Chapter TEN --> Glimpse <--

7.3K 213 34
                                    

Pinost ko 'yong chapter na 'to kasi I'm celebrating! Haha. HAPPY ANNIVERSARY to my dear Mama and Papa (Dec. 9, 2014)! :D Saranghamnida~ <3

I need your reaction to this chapter guys! Lemme know. Thanks! :))

========> Chapter TEN --> Glimpse <--

 

[Vex’s POV]

 

Hinintay naming makapasok ng apartment ‘yong tatlo.

            “Saan tayo?” tanong ni Seth at ipinamulsa ang parehong kamay.

            “Tinatamad pa kong umuwi.” Kinamot ni Sander ‘yong likod ng ulo niya.

            “Ikot muna tayo.” Pareho naman silang pumayag sa suggestion ko. Naglakad kami palabas ng street. Walang kumikibo sa aming tatlo. And I needed it. I needed time to think.

            Lumiko kami sa kabilang kanto. Mabuti naman at may malapit palang parang playground dito. Pumunta ako doon at sumunod naman silang tatlo. Umupo ako doon sa may swing. Si Seth naman ay umupo do’n sa dulo ng slide. Sander? Sumandal lang siya doon sa isang parang bakal kung saan lumulusot at naglalambitin ang mga bata. It was not a monkey bar. I just didn’t know what you call it.

            Idinuyan ko ng marahan ang sarili ko, not taking my feet off the ground. Nakatingin lang ako doon sa lupa.

            “Ang lamig,” sabi ni Seth at saka tumingala sa itim na langit. He smirked. “It brings back old memories, huh?”

            I chuckled. “Yeah.” No’ng nag-uumpisa palang kasi ang PENTAGON, naging tambayan na ng grupo namin ang isang playground malapit do’n sa dati naming school. Wala lang. Trip-trip lang. It was so peaceful back then. Asaran. Suntukan. Biruan. I missed those old days.

            “Oh.” Napatingin ako doon sa hinagis na bagay ni Seth sa’kin. Nasalo ko naman agad ‘yon. Good thing I have good reflexes. Napatingin ako doon sa kaha ng sigarilyo sa kamay ko. “You still have this?”

            Nagkibit-balikat siya at saka sinindihan ‘yong stick niya. “Minsan lang naman. Pampatanggal stress.”

            Kumuha ko ng isa. I also needed this right now. “Sandy.” Hinagis ko kay Sander ‘yong kaha. “Yosi break.”

            Ngumisi siya sa’kin at saka kumuha ng isa. “Last na ‘to,” sabi niya at muling ibinato pabalik kay Seth.

            “Weh? Sino niloloko mo,” natatawang pahayag ni Seth.

            “Gago. Seryoso ko,” sabi ni Sander pero tumatawa rin naman siya. Langya. May maniniwala kaya sa kanya kung pati siya tumatawa no’ng sinabi niyang seryoso siya?

(G4S Book3): OUR LEGACYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon