Chapter NINE --> The Visitor <--

7K 204 45
                                    

Dedications? Just comment below. :)

========> Chapter NINE --> The Visitor <--

[Cassidy’s POV]

 

Napatingin ako sa relong suot ko.

            Ang bagal naman ng taxi na ‘to! “Manong, pakibilisan ho,” sabi ko sa driver. Lumingon siya sa’kin at saka sumimangot.

            “Teka lang, hija. Medyo traffic.”

            I gave a heavy sigh. Tumingin ulit ako sa relo ko. Kanina pa ko tingin ng tingin do’n. I turned my head to the side. A few streets away nalang pala, I thought to myself. Tiningnan ko ‘yong metro. Kinuha ko ‘yong wallet ko mula sa backpack ko. Dumukot ako ng fifty pesos at pagkatapos ay inabot iyon sa driver.

            “Manong, dito nalang ho.” Tiningnan niya ‘yong pera at pagkatapos ay sa’kin. Siguro nagtataka siya kung bakit madaling-madali ako pero hindi na kasama pa sa trabaho niya kung saan man ako pupunta.

            Itinabi niya ‘yong taxi. Kinuha niya ‘yong pera at kumukuha ng panukli doon sa isang parang pencil case kung saan nakalagay ‘yong mga barya. But I said, “Keep the change po.” Then I opened the door and slammed it shut.

            Tumakbo ako doon sa sidewalk. “Sorry,” sabi ko sa mga taong nababangga ko. Iyong iba napapamura kapag nababangga ko sila, iyong iba naman deadma lang.

            Tumakbo ako ng kulang limang minuto. Lumiko ako sa street ng apartment ng kambal. Kahit na alam ko na kung sino ang naghihintay sa’kin doon ay hindi ko parin maiwasang magulat. May tatlong itim na kotse na nakaparada sa harapan ng apartment. Agad kumunot ang noo ko.

            “Ano bang kailangan niya?” naiinis at hinihingal na bulong ko sa sarili ko at pagkatapos ay tumawid ng daan.

            Binuksan ko ‘yong gate, not surprised to find it unlocked. Lakad-takbo kong tinungo ‘yong porch. Hinawakan ko ‘yong knob at nagmamadaling inikot iyon. Noong bumukas ‘yong pintuan, I saw five–no, maybe eight tall guys standing inside the living room. Pare-pareho silang nakasuot ng itim at may mga earpiece na nakakabit sa tainga nila.

            Dumako ang tingin ko doon sa sofa na nakatalikod sa akin. May lalaking nakaupo doon.

            “Beshfren.” Napatingin ako doon sa kabilang sofa na nakaharap do’n sa kanina. Nakita ko ‘yong kambal na nakaupo doon, kinakabahan dahil sa dami ng unexpected visitors ngayong tanghali.

            Dang it. Hindi ako pumasok ng afternoon classes para sa trip ng lalaking ‘to, I thought to myself.

            Nakita kong gumalaw ‘yong lalaki sa sofa. Tumayo ito at humarap sa akin. Nakasuot siya ng white long sleeves polo shirt at black pants. And for a moment, I thought na isang tuxedo or black suit ang suot niya like his bodyguards.

(G4S Book3): OUR LEGACYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon