Chapter EIGHT --> 7-Eleven <--

6.8K 204 11
                                    

======> Chapter EIGHT --> 7-Eleven <--

 

[Cassidy’s POV]

 

“Hindi nga pwede diyan!” Inagaw ni Weendy ‘yong lapis kay Jenica at binura ‘yong binilugan niya sa mapa. “May guard diyan. Ano ka ba, kambal!”

            Napakamot si Jenica sa batok. “E saan tayo makakapasok?”

            “Hmm...” Tinap ni Weendy ‘yong dulo ng lapis sa mapa, thinking. Lumiwanag ang mga mata niya. “Ah!” she said at may binilugang box doon sa mapa. “Dito!”

            Tiningnang mabuti ‘yon ni Jenica at biglang lumaki ang mga mata. “Baliw ka, kambal!” Hinampas niya sa braso si Weendy. “Bakit sa male’s CR?”

            “Bakit?” natatawang pahayag ni Weendy. “Okay naman ah?”

            “Saan tayo dadaan?”

            “Uh...” Tiningnan ulit ni Weendy ‘yong map. Napangiti siya at saka tinuro ‘yong isang mahabang daan. “Dito!”

            “Sa sewer? Ew! Ayoko nga! Ikaw nalang!” Humalukipkip si Jenica at saka inirapan ‘yong kakambal niya.

            I rolled my eyes habang nakaupo sa sofa dito sa sala ng apartment ng kambal at nanonood ng The Hunger Games sa TV. Kumuha ako ng cholocate chip sa glass bowl at kinain iyon. Bumisita ako dito sa apartment at ang sabi ko, mag-o-overnight nalang ako dito since nami-miss ko na ‘yong kwarto ko at hindi sila. Sabay silang umirap sa’kin no’ng sinabi ko ‘yon. Kunwari pa raw ako.

            Kanina pa nagtatalo ‘yong kambal-engot sa harapan ko. Nakaupo sila doon sa may carpet at may nakalatag na mapa sa gitna nila. May puting band na nakaikot sa ulo nila, like they were seriously rallying for something. And believe me, para silang timang.

            “Tumigil nga kayo,” naiiritang pahayag ko at muling kumuha ng chocolate chip. “Hindi ko maintindihan ‘yong pinapanood ko.”

            “Bad Cassie!” angal ni Weendy sa’kin. “Hindi ka ba nag-aalala para kay Sam?” Sinabi ko kasi sa kanila ‘yong tungkol sa pagkawala ni Sam. At sinabi ko rin na baka ‘yong may-ari ng Oliver Nate University ang kumuha sa kanya. They asked why pero ang sabi ko nalang ay hindi ko alam. Ayoko naman ding ipagkalat ‘yong sinabi ni Seth sa’kin since he said na sa aming dalawa lang daw ‘yon.

            Not that wala akong tiwala sa kambal, they are my best friends. Pero alam naman nating nature na nila ang pagiging madaldal.

            “Oo nga!” pagsang-ayon naman ni Jenica at kumuha ng chocolate chip sa glass bowl ko. “Sitting pretty with pakain-kain ka lang dyan. E kung tulungan mo kaya kami sa pagbuo ng ‘Operation Sagip Gwapo kay Sam Hae Kyoh’ ni kambal?”

            I sighed. “Ang over niyo talaga, ‘no? Sa tingin niyo ba maibabalik niyo si Sam diyan sa binabalak niyong pag-sneak in sa loob ng Oliver Nate? At may mapa pa talaga kayo ha. Saang lupalop niyo nakuha ‘yan?” It’s not really a map. But more like a blueprint actually.

(G4S Book3): OUR LEGACYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon