Chapter 3

2.1K 48 9
                                    

Chapter 3
Who You

"Nigel!" sabi ko sabay buhat sa five year-old kong inaanak. "How's our baby boy?" Medyo sinayaw-sinayaw ko pa siya sa braso ko.

Humagikgik 'yung bata. "I'm good, Tita. Look oh, I got a star." Pinakita niya sa akin 'yung likod ng palad niya. There was a stamp. I commended him and told him he did a good job, but I am not really into those reward and punishment thing. Iyon siguro ang nakuha ko sa educational psychology prof ko. I didn't want my students studying just because they'd get something, or because they'd lose something. But I guess teachers have their own ways.

Napayuko ako ng tingin nang maramdaman kong may humahatak sa dress ko. "How about me? Hindi na ako ang baby boy ni Tita Aya?" There, tugging on my dress was James. Nakakunot ang noo niya habang nakatingala sa amin ni Nigel.

"You're both my babies!" sabi ko.

"Nako, Aya, 'wag ka masyadong ganiyan 'pag nandito si Jiro. Baka maisipan niyang bagay ka na maging mommy. I know he'll willingly do the honors," sabi ni Ian kaya binatukan siya ni Jiro na naka-upo katabi niya sa sofa.

"Gago!" sabi ni Jiro habang tumatawa.

"Shh!" saway ko dahil naririnig no'ng mga bata 'yong pagmumura niya. Agad namang tinakpan ni Jiro ang bibig niya.

"See?" sabi ni Ian. Sabay na lang namin siyang sinamaan ng tingin ni Jiro.

Nandito kami ngayon sa admin lounge. It's only been six months since I returned, five months since I reunited with my friends, three months since I had a boyfriend... and my school's opening today. All was well. Wala na yata akong mahihiling pa. Hindi ko sukat akalain na darating pa rin pala ang araw na ito. When I could smile and laugh like nothing happened in my past.

Mainam na rin siguro na nauna sa akin Lance dito. Naayos na kasi niya ang lahat. Ang nakuha naming lupain ay dating school establishment din kaya renovation lang ang ginawa namin. Ang construction ng bagong buiding ay patuloy pa rin, kaya nga rin nandito si Jiro palagi. Ongoing 'yon at wala pa sa kalahati ang progress, siguro kasi ay two years from now pa bago 'yon magamit... 'pag nag-offer na rin kami ng grade school.

Ang lahat ay busing-busy sa team building activities (TBA) na pinangungunahan ni Lance sa covered court. Naro'n ang mga teachers at admin staff namin. Bukas kasi ay official opening na ng operations. Enrollment for summer lessons and coachings will start, pati na rin 'yong regular classes sa June, but we're not expecting much enrollees dahil late March pa lang naman. Sina Nigel at James ay huling araw sa klase ngayon.

"'Pag nagka-grade school na rito, ililipat ko ba si James?" tanong ni Ian habang inilalagay niya si James sa lap niya.

"'Wag na, hihingi ka pa ng discount!" biglang sagot ni Jiro.

I laughed. Tapos tumabi ako sa kaniya. "You sure you're not hungry yet?" tanong ko habang sinusundan ko ng tingin si Nigel na nilalaro 'yung mga ballpen sa lamesa. Mahirap na at baka may maisubong kung ano 'yung bata at yari ako kay Lizel 'pag nagkataon.

Umiling si Jiro. "Sabay-sabay na lahat mamaya." Pagtapos pa kasi ng TBA ang kainan.

Naramdaman ko ang braso ni Jiro sa balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya. His face was too close. "I'm so proud of you," he said then I felt soft, little kisses on my jaw. Ramdam ko pa rin ang isang braso niya sa balikat ko at ang mainit niyang kamay hawak naman ako sa may siko. His touch was warm. Parang napapaso ako.

Nakarinig kami ng ilang mura mula kay Ian. The next thing we saw, bitbit na niya ang dalawang bata sa magkabila niyang braso at sinara na ang admin lounge. Jiro and I both chuckled and I felt him leaning towards me. "Your dreams are finally coming true."

He Was My CousinNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ