Chapter TWENTY-EIGHT --> City Lights <--

5.1K 152 74
                                    



====> Chapter TWENTY-EIGHT --> City Lights <--

[ Cassidy's POV ]

Nakalimutan kong itanong kay Den kung saan kami pupunta.

Humarap ako sa salamin at muling inayos 'yong suot kong damit. Inayos ko 'yong pagkaka-tuck in ng white sleeveless blouse ko doon sa suot kong below the knee na apricot colored skirt. Siguro panlimang beses ko na 'tong ginawa habang hinihintay ko 'yong pagdating ni Den.

Siguro mga isang oras akong naghalungkat sa closet ko ng pwedeng isuot na damit. Parang naging bangketa sa Divisoria 'yong kama ko sa dami ng damit na nagkapatung-patong na. No'ng pumasok nga si Weendy sa kwarto ko para sana itanong kung dito ba ko magdi-dinner, tinaasan niya ko ng kilay.

"Saang ukay-ukay idi-deliver 'yan, beshfren?" sabi niya.

Tapos siguro mga kalating oras din akong namili ng bracelet at hikaw na babagay sa damit ko. Sa huli, I settled for a small diamond earrings na bigay ng parents ko at silver bracelet na regalo sa'kin ni kuya noong debut ko.

Tiningnan ko 'yong teardrop crystal pendant na nakasabit sa leeg ko. Hinawakan ko iyon at naramdaman ko 'yong hugis niyang bumabaon sa palad ko. Parang kumalma 'yong sistema ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. As in hindi ako mapirmi sa isang tabi. Kanina pa ko pabalik-balik sa harap ng salamin.

Siguro kasi... ito ulit 'yong unang pagkakataon na lalabas kami ni Den nang kaming dalawa lang? Bigla tuloy bumalik sa alaala ko 'yong first date namin sa park. Napapangiti nalang ako tuwing naaalala ko 'yong mga tingin ni Den sa mga batang naglalaro. Talagang makikita mong parang natutuwa siyang panoorin sila. Ang sabi niya, hindi niya naranasang makipaglaro sa ibang bata dati. He and his twin, Brye, were always together when they were little. At dati palang, meron na talagang invisible gap sa pagitan nilang dalawa. Lagi silang uma-attend ng business trips kasama 'yong parents niya. Kung hindi naman, nasa bahay lang siya.

Maybe, that led him astray when he was in his teenage years. Naghahanap siya ng "affection" mula sa mga taong nasa palagid niya. Kailangan niya ng taong magagalit sa kanya tuwing may ginagawa siyang mali. Kailangan niya ng taong tatapik sa balikat niya tuwing malungkot siya. At kailangan niya ng taong pilit na magbubukas ng nakasaradong mundo niya.

"They were all lifeless–those people around me. They gave me fake smiles, saying that I was doing the right thing but actually, I was not. They were praising me just because of my parents' position in the business industry. They never cared about me."

Iyan ang sabi ni Den sa'kin dati. Kaya naman siguro ganito nalang katindi ang bond ng PENTAGON ngayon. PENTAGON was not only a group, but a brotherhood. Pinupunan nila ang pagkukulang ng isa't isa. They treat each other like brothers. Crazy brothers.

Halos mapatalon ako noong bigla akong may narinig na malakas na busina sa labas ng apartment. Sumilip ako sa bintana. May nakaparadang isang hindi pamilyar na gray sportscar sa tapat ng gate. Maya-maya lang ay biglang tumunog 'yong cellphone ko. Kinuha ko 'yon mula sa kama ko. Naka-display sa screen 'yong pangalan ni Den. I swpied the screen. "Hello?"

"I'm here."

So si Den 'yong nasa sportscar? Bagong kotse na naman? Ang yaman talaga no'ng taong 'to. "Give me a minute," I said and immediately ended the call. Mabilis kong hinablot 'yong bag ko mula doon sa sofa at tumingin pang muli doon sa salamin for a one last look. Nilagay ko 'yong tuwid at maitim kong buhok sa magkabilang balikat ko. Huminga ako ng malalim bago ako ngumiti sa salamin.

(G4S Book3): OUR LEGACYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon