Chapter 12 pt. 1

10.4K 265 55
                                    

MBiaFI Chapter 12 pt. 1

Sandara's PoV


Habang nag lalakad ako ay may biglang sumabay sakin sa pag lalakad.


"Hello." sabi ko sakanya.


"Hi. Let's be friends." bigla niyang sabi.


Nagulat naman ako dahil unang beses 'to na may gustong makipag kaibigan saken.


"Anong year ka na?" tanong ko.


Ngumiti siya yung ngiting parang nahihiya, "Hello, senior." sabi niya saken na ikinagulat ko naman. "Late enrollee ako."


"Oh.. may ganun pala," sabi ko tapos tumango siya. "Patingin ng registration form mo," iniabot naman niya sakin at agad kong tinignan kung anong section niya. "Ha! Section 1-2. Classmate kita!"


"Uwah!" tapos yinakap niya ako. "Sorry. Ang saya ko lang kasi hindi ko inaasahang mag kakaroon ako agad ng kaibigan dito."


"Swerte ka talaga ano. Lunch break ngayon, tara sa canteen." yakag ko sakanya. "Treat ko. ^__^"


Habang nag lalakad kami ay pinag titinginan ako. Grabe? Hindi ba ako pwedeng mag karoon ng friends?


"Ate, pinag titinginan ka nila. Feeling ko famous ka." bulong niya sakin.


"Hindi 'no! Ikaw talaga tinititigan nila kasi bagong mukha ka dito," dahilan ko. "Tapos ang ganda mo pa. Ano nga ulit ang pangalan mo?"


"Hayi. Lee Hayi. 'Wag mong kalimutan hehe." pag kasabi niya nun ay inabutan ko siya ng isang tray tapos pumila na kami.


Nag swipe na kami ng card, "Naalala ko, libre nga pala dito, Hayi." sabi ko tapos tumawa na lang kaming dalawa.


Ang cute cute ni Hayi. Yung kapag ngumingiti siya yung cheek bone niya lumalabas ng bongga, parehas sila ni Hanbin.


At speaking of Hanbin.


"Sabi ko sabay tayo eh!" sabi ni Hanbin na kakarating lang. "Pasingit!" tapos sumingit siya sa likuran ko.


"Ouch." biglang sabi ni Hayi.


"Huy ano ka ba!" sabi ko sabay hampas sa braso ni Hanbin, "Pumila ka nga dun!" tapos tinulak ko siya.


"Ate kilala mo yun? Ang gwapo naman niya." sabi ni Hayi na namumula ang pisngi.


"Tumigil ka nga diyan, Hayi. Badboy yun atsaka babaero. No no. Masyado ka pang baby for him." pag babawal ko.


Nag pout si Hayi, "Edi puppy love. Ang cute niya talaga. Anong year na siya?"


"Mamaya na naten siya pag-usapan ha? Turn ko na eh." ngumiti ako sakanya tapos kumuha na ako ng meal ko.


Pag tapos kong kumuha ng meal ko ay tumingin ako kay Hayi na kumukuha pa ng kanya. "Hanapin mo na lang ako." sabi ko sa kanya.


Nagulat ako nung pag step ko ay may biglang pumatid saken. Sumubsob lang naman ang mukha ko sa tray na punong puno ng pagkain.


"Sandar—" narinig ko ang sigaw ni Hanbin.


"Hoy!" tapos narinig ko din ang sigaw ni Hayi.


Nagulat ako nung bigla niyang hinagis yung tray dun sa lalaking pumatid saken.


"Aba!" sigaw nung lalaki.


"Aba din! Akala mo ata siga ka dito eh, no?" sigaw pabalik ni Hayi.


Aambang susuntukin nung lalaki si Hayi nung bigla pumagitna sa kanila si Hanbin. Hinila ni Hanbin sa collar yung lalaki at binulungan.


"Meet me at the corner later."


Hi again! Good night readers!!~

Hi again! Good night readers!!~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Boyfriend is a Famous Idol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon