Chapter 17

1.7K 47 13
                                    

Chapter 17
Your Service

I was just looking at Paolo's calling card for the past thirty minutes while I'm sitting in my office. Katatapos lang naming kausapin si Rochelle. She was firm about her decision. Matagal daw kasi nilang hinintay ng asawa niya na mabuntis siya. Ang dalawang pagbubuntis niya bago ngayon ay parehas nalaglag.

Wala naman na akong magawa at isa pa, naiintindihan ko sila kahit papaano. Parang si Mama lang noon bago niya ako maipanganak. I wish them well, lalo na ang bata. Ang sa akin lang, sana kung iyon talaga ang priority nila ay hindi na siya nag-commit sa kahit anong trabaho sa simula pa lang.

I sighed. Pinaglaruan kong muli ang calling card gamit ang mga daliri ko.

"Ano na'ng gagawin natin?" tanong sa akin ni Lance. Hindi ako sumagot. "Ano ba 'yang kanina mo pa hawak?" puna niya.

Nag-angat ako ng tingin kay Lance. I looked at him straight in the eyes. Bumuntong-hininga ako. "Wala ka ba talagang mahahanap?" I asked desperately.

Umiling siya. "Wala na akong kakilala. Sa October pa 'yung board, ang target natin ay fresh grad, fresh passer. Iyon lang ang medyo mababa ang sweldo. At isa pa, hindi natin alam kung mapagkakatiwalaan. We can't pay much too, we're so far from reaching breakeven..."

"Gano'n naman talaga lalo na't school ito..." Itinapon ko sa may table na namamagitan sa amin ni Lance iyong calling card.

Dinampot iyon ni Lance. Kumunot ang noo niya. "Pumunta ako kina Ate Sky no'ng weekend. They're all into business ad and accountancy. Nagtanong-tanong kasi ako kung may kilala silang CPA... It's a long story but Paolo ended up giving me his calling card, telling me to contact him to talk about the arrangement. Busy rin kasi siya..." paliwanag ko.

Biglang pumalakpak ng isang beses si Lance. "Wala naman na pala tayong problema!"

"Lance!" apila ko sa kanya. "It's Paolo! Alam mo naman na..." I didn't know what to say more after that.

"Na siya ang greatest love of all." He rolled his eyes. Hindi ko na pinansin ang sinabi niyang 'yon. "We have to be practical, Ays."

"He said he's not going to do it for free..."

Tumaas ang kilay niya. "But I'm sure he's not going to charge you so much. Para man lang sa pinagsamahan niyo..." makahulugan niya akong tinignan.

Inirapan ko siya. "But still! It's... awkward. Tska ano, si Jiro! Yes, si Jiro!" naalala ko bigla. "He won't appreciate it for sure."

Nagkamot ng sentido si Lance gamit ang hintuturo niya. "At bakit? May magagawa ba siya? Siya kaya ang pagawain mo ng payroll? Siya rin mag-ayos ng contributions at withholding tax, ano?" Hinawi niya ang kanyang buhok. "I don't have anything against Jiro, Aya. You know that. Pero maging praktikal naman tayo. Isa pa, kung kayo talaga ni Jiro hanggang sa huli... he eventually have to deal with Paolo. Parte pa rin kayo ng iisang pamilya. And besides... you're both taken. Right?"

"Yeah, but still... I'll talk to him about it," I said, giving in. "But please, please, Lance, find someone else if you can..."

"Alright, Ays."

--

Humalik si Jiro sa aking pisngi. "Did you wait long?"

Umiling ako nang nakangiti. "Hindi naman, katatapos lang din ng meeting namin."

Dumiretso kami sa parking. He guided me towards the passenger's seat.

"Have you talked to them? Tatanggapin mo ba 'yung trabaho?" tanong ko sa kalagitnaan ng byahe namin. Tingin ko kasi ay magandang oportunidad talaga 'yung makapagturo siya at ang mas maganda pa ro'n, sa alma mater namin!

He Was My CousinWhere stories live. Discover now