Special Chapter: Cultural Dance Party

107K 2.7K 763
                                    


Pasensya na sa typos. Di na in-edit. Saka BASAHIN ang AUTHOR'S NOTE after sa chapter na 'to. Thank you and happy reading, taggers! ^^

Special Chapter: Cultural Dance Party

Sitti's POV

NAPAKARAMING nangyari ngayong araw na 'to. Halos hindi ko na nga mabilang kung ilan.

Kung ilan beses akong nautal, kung ilang beses nanlaki ang mata ko, kung ilang beses akong nagulat, kung ilang beses akong kinabahan, kung ilang beses akong huminga nang malalim, kung ilang beses akong napabuntong-hininga at kung ilang beses tumibok nang napakabilis dahil sa iba't-ibang emosyon ang puso ko.

Pero 'yung mabilis ng tibok ng puso ko ngayon, itong malakas na kabog sa loob ng dibdib ko, alam ko kung ano ang dahilan nito at para kanino ang pagwawala na 'to.

Para 'to sa kanya.

"Iyon na ang pinaka the best na fireworks display na nakita ko!" OA na sabi ko habang naglilibot kami sa paligid ng field ng school at tumitingin-tingin sa mga booth na nagkalat doon.

Matapos ang naging fireworks display, parang mas dumami pa yata 'yung biglang ng taong nagsisipasukan sa Eigaku. Halos buong barangay na nga yata nandito at nakikisaya sa party namin.

At isa pa iyon sa hindi ko maintindihan.

Hindi naman sa nagiging judgmental ako o ano, pero hindi ba dapat mag-ingat ang school sa mga magnanakaw at masasamang loob? Gaya na lang ngayon. Kung sino-sino na lang ang pumapasok sa Eigaku. Wala silang nilagay na guard sa mga gate at hindi rin naka-lock ang mga classroom at ibang facilitating room ng school.

"Mahilig ka ba sa fireworks?"

Natigil ako sa pamomoblema ko sa seguridad nang school nang marinig ko ulit siya magsalita.

"H-huh?"

"Ang sabi ko, mahilig ka ba sa mga fireworks?"

"Hindi naman sa mahilig," sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya at nagpokus na lang sa paglalakad. "Maganda lang kasi tingnan 'yung mga makukulay na ilaw. Saka 'di ba takot ako sa dilim dati? Kaya siguro hindi ko masasabi na gusto ko ang fireworks. Gusto ko siguro 'yung mga ilaw."

"Ah."

Tingnan mo 'tong taong 'to! Matapos kong magsalita nang ganoon kahaba at mag-explain sa kanya nang gano'n kahaba, "Ah." lang isasagot sa akin?!

Pero sabagay, mas okay na rin 'yun kaysa naman sa hindi ko naririnig ang boses niya.

Sa totoo lang, ngayon lang pumasok sa sistema ko ang hiya sa mga pinagsasabi ko sa kanya kanina.

Para tuloy lumalabas na ako ang naghahabol sa kanya at nagmukha na akong isa sa mga babaeng patay na patay at habol nang habol sa kanya doon sa Eastton—at kahit na rin dito sa Eigaku.

Minsan talaga nakakabilib ang gandang lalaki ng tao na 'to, sa isip ko.

Pero iyon na nga! Sobra talagang nakakahiya ng mga sinabi ko kanina!

Paano kung gamitin na naman niya sa akin 'yun pam-blackmail? Paano kung gamitin niya sa akin 'yung alas para alilain ako sa mga susunod na taon? Paano kung gamitin niya sa akin ang scandal na iyon para magkaroon ako ng bad record sa Eigaku?

Paano kung v-in-ideo-han niya pala iyon tapos ia-upload niya sa Facebook at gagamitin para pagtawanan ako nang lahat ng makakanood?!

P'wede ba? Kumalma ka nga! Inaatake ka na naman ng pagiging paranoid mo! Kaya ka nasasabihan ni yabang ng baliw e! sabi no'ng boses sa utak ko.

My Tag Boyfriend (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon