My Tag 30

82K 2.6K 1.1K
                                    



My Tag 30

Kaizer's POV

"ANONG MAYRO'N? Bakit ang daming tao?"

Hindi ko na gustong saguting si Mia mas lalo ang kausapin siya pero kahit ako hindi ko rin alam kung ano bang mayroon at kung ano ba talaga ang nasa utak ng babaeng iyon.

"Ayoko nang sumama sa plano mo."

"Huh?!"

"Gawin mo ang gusto mong gawin. Wala na akong pakialam. Gawin mo ang gusto mo at gagawin ko rin ang sa akin. Hindi na ako makakapaghintay sa mga binabalak mo dahil sisimulan ko nang makagawa ng sarili kong plano."

"At sa tingin mo talaga magiging okay ang plano mo nang wala ang tulong ko?"

"Gumana man 'yun o hindi, wala ka na doon. Basta kailangan ko nang makausap si Sitti at ipaliwanag sa kanya ang lahat."

"Paliwanag? Sa tingin mo may magagawa 'yang paliwanag mo? Hindi kaya masyado nang huli para sa mga pagpapaliwanag mo? Sa tingin mo ba mapapabalik siya ng pagpapaliwanag mo?"

"Wala akong intensyon na pabalikin siya dito. Desisyon niya na lumipat ng ibang eskwelahan nang dahil sa akin kaya sino ako para pabalikin siya dahil lang sa gusto ko. Hindi ako selfish na gaya mo."

"Wow! At sa'yo pa talaga nanggaling 'yan huh? Hindi ba dahil d'yan sa pagiging selfish mo kaya naging magulo ang relasyon n'yo ni Sitti?"

Hindi ako nakasagot doon sa sinabi na iyon ni Margaret dahil alam ko na tama siya.

"Kung iyan ang gusto mo, bahala ka. Gawin mo na lang ang huli kong ipapagawa sa'yo bukas at gawin mo ang gusto mong gawin pagkatapos."

"At ano na naman ang gusto mong gawin ko? P'wede ba? Hindi ko na kayang umarte kasama si Mia."

"Huwag kang mag-alala. Last na 'yung pagpapanggap mong boyfriend niya bukas. Basta dahil mo na lang siya sa auditorium at ako na ang bahala sa santa-santita na 'yan."

Mabigat na lang akong napabutong-hininga saka inalalayan si Mia na makaupo doon sa bakanteng upuan na binigay na lang sa amin ng dalawang babae na nakaupo doon kanina bago pa kami dumating.

"Hi,girls!" dinig kong bati ni Mia doon sa mga babae na nasa tabi namin.

Huh! Hindi ko talaga maisip kung paano niya nagagawang makangiti nang ganoon at umarte na sobrang bait matapos ng ginawa niya kay Sitti.

Para ngang wala siyang pinagsisisihan sa mga ginawa niya.

Ang laki mo talagang tanga para maniwala sa mga drama niya, Kaizer Buenavista!

"May magpeperform daw. Sasayaw yata?"

"Gaga! Hindi!" sagot no'ng isang babae saka alanganing ngumiti sa aming dalawa para doon sa pagkakamali ng kasama niya. "May film showing daw. Importante raw 'to at lalabas sa susunod test."

"Ganoon ba? Okay. Thank you, girls!"

"Walang anuman, Mia," sabay na sagot no'ng dalawa saka umarte na parang kinikilig sila na kinausap sila ni Mia at napatitig ako sa kanila sandali.

Wala na talagang pinagbago ang mga estudyante dito.

Napatingin ako sa paligid para humanap ng kakilala saka ko nakita sila Kris, Mobi at Patty sa may sulok at nasa mukha rin nila ang pagtataka at parang wala ni isa rin sa kanila ang may alam sa nangyayari.

Biglang nagtama ang mga tingin namin ni Patty pero mabilis niya rin 'yung iniwas at tumingin at kinausap ang mga kasama niya.

Muli akong napabuntong-hininga.

My Tag Boyfriend (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon