My Tag 15

78.2K 3.1K 901
                                    

Pasensya na sa typos. Kaka-type ko lang nito. Saka paki-play yung music sa multimedia para dama :D Happy reading, taggers! ^^

My Tag 15

Sitti's POV

"SIGE NA. I-expel n'yo na ako."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kaizer sabay bigla na lang siyang tumayo mula doon sa upuan sa harapan ng mesa ng guidance councelor at nagdere-derecho sa may pinto.

"Mister Buenavista! I'm not done with you!" sigaw ni Ma'am.

Pero hindi nakinig si Kaizer. Dere-derecho lang siya sabay lumabas at sinara ang pinto ng office ng guidance.

"I can't believe he can do this!"

Napalingon ako ulit sa may guidance councelor saka ko nakita na mukha hindi talaga siya natuwa sa ginawa ni Kaizer.

"Ma'am," tawag ko sa kanya. "Please po, kahit bigyan n'yo na lang po ng penalty si Kaizer. 'Wag n'yo lang po siya i-expel."

"Miss Sandoval-"

"Kakausapin ko po siya!" putol ko sa sasabihin ni Ma'am sabay tumayo. "Ako na po kakausap sa kanya. Kung kinakailangan po na hilain ko po siya pabalik dito, gagawin ko po! 'Wag n'yo lang po siya i-expel."

"Bakit mo ba pinagtatanggol ang sira-ulo na 'yun?" nagulat ako nang biglang magsalita si Jonas. "Hayaan mo siya! Ganyan naman ang tao na 'yan! Napakaisip-bata! Hayaan mo siya na umalis!"

"Pero..."

"Iniwan ka niya 'di ba? Siya mismo ang nagpasiya na iwan ka 'di ba?" sabi na naman ni Jonas sa akin. "Bakit mo pa hahabulin 'yun? 'Wag mong sabihing may balak kang makipagbalikan sa taong ni hindi marunong makipag-usap at kumalma nang maayos?"

Sandali akong napatingin sa mukha ni Jonas bago ako napabuntong-hininga.

"Hindi naman 'to tungkol sa relasyon namin ni Kaizer o sa balak ko na makipagbalikan sa kanya kasi hindi naman 'yun ang gusto ko ngayon eh," sago ko saka nagpatuloy. "''yung future ng tao ang pinag-uusapan natin dito. Hindi naman ako papayag na basta na lang siya maalis sa school na 'to dahil lang sa napakababaw na dahilan."

"So mababaw pala 'to sa'yo?" sabi ni Jonas sabay turo doon sa labi at pasa niya sa mukha niya.

Hindi ako nakahanap ng isasagot doon sa sinabi niya kasi hindi ko alam kung na-offend ko siya doon sa sinabi ko o sadyang nagtatanong lang talaga siya.

Pero hindi pa rin ako makakapayag na aalisin si Kaizer sa Eastton nang gano'n-gano'n na lang.

Saka hindi iyon kakayanin ng konsensya ko.

Kahit hindi ko alam ang nangyari at bakit nag-away na naman sila ni Jonas, may isang bahagi sa utak ko ang nagsasabi na parang may kasalanan din ako sa nangyari.

Saka sobra naman ang expulsion. Madami namang na-contribute na magagandang bagay si Kaizer sa school na 'to saka isa siya sa mga best student dito.

Kung mawawala siya, ano na lang mangyayari sa school namin?

Pero iyon nga ba talaga ang dahilan mo, Sitti?

Inalis ko sa utak ko ''yung sinabi ng boses sa utak ko sa akin.

Kailangan may gawin ako para hindi tuluyang mapaalis sa Eastton si Kaizer.

My Tag Boyfriend (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon