Chapter 19

1.7K 45 18
                                    

Happy mother's day! :)

Chapter 19
Beast

Binato ko ang ballpen sa office desk ko. I couldn't do anything productive. Paano ba naman, pagpasok na pagpasok ko bago mag alas-otso ay nasa opisina ko na si Paolo! My office he's claiming his office now too!

Nilingon niya ako at ibinalik muli ang pansin sa screen ng laptop niya. He said while typing, "Ano ba 'yan? Ang ingay. Kanina pa 'yan..."

Napabuga ako ng hangin. Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking 'to!

For the past hour or so, kung sino-sino ang tinatawagan niya - supplier ng flour, sugar at kung ano-ano! Ngayon na nga lang siya natahimik d'yan sa pwesto niya... kaso naman naglabas siya ng chicharon at suka! The room was airconditioned! Bukod sa nangangamoy 'yon, ang ingay pa niya!

Edi doon ka sa department niyo kung ayaw mong makarinig ng ingay mula sa'kin! Ang arte mo! Init lang 'yon! Buti nga industrial fan pa 'yung nandoon... no'ng nasa San Vicente nga tayo, hindi industrial 'yung bintilador natin pero wala ka namang reklamo, ah?!

Napasapo na lang ako sa noo ko. Kung sana lang ay nandito si Lance, siguro ay lumipat na lang ako sa opisina niya. He's out for today. Tapos naka-lock pa ang opisina niya. I couldn't work in the teachers lounge because the teachers usually do their visual aids there. Sa library naman, nandoon ang nursery ngayon para sa reading class nila.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa drawer ko. I decided to call Jiro.

"Good morning! Busy ka?" I asked when he received the call. Nakita kong lumingon ulit si Paolo sa akin pero agad din naman niyang pinagpatuloy ang trabaho.

"Yeah..." mahinang tugon ni Jiro.

"Akala ko patapos na 'yung sa Taguig?" Ang alam ko ay nasa Makati lang siya ngayon, sa opisina nila, dahil patapos na naman halos lahat ng projects niya bukod doon sa Pampanga.

"New project..." paliwanag niya, naririnig ko ang kaluskos ng mga papel. He's probably doing some drafting or some paperwork.

"You don't have free time today?"

Natahimik siya saglit upang mag-isip. "I have lunch break at twelve to one-thirty..."

My face brightened up, "Pwede kitang puntahan?"

"Ha?" he said, surprised. "You'd really do that?"

"Oo naman! Miss na kaya kita..." malambing kong sabi. Paolo snorted. Kaya naman ang ginawa ko, binato ko siya ng folder. Hindi naman na siya pumalag.

"I miss you, too..." sabi ni Jiro nang may magkahalong lambing at lungkot. "Then I'll see you later? Text me when you're near. Para hindi ka na maghintay sa lobby."

"Alright." I ended the call with a smile.

I gathered my stuff in my handbag. Magco-commute lang ako papuntang Makati. It's Wednesday. Coding ang sasakyan ko kaya nag-taxi lang din ako kanina pagpasok.

"Saan ka pupunta?" Nakataas ang kilay ni Paolo nang tanungin niya iyon bago ako lumabas ng opisina.

It's his second day today. Wala kasi siya kahapon dahil abala siya sa ABF at dinaanan din niya ang RC. He also had issues to settle with Melendez Corporation which I decided not to pry about.

He said he'll probably be around Mondays, Wednesdays and Fridays. 'Pag naayos na niya ang lahat ng records, he'd probably come in my school only once a week. Or less, kung kaya raw.

"D'yan-d'yan lang," sabi ko. I heard Paolo mumble something but I didn't mind him. Nagbilin ako ng ilang gawain kay Shiela at umalis na.

I hailed a cab outside my school. Nagpahatid ako sa pinakamalapit na MRT station. Mas mabilis kasi ang byahe kung gano'n.

He Was My CousinWhere stories live. Discover now