Chapter SIX --> Destiny <--

6.8K 186 29
                                    

======> Chapter SIX --> Destiny <--

 

[Cassidy’s POV]

 

            But the order of the acts is planned,

            The end of the road already revealed.

            Alone among the Pharisees I stand.

            Life is not a stroll across a field.”

            Patuloy sa paglalaro sa ballpen ang kanang kamay ko habang tamad na tamad akong nakikinig sa professor na nagsasalita sa harapan. Nakapatong ang baba ko sa kaliwang kamay ko at ilang beses na kong naghikab.

            Bumaba ang tingin ko sa notebook ko. Puro scribbles, panget na drawings at doodles lang ang nandoon. Patuloy sa pagbabasa ng excerpt mula sa ‘Hamlet’ ang prof namin. N’ong una, ang akala ko ay kay Shakespeare ‘yung binabasa niya, pero galing pala ‘yon sa Russian poet and novelist na si Boris Pasternak. Bakit ba kasi magka-title ‘yon?

            The excerpt was all about destiny. Sinasabi dito na the end was already planned, blah, blah, blah. I didn’t believe in destiny back then. I thought that it was just some kind of shit that hopeless romantic people invented.

            Pero ngayon... parang unti-unti nang nagbabago ang ikot ng mundo. Parang may parte sa pagkatao ko na pumipilit sa aking maniwala sa sinasabi nilang ‘destiny’ o ‘tadhana.’ Gusto kong paniwalain ang sarili ko na ang taong mahal ko ngayon ay ang taong makakasama ko habambuhay.

“And yes, class, according to Boris, the end is already planned,” our professor said. Tumunog ang bell at parang mga makinang nabuhay ang mga kaklase ko.

Nagbuntung-hininga ako habang inilalagay ang notebook ko sa loob ng bag ko. Isinukbit ko ang strap sa balikat ko at saka tumayo. I was about to go when someone spoke behind me.

“Going early again, huh?”

Nagbuntung-hininga ulit ako dahil sa panget na boses niya. Dati, iniiwasan niya ko at hindi kinakausap. Pero ngayon, parang unti-unti na namang bumabalik sa dati. Nagiging peste na naman siya sa buhay ko. Wala ako sa mood makipag-away ngayon kaya naman walang imik akong lumakad palayo sa kanya.

“Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na kapag may kumakausap sa’yo, huwag mo siyang tatalikuran?” sabi niya. “Oh, my bad.” She clicked her tongue three times. “Hindi mo nga pala sila naabutan.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Humarap ako sa kanya. “Ano bang gustong mangyari? Nananahimik ako, Chloe.”

Nakita ko siyang nakahalukipkip habang nakaupo doon sa pwesto niya, sa likuran ng seat ko. She crossed her leg and tipped her chin up, preparing for something bitchy again.

“Wala naman.” Humilig sa kanan ang ulo niya. “You just look pathetic.”

(G4S Book3): OUR LEGACYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon