilis akong tumayo at iniligpit ang laptop ko, nahiga na ako at nag tulug-tulugan. Hindi ko pa kayang kausapin si Jiyong ngayon.

Siguro naman nasabi ko na sa letter na binigay ko sa kanya. Mga ilang minuto ang hinintay ko nung maramdaman kong biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Anong gagawin ko?! Pikit! Pumikit ka Sandara!

Ipinikit ko ang mata ko at pinanindigan ang pag tutulug-tulugan. Nararamdaman ko si Jiyong na nakatayo sa tabihan ko.

Nakatagilid ako at isinabog ko ang buhok ko sa mukha ko dahil baka makita niyang gumagalaw ang mata ko at mahalata niyang nag tutulug tulugan lang ako.

Umupo si Jiyong sa kama ko, sa tabihan ko. Inalis niya ang buhok na nasa mukha ko.. naramdaman kong inilapit niya ang mukha niya sakin, “I’m sorry.” bulong niya.

Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya nung bumulong siya sakin, para akong nakiliti, muntik na akong mapadilat nung bigla niya akong hinalikan sa pisngi ko.

Tumayo na din naman siya at lumabas na.

Mabilis akong napatayo sa pag kakahiga ‘ko. I’m sorry para saan Jiyong? Dahil ba hindi mo masabi ang mga problema mo sakin? Hindi ka pa ba handa? Mag-iintay ako para sayo Jiyong.


➖➖➖

Maaga akong gumising at saktong hindi pa naman gising si Jiyong. Nag mumukhang iniiwasan ko siya, pero ganun talaga.

Para sa kanya naman ‘tong ginagawa ko, para sa career niya.

Nag punta ako sa harap ng refrigerator para mag dikit ng note:

Jiyong maaga kasi ang pasok ko kaya hindi na ako nakapag handa ng breakfast mo.. I’m sorry.

Pag dikit ko nun ay lumabas na ‘ko.

Laking gulat ko nung nandun si Hanbin! Nandito nanaman siya ng sobrang aga, “Hoy bakit ka nandito?” gulat na tanong ko.

“Ikaw bakit ang aga mong pumasok? Na sa’yo ba susi ng gate ng school.” tanong pabalik sakin ni Hanbin na halatang nang-aasar lang naman.

“Eh ano bang pake mo?” tanong ko sabay dinaanan ko lang siya.

Patuloy lang ako sa pag lakad habang siya naman ay sumusunod lang, tinitigan ko siya at pinag taasan ng kilay, “Bakit ka sumusunod sakin?” tanong ko na nginisian niya lang.

“Bakit mo pinapagod ang sarili mo imbis na sumasakay ka na dito?” hindi ko na siya pinansin, bahala siya sa buhay niya.

“Mamaya makita ka pa ni Chaerin diyan, anong idadahilan mo?” mabilis akong napatingin sa kanya at naningkit ang mga mata ko, “Paano mo nalaman ‘yan?” tanong ko sa kanya. Itinigil niya ang pag mamaneho niya at lumabas ng sasakyan niya.

My Boyfriend is a Famous Idol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon