Chapter 14

10.5K 249 43
                                    

MBiaFI Chapter 14

Sandara's PoV


Hawak hawak ko ang phone ko at sinusundan ang sinend sakeng direksyon ni Jiyong papaunta sa kanyang hideout.



Lakad lang ako ng lakad hanggang sa marating ko ang isang yellow na pader. Eto na ang pinaka last na daanan. Nasaan dito?


Kinapa kapa ko ang pader baka sakaling may hidden door dito kasi sabi nga ni Jiyong ay hideout.



Nagulat na lang ako nung may biglang bumukas na pinto na nakadikit sa pader. Wow! Sabi ko sa inyo eh may hidden door dito.


Pumasok ako, "Jiyong?" tanong ko.



Maliwanag at maluwag sa loob. Parang isang bahay, kumpleto sa gamit. May mga sofa may mga cabinet. Bahay na bahay ang style.



"Jiyong?" tawag ko ulit.



"Hey." Nagulat ako nung may biglang kumalbit saken pag tingin ko si Jiyong pala, "Nakakagulat ka naman." sabi ko.



"Do you have sense of direction now, Ms. Sandy?" sabi niya sabay upo sa sofa at kumuha ng beer. Pwede ba 'to?


Pwede siguro kasi siya naman si Jiyong eh.


Umupo ako sa tabi niya at nakita ko ang mga bote ng beer na nakapatong sa lamesa. Ang dami na niyang naiinom.


"Okay ka lang ba?" tanong ko.


Binuksan niya ang tv at hindi pinansin ang tanong ko.


"Okay ka lang ba?" tanong ko ulit.


Nagulat ako nung bigla siyang humarap saken. Mag kalapit na ang dalawa naming mukha, kaya napaatras ako.


"Do I look okay, Sandara?" tanong niya.


Tinitigan ko siya sa mata niya tapos umiling ako.


"Nag kakaganyan ka ba dahil natalo kayo kanina?" pag-aalinlangan kong tanong.


Ngumisi lang siya, "Nope." tapos tinungga na niya yung isang bote.


"Eh ano pala?" tanong kong hindi nanaman niya sinagot.


Panay lang ang buntong hininga niya habang nakatingin sa tv. Tatayo sana siya nung bigla siyang natumba saken. Mag kaharap nanaman ang mukha naming dalawa.. konti na lang.. konting konti na lang didikit na ang labi niya sa labi ko.



Hinawakan ko ang noo niya, "Ang init mo Jiyong." sabi ko tapos inalalayan ko siyang umupo. Kinuha ko ang panyo sa bag ko.


Nag punta ako ng kusina at tinignan kung may yelo sa ref niya sakto meron. Kumuha ako ng tasa at binasag ko yung yelo tapos nilagyan ko ng tubig. Nilublob ko dun ang panyo ko.


Ipinatong ko sa noo ni Jiyong yung panyo. "Nag kakasakit ka din pala." bulong ko.


Hinimas ko na lang ang buhok niya at tumutok na lang sa tv. "Sabihin mo lang saken kung may gusto ka." Sabi ko.


Humarap ako sa kanya at nagulat ako nung bigla niya akong hinalikan sa labi.. nakapikit lang siya at ako nakadilat..gulat na gulat.


Nagulat ako nung aalis sana ako ay hinawakan niya ang leeg ko. Ipinikit ko na ang mata ko at hinayaan ko ng sumabay ang pag galaw ng labi ko sa labi ni Jiyong..


Ilang saglit din naman ay bumitaw na siya at natulog na. Mabilis akong tumayo at nag punta ng kusina.


Hindi ako makapaniwala sa nangyare.. lasing si Jiyong kaya niya nagawa yun. Ibig sabihin... hindi niya din ginusto.


Binuksan ko ang mga kabinet at nakakita ko dun ng ramen.. ubod ng daming ramen. "Tsk, hindi kinakain ang pagkain na niluluto ko sa bahay tapos ramen ang kinakain dito kaya ka nag kakasakit eh." sabi ko sa sarili ko habang umiiling iling pa.


Nag pakulo na ako ng tubig, pasensya na pero eto ang kakainin mo Jiyong.


Pumunta muna ako ng sala para basain ang panyo. Bumalik na ako ng kusina at tapos na ang ramen. Inilagay ko sa isang bowl at bumalik na kay Jiyong.


Ginising ko na siya, "Kumain ka muna tapos umuwi ka na sa bahay." sabi ko sabay kuha ng bowl.


Hinipan ko ang noodles na nasa chopstick, "Ah." sabi ko na pinapanganga siya.



"Ako na." sabi niya.


Nilakihan ko siya ng mata, "Ah!" sabi ko.


At ngumanga naman siya, "It's too salty." reklamo niya.


"Kumain ka na lang pwede?"



Kahit naman maalat naubos niya pa din. "Too salty, huh?" sabi ko tapos inirapan niya lang ako.


Nag punta na ako ng kusina para hugasan yung pinag kainan niya. Pag tapos ko ay nakita ko si Jiyong na hawak hawak ang phone ko at agad din naman niyang binitawan nung naramdaman niyang pabalik na ako.


"Go to your class now." biglang sabi ni Jiyong.


"Mag aala singko na ho. Wala na akong klaseng papasukan." sabi ko habang inaayos ang bag ko. "Ikaw? Papasok ka pa ba?"


"Company." maikling sagot niya saken. "Sumabay ka na sakin. Ihahatid na kita."


"Ang cute mo pa lang mag tagalog, no?" bigla kong sabi na ikinagulat ko din. "I mean-"


"Action may be stronger than words but you can't take back things that have been said," naka ngising sabi niya, "Let's go." yakag niya sabay kuha ng coat niya.

My Boyfriend is a Famous Idol Where stories live. Discover now