P R O L O G U E

32.3K 401 85
  • Dedicated kay Jayson Alfred Dela Torre
                                    

OUR LEGACY (Girlfriend 4 Sale  Book 3) © 2014.

Written by: Nikkidoo™

Date posted: 5/30/14
Twitter: @Nikkidoo_03

FB: http://facebook.com/nikkidoo.watty

Instagram: @nikkidoowp

Check out my new stories!

1. SURVIVING COLLEGE - Comedy, Romance, Teen Fiction

2. NERO & SAPPHIRE - Fantasy, Romance, PG-16+

Punta lang po kayo sa profile ko para mabasa niyo sila. Thank you! :)

------------------------------------------

P R O L O G U E

 

Pasado alas dose na ng gabi noong bumaba siya sa itim na kotse niya at pumasok sa isang club.

      Sa labas palang ay makikita mo na kung gaano kabantay-sarado ang lugar. Kahit na samu't saring ilaw ang nakasindi sa labas at loob ng club ay nararamdaman pa rin niya ang tensyon dito. Siguro nga, instinct na niya 'to, dahil ilang beses na siyang nakapasok sa ganitong ka-delikadong lugar.

      Sa unang tingin ay normal lang ang club na ito, pero para sa kanya, hindi dapat maniwala sa lahat ng nakikita ng mga mata.

      Nakasuot siya ngayon ng black na jacket. Malamig ang panahon dahil maghapon nang umuulan. Yumuko siya at itinaas ang mga balikat habang lakad-takbo siyang tumatawid sa malakas na ulan. Hindi na siya pinansin o sinita ng apat na lalaking nagbabantay sa pintuan dahil kilala na siya ng mga ito. Pinagbuksan siya ng pintuan at banayad na lumakad papunta sa loob.

      Sinalubong siya ng malakas na tugtog, ng makukulay na ilaw at ng mga taong nagsasayawan sa gitna ng dance floor. Nakakakuha din ng atensyon ang mga babaeng nakatuntong sa itaas ng table at nakakapit sa mga pole na nakakabit sa stage at sumasayaw sa saliw ng musika at sa gulong ng maruming pera.

      Taimtim siyang nakiramdam sa paligid niya. Hindi siya pwedeng mahalata. He couldn't afford to let his guard down even just for a second. He was trained for this kind of thing.

     

      It was life that trained him for what he was right now.

      Pumunta siya sa may bar counter. Umupo siya sa isang stool at saka humarap sa bartender na may hawak na basahan at abalang nagpupunas ng baso. "I'm expected," sabi niya.

      Mula sa gilid ng mata niya ay nakita niyang tumingin ang lalaking nasa tabi niya sa kanya. Tinitigan siya ng mabuti ng bartender at pagkatapos ay ngumiti. He tilted his head to the right. "This way."

      Tumayo siya at sinundan ang bartender. Pumasok sila sa isang pintuan na may bantay na dalawang tao. Bumungad sa kanila ang isang medyo makitid at madilim na pasilyo at sa dulo noon ay may hagdan pababa. Noong nakababa na sila ay may dalawang lalaking humarang sa daanan nila. "Gusto siyang makita ni boss," pahayag nung bartender.

(G4S Book3): OUR LEGACYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon