Chapter 20

10.5K 223 33
                                    

MBiaFI Chapter 20

Sandara’s PoV

Napadilat ako nung tumunog ang maingay kong alarm. Hindi ako sanay gumising ng ganitong oras, ang dilim pa nga sa labas eh. Alas dos pa lang ng madaling araw ngayon. Nakakatamad tumayo parang may magnet sa higaan ko.

Napatayo lang ako nung nakarinig ako ng katok galing sa pintuan. “Gising ka na po, Sandara?” ang sexy at cute talaga mag tagalog ni Jiyong napapangiti tuloy ako.

“Opo.” mahinang sagot ko.

“Okay. Would you like some bread and coffee?”

“Yes yes.”

“Get ready. I’ll wait.”

Pag kasabi no’n ni Jiyong nag-inat na ‘ko at pumasok na sa loob ng comfort room. Ang lamig ng tubig. Ang sarap bumalik sa higaan. Hindi na talaga ako a-absent! Hinding hindi na.

Pag katapos kong mag-ayos, kinuha ko na yung maleta ko at bumaba na. Naabutan ko si Jiyong naka nakasuot ng sweater at black pants with white socks na nakaupo sa sala habang nanonood ng news at umiinom ng kape. Nginuso niya yung cup of coffee na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko yun at tumabi sa kanya.

“Hindi ka ba inaantok, Jiyong?” tanong ko dahil pag kaupo ko dito sa sofa parang gusto kong humiga at matulog ulit.

Hindi naman niya pinansin ang tanong ko kaya hinayaan ko na lang baka tulog pa ang tenga niya eh.

Pag kaubos ko nung coffee ko agad na akong tumayo para kunin yung sapatos ko. “Mauuna na ako sayo, Jiyong. Hindi naman tayo pwedeng mag sabay. Alam mo na.”

Hinila ko na ang maleta ko at lumabas na. Maliwanag naman sa labas dahil sa ilaw sa mga poste pero madilim pa din talaga ang paligid. Alas tres lang ata ngayon.

Habang nag lalakad ako bigla kong naalala kung may taxi kaya ng ganitong oras? Sana naman meron kahit bus lang.

“Yo! Good morning, Sandy.” sumalubong sakin ang maingay na bunganga ni Hanbin.

“H-hoy bakit ka nandito?” gulat kong tanong.

Nag pout siya. “Hindi mo ba nabasa message ko sayo?” umiling ako kay Hanbin. “Tsk, kaya pala nag hihintay ako ng reply mo walang dumadating.” pag tatampo niya.

“Naku! Good morning, Hanbin! Tara na pwede? Nilalamig na ‘ko ng bongga dito eh," nag ‘ay’ lang siya at pumasok na din kami sa loob ng sasakyan niya. “Sana naman ‘di ako pahirapan maigi, no? Alam mo naman mga girl students sa school, mainit ako sa kanila ngayon."

“Hindi ‘yan. Akong bahala sayo.”

“Hindi! ‘Wag kang masyadong malandi kapag nandoon na tayo. Mag focus ka lang sa training mo, okay?” dumaan kami sa isang coffee shop drive thru. “Nag coffee na ‘ko.” sabi ko.

“Inaalok ba kita? Pfft—ayan eh. Let’s focus, Sandy, okay?" sabay pat niya sa shoulder ko.

“Heh!” sabi ko sabay alis ng kamay niya na nasa balikat ko.

Mabilis lang kaming nakarating sa school. Iniwan ni Hanbin sa parking lot ang sasakyan niya. Dahil ang alam ko ay gagamitin ang school bus papunta don. Sabay kaming dumating sa loob ng school, malamang.

Nandito na yung ibang coach at ibang basketball team of boys.. Tinutukso pa nga nung iba si Hanbin eh pero umiwas na lang ako.

Mga 30 minutes na ang nakakalipas ay may mga dumating na iba pang players.

My Boyfriend is a Famous Idol Where stories live. Discover now