Prologue

28.4K 433 49
                                    

MBiaFI Prologue

Sandara’s PoV


Isa lang akong normal na babae. Isang wallflower sa school ni walang balak tumingin saken kahit sulyap lang dahil hindi naman ako kagandahan.

Pero paano kung isang araw malaman ng lahat na isa akong girlfriend ng hinahangaan nilang si Kwon Jiyong. Ang leader ng Bigbang, isa sikat na grupo ng South Korea.

➖➖➖

Nandito ako sa waiting shed inaantay ko si Jiyong. Araw-araw akong nag iintay dito kahit alam ko naman sa sarili kong hindi niya ako isasabay sa pag pasok namin.

4th year college na si Jiyong at 1st year pa lang ako. First day of school ngayon at hindi ko pa masyadong gamay ang school na papasukan ko kaya sinabi ko kay Jiyong na sasabay ako sa kanya ng pag pasok.

Pero mukhang kailangan ko ng pumara ng taxi. Mag tatanong tanong na lang ako mamaya.

Habang nakatingin ako sa bintana nilabas ko ang notebook ko, inilipat ko ang pahina sa pinaka dulo.

Nakasulat dito ang mga hindi ko dapat gawin sa school:

1. Don’t talk to me.

2. Pretend you don’t know me.

3. Don’t tell anyone about our relationship.

4. Don’t sit next to me during break/lunch time.

5. Don’t act nice or close to me.

6. Don’t smile, laugh and wave at me.

Ayan pa lang ang iba. Madadagdan pa yan soon.

Sinulat yan ni Jiyong kagabi nung nag dinner ang family namin kagabi. Tama kayo ng iniisip, arranged relationship lang ang meron kami. Hindi niya ako mahal, hindi niya din ako gusto. Mag kasama na kami sa iisang bahay. Wala kaming magawa dahil yun ang gusto ng parents namin.

“Nandito na po tayo.” biglang sabi nung taxi driver. Inabot ko ang bayad ko at bumaba na.

Wow! Ang laki.

Mas lalo tuloy akong kinabahan nung makita ko yung mga magaganda at sexy babae na dumaan sa harap ko. Ang iikli ng palda nila at naka unbutton pa ang dalawang butones sa polong suot nila.

Okay na din to. Ayaw ko din namang mag suot ng mga ganun dahil hindi ako komportable. Huminga ako ng malalim bago pumasok. Hinarang ako nung isang guard, tinitigan niya mabuti ang i.d ko.

“Ah first year.” tumalikod siya at pag harap niya saken may bitbit na siyang isang brochure na something, “Ma oh baka maligaw ka, in case.” ang sosyal naman may pa-map map pa.

“Salamat po.” sabi ko sabay ngiti.

Kakaripot pa lang ang naihahakbang ko ng may biglang humila saken.

“Alis!” sigaw niya. Titignan ko sana kung sino siya nung may biglang mga babaeng nag si takbuhan papunta sa direksyon ko.

Naririnig kong sinisigaw nila ang pangalan ni Jiyong. Pinilit kong makita ang dinudumog nilang sasakyan ni Jiyong. Maangas na bumaba si Jiyong sa itim niyang sasakyan.

Papunta siya sa direksyon ko ngumiti ako sa kanya at palihim na kumaway pero inirapan at binangga niya lang ako sa balikat ko.

Nahalata ata nung babaeng nasa harapan ko na gulat na gulat ako kaya kinausap niya ako. “Ayan, paharang harang ka kasi sa dinadaanan ni Jiyongie eh.” sabay irap nito saken.

Jiyongie?!

Bumuntong hininga na lang ako at itinuloy na ang pag lalakad ko. Napadpad ako kung saan nung may biglang humawak sa ulo ko.

“Diretso.” bulong niya.

Pinipilit kong iikot ang ulo ko para makita ko kung sino siya pero hindi ko magawa dahil hawak hawak nga niya ang ulo ko. Base sa boses niya, confirm lalake siya.

“Pwede bang bitiwan mo ako.” inis na sabi ko. Pero hindi niya ako inintindi at nakahawak pa din siya sa ulo ko. “Bitaw! Hindi ka bibitaw?” naiinis na talaga ako sa lalaking ‘to.

“I’m helping you. Girls locker room ba?” sagot niya na nag pa ningning ng aking mga mata. “Talaga?!” tanong ko. Hindi ba mukhang tuwang tuwa naman ako?

“Tsk idiot.” nag pout lang ako okay lang basta makapunta ako dun. Ang dami kasing pasikot sikot eh.

Pag dating namin sa locker room ay agad na nag sigawan ang mga babaeng nasa loob. Yung iba nagulat at yung iba naman masama ang tingin saken. Hindi ko alam kung bakit hanggang sa binitawan nung lalaki yung ulo ko.

Agad akong tumingin sa kanya. Ang gwapo gwapo niya. Ang puti at tangkad niya sabay naka braces pa.

 Ang puti at tangkad niya sabay naka braces pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“S-salamat.” luh, bakit ako nahihiya?

Unti unti siyang lumapit saken akala ko ay yayakapin niya ako pero sadyang assuming lang ako. Bakit ko ba yun iniisip?

“I know that you’re Jiyong’s girlfriend

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“I know that you’re Jiyong’s girlfriend. But don’t worry, I’m going to keep it as a secret, Sandara.” Inayos niya ang name plate ko.

Umalis siya sa harapan ko, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Agad akong bumuntong hininga paano niya nalaman na boyfriend ko si Jiyong?! Itatanong ko na lang kay Jiyong mamaya— speaking of Jiyong.

Kahit malayo siya saken nakikita kong nakakunot ang noo niya.

Galit nanaman ba siya?

My Boyfriend is a Famous Idol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon