Chapter TWENTY-NINE --> Seth & Sam <--

3.4K 118 106
                                    



Start messaging your friends guys because FINALLY after a year, may update na. Haha! Thank you for patiently waiting. :)

---


========> Chapter TWENTY-NINE --> Seth & Sam <--

[Seth's POV]

"Yo, Sam." Inabot ko sa kanya 'yong isa sa dalawang tasa ng mainit na kapeng hawak ko. Tumango siya sa'kin bilang pasasalamat. Nakaupo siya ngayon sa isang mahabang sofa dito sa hideout ng Cybersector. He'd been here for almost a week, hindi mabitaw-bitawan 'yong laptop na nakapatong ngayon sa isang lumang throw pillow.

Umupo naman ako doon sa coffee table sa harap niya. Puno ng mga papel, printouts, computer books at folder 'yong table, pati na rin 'yong space sa paligid ni Sam. Alam kong dati siyang hacker, pero ngayon ko lang nakita sa akto itong genius boy na 'to. Humigop siya nang kaunti doon sa tasa at saka nilapag iyon sa may end table sa tabi niya. Kita ko ang pagod sa mukha niya, halos gusto naring bumigay ng mga mata niya dahil sa antok.

"Pare, matulog ka muna kaya? Mahigit twenty-four hours ka nang nakikipag-date d'yan sa laptop mo," biro ko sa kanya.

"I'm fine." Hindi man lang siya tumingin sa akin at nagpatuloy sa pagta-type nang kung ano sa laptop niya.

"Ang laki na ng eyebags mo. So not cool, bro." Tumawa ako sa kanya at saka humigop nang kape sa tasa ko.

Patuloy lamang sa pagta-type si Sam. "Kailangan kong matapos 'to. Malapit ko nang makuha 'yong passcode–shit!" Pagalit niyang binaba 'yong laptop sa tabi niya. Napahilamos 'yong parehong kamay ni Sam sa mukha niya and he just collapsed on the couch. He was clearly so annoyed. "Fuck!" Sinabunutan ni Sam 'yong buhok niya. "Malapit na. Kaunti na lang. Hindi pa ko nakapasok!"

"Ano ba kasi 'yang ginagawa mo? Chill lang uy," sabi ko sa kanya.

Nagbuntung-hininga si Sam. "I'm trying to access the Fray Gamma's profiles, okay? Pero sobrang higpit ng security. At noong malapit ko nang makuha 'yong passcode, na-trace nila 'yong IP address ko. I had no choice but to stop the whole operation. So that's the price for fucking twenty-four hours, huh?" he said sarcastically.

"Shit, Sam. So ibig sabihin sa loob ng bente-kwatro oras, 'yon lang ang ginagawa mo? 'Yong pagkuha ng passcode?"

Tumango si Sam. "Yeah." Hindi agad na-process ng utak ko 'yong sagot niya. Kingina. Sa loob ng twenty-four hours, o mahigit pa nga, iyon lang ang ginawa niya? Gan'on katagal ang pag-hack ng passcode? Saludo na talaga ko sa tiyaga niya. Siguro kung ako 'yon, thirty minutes palang, sumuko na ko.

A moment of silence fell between us. "Nas'an na si Master?" tanong ni Sam habang nakasandal ang ulo sa couch. Halata sa pagkaka-relax ng katawan niya ang pagod. He was staring at the ceiling, blinking slowly.

"Looking for information."

"Saan?"

"Underground night clubs."

"Ah. Sino kasama niya?"

"Si Vex."

Tumingin siya sa'kin. "Si Sander?"

Inubos ko 'yong kape ko bago ako nagsalita. "He's... following someone." At dito na nga nakuha ang buong atensyon ni Sam. Umupo siya ng maayos, ipinatong ang parehong siko sa parehong nakabukang mga hita. Tinitigan niya ko ng seryoso.

"Who?" he asked.

"Hindi niya sinabi." Kinamot ko 'yong ulo ko at nagbuntung-hininga. "Ayaw niyang sabihin dahil ang sabi niya, suspicion palang naman daw niya. That's why he was secretly following whoever the bastard was. Ayaw niya tayong madamay. Alam mo namang isa pang martir 'yon. Parang si Master."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

(G4S Book3): OUR LEGACYWhere stories live. Discover now