Chapter TWENTY-TWO --> 18th Summer <--

6.8K 172 9
                                    

======> Chapter TWENTY-TWO --> 18th Summer <--

 

[Cassidy's POV]

"Perfecto!" ani Ate Maki sabay palakpak dahil sa sobrang tuwa.

Umupo siya sa isang pulang sofa sa harapan ko at kunwaring nagpunas pa ng luha. "Ang ganda-ganda mo, Cassidy. Bagay na bagay sa'yo 'yong gown pati na rin 'yong ayos ng buhok mo."

Sasabihin ko palang sana na "Don't be ridiculous, ate!" noong biglang may sumingit sa usapan.

"Purihin mo nalang kasi 'yong ginawa mong gown." Tiningnan ng matalim ni Ate Maki 'yong lalaking nagsarado ngayon ng pintuan. He walked toward me, arranging his black tie and the collar of his white undergarment. Ngumiti siya noong nakita niya ko. "You look so beautiful, princess."

Ngumiti ako sa kanya at sasabihin ko na sanang "Thanks, kuya!" noong biglang may sumingit na naman sa usapan. So bastusan pala 'to? I mentally laughed. Nevermind.

"Ano na namang ginagawa mo dito sa loob, Jace? Bawal ka dito!" Dumekwatro si Ate Maki at saka humalukipkip habang nakakunot ang noo niya kay kuya.

"Bakit?" Halata naman sa mukha ni kuya ang pagtataka.

"It's a designer and client thing, okay? We need privacy! Saka, hindi mo ba nakita 'yong nakasabit sa labas ng pintuan? 'Personnel Only'!" Ate Maki sighed exasperatedly.

"Why, staff ka ba sa hotel na 'to?" sabi ni kuya. I snorted. Natawa naman ako sa sinabi ni kuya kahit na nakikita ko ngayon ang pagkairita sa mukha ni Ate Maki. Lalo siyang gumaganda kapag naiirita siya. Weird. Ito namang si kuya abot langit ang pilyong ngiti. Lalo pang nang-aasar. Sarap nilang pag-untugin.

Buti nalang at may kumatok at nagbukas ng pintuan bago pa magbangayan 'yong dalawa. "In ten minutes," pahayag no'ng party planner ko at isinarado nang muli 'yong pintuan. Agad namang tinawag ni Ate Maki ‘yong dalawang makeup artist ko at humahangos naman silang lumapit sa’kin bitbit ‘yong foundation, hairspray at brush.

Iniharap ako ni Ate Maki sa isang full-body mirror at mistulang hindi ko makilala kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Kumikinang sa Swarovski crystals ang magkahalong kulay asul at berde kong gown, tube Top ito at mahaba ang saya; makinang din ang itim na beads ng itim na telang hapit sa tiyan ko; mataas ang itim kong anim na pulgadang high heels at mayroon akong diamond earrings na hugis bulaklak. Binigay iyon nina Mama at Papa, sina Mr. And Mrs. Villamayor. They asked me to wear those and who was I to refuse, right?

Napatingin ako doon sa kristal na kwintas na nakasabit sa leeg ko. Para iyong namuong luhang sinintensyahang hindi tumulo kahit kailan. It was shiny and cold against my skin. Awtomatikong inabot iyon ng aking kamay. Parang naging habit ko na yata itong pagkulong ng pendant sa palad ko tuwing ninenerbyos o kaya’y nalulungkot ako.

Kahit papaano kasi ay dito ako nakakakuha ng lakas ng loob. Mula sa taong nagbigay nito.

“Eunice.” Humarap ako kay Kuya. Lumayo na sa akin ang dalawang makeup artist ko upang kausapin si Ate Maki. Humakbang si kuya sa tinatayuan kong platform. May kinuha siya mula sa bulsa ng pantalon niya. “Gusto ko sanang ibigay sa’yo ito.”

(G4S Book3): OUR LEGACYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon