Chapter TWENTY --> First Fight <--

7.6K 175 24
                                    

 ====> Chapter TWENTY --> First Fight <--

 

[Jenica's POV]

Bumaba ako ng taxi sa tapat ng university.

"Thank you po," sabi ko kay Manong driver. Sinarado ko iyong pintuan ng taxi at lumakad na papunta do'n sa gate.

Kinapa ko 'yong cellphone ko sa loob ng shoulder bag habang papasok ako sa malaking itim na double gate. Nag-type ako ng text message.

To: Oliver

San k n?

Hindi ko kinuha iyong number niya. Nagulat nalang ako kagabi noong biglang may tumawag sa'kin. Hinahatid ko kasalukuyan si Vex sa may gate ng apartment nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng shorts ko.

Kinuha ko iyon ng nakakunot ang noo lalo na no'ng nag-flash sa screen ang isang unknown number. "Hello?" sagot ko sa tawag.

Tumaas ang mga mata ko kay Vex na masuring nakatitig sa akin na para bang nakikinig din sa pinag-uusapan namin. Alam siguro niyang unregistered number 'yong tumatawag sa'kin kasi kung isa ito sa mga kaibigan ko, isang malakas na "Hoy!" agad ang bungad ko sa kanila.

"Hey, Jenica."Isang husky'ng boses ang sumalubong sa akin. Ramdam ko rin ang pagngisi niya mula sa kabilang linya ngayon. Nanlaki ang mga mata ko at hindi sinasadyang nalaglag ang panga.

"Cookie? Sino 'yan?"tanong ni Vex. Halata ang pagtataka sa pagkakakunot ng noo niya.

"A-Ah, wala! Wala, Tookie!" Umiling ako sa kanya habang winawagayway iyong isang kamay sa ere. "Long-lost friend lang."

Narinig ko 'yong malakas na halakhak no'ng lintik na lalaki mula sa kabilang linya. Pinangunutan ako ng noo dahil sa ginawa niya.

Tinitigan ko si Vex. Kita ko sa pagkakasalubong ng mga kilay niya na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. I felt really bad about it. Sinenyas ko 'yong cellphone ko na parang kailangan ko nang kausapin iyong kung sinuman ang tumatawag sa'kin.

Buti nalang at hindi na siya nagtanong pa at tumango na lamang. "Bye," Vex said.

"Bye." Ngumiti ako sa kanya ng matamis at nag-flying kiss pa bago kumaway. Ngumiti si Vex at nagkunwaring sinalo pa 'yonf kiss.

Tumawa ako dahil sa ginawa niya. Tumalikod na siya upang sumakay sa kanyang kotse na isang convertible sports car. Hindi ako masyadong maalam sa mga brand ng kotse pero alam kong mamahalin 'yong dark gray na kotse niya.

Huminga ako ng malalim noong makaalis na si Vex. "Saan mo nakuha 'yong number ko?"

"Long-lost friend, huh?"Dinig na dinig ko ang panunuya sa boses niya at nai-imagine ko na naman ang nakakairitang ngising bumabalandra ngayon sa bibig niya.

(G4S Book3): OUR LEGACYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon