Chapter TWENTY-FIVE --> The Twins <--

4.7K 148 15
                                    

Sorry sa 2 months na walang update. Hehe. Been busy. :)


=====> Chapter TWENTY-FIVE —> The Twins <—

[Jenica's POV]

"Thank you for buying. Please come again!" Nakangiti kong kinuha sa cashier iyong paperbag na may lamang burger, fries at soda. Tumalikod ako at lumakad papunta doon sa glass door. Nginitian ko 'yong guard dahil pinagbuksan niya ako.

Paglabas ko pa lamang ng store ay binalot na agad ako ng lamig. Basa ang semento dahil sa pag-ulan kanina. Lumakad ako sa sidewalk, nababasa ng tubig ang boots ko sa bawat pagtama ng mga ito sa semento.

Ilang oras na ang lumipas noong matapos ang debut ni Cassidy. Pagkarating namin ni kambal sa apartment ay agad kaming nagpalit ng damit. Ako ang unang nag-shower at pagkatapos kong gawin iyon ay nagpaalam ako sa kanya na may bibilin lang ako sa labas.

Maagang lumamig ang panahon ngayon. Kahit halos dalawang buwan pa bago mag-Disyembre ay ramdam ko na ang lamig. Inilapit ko sa katawan ko 'yong jacket ko bago magpakawala ng isang malalim na hininga.

May nadaanan akong isang branch ng Starbucks. On normal occasions, dito ako tumatambay. Pero noong nakita ko iyon ay parang napuno lamang ng pait ang panlasa ko. Para bang bumabalik sa alaala ko 'yong nakakainis na nangyari sa amin dati ni Oliver. Umiwas ako ng tingin at lumiko sa kabilang kanto. Kailangan ko ng isang tahimik na lugar kung saan ako pwedeng mapag-isa.

Biglang pumasok sa isipan ko 'yong public school malapit sa area na 'to. Natatandaan ko pa noongpumupuslit kami ni kambal doon sa loob dahil may bahagi ng gate doon na mababa. Inaakyat namin iyondahil tahimik doon sa may playground. Hindi naman masyadong nakakatakot kasi maraming poste ng ilaw sa loob ng school grounds.

Narinig kong nag-chime 'yong glass door ng isang convenience store. At mula doon ay may lumabas na dalawang matangkad na lalaki na pawang may hawak na beer can. Bago ko pa man mapansin ay kusang huminto ang mga paa ko sa paglakad.

Napanganga ako ng kaunti at halos mahulog na 'yong paperbag mula sa mga kamay ko. Tumibok ng malakas ang puso ko noong magtama ang mata naming dalawa. Mas matagal sa inaasahan ang pagtatama ng tingin namin kaya naman ako na ang unang umiwas ng tingin.

Bakit nandito sila ni Seth? Hindi sila dumiretso ng uwi mula sa debut?

Buong katawan ko ay sinasabing tumalikod ako at lumakad palayo, pero ipapakita ko lamang sa kanya na ako ang mahina sa aming dalawa. Kaya naman nagpatuloy ako sa paglalakad, nakatingin sa basang semento at mahigpit ang pagkakahawak sa paperbag. Binilisan ko ang paglakad ko, bawat segundo ay dinadalawa ko ang hakbang.

Tila naging isang slow motion ang paligid ko noong dumaan ako sa harapan niya. Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko siyang nakatingin sa akin.

"Si Jenica ba 'yon?" Mahina ang boses ni Seth sa pandinig ko dahil medyo nakalayo na ako sa kanila. And it hurt me to think that Vex didn't even bother to stop me.

Pagliko ko doon sa may kanto ay bumuhos na ang nararamdaman ko. Nag-una-unahan ang mga luha ko mula sa pagtulo. Napasandal na lamang ako sa pader ng isang grocery store dahil pakiramdam ko'y hinang-hina ang buong katawan ko.

(G4S Book3): OUR LEGACYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon