My Tag 39

71.5K 2.3K 528
                                    


My Tag 39

Sitti's POV

"AYOKONG MAGING kaibigan mo, Sitti. Kahit kailan, hindi tayo magiging magkaibigan. I'm sorry."

Akala ko, masakit na no'ng malaman ko na niloloko lang ako ni Mia nang makipagkaibigan siya sa akin.

Akala ko, masakit na 'yung masampal ko 'yung tinuturing kong kaibigan sa lahat ng masamang bagay na ginawa niya sa akin.

Pero mas masakit pala marinig ang mga salita na 'yun mula sa bibig ni Kaizer.

Akala ko kanina, no'ng marinig ko na siyang tumatawa, no'ng nagkausap na kaming dalawa...

Akala ko okay na kami.

Na p'wede kaming bumalik bilang magkaibigan. Na p'wede kaming bumalik doon sa panahon na masaya kaming nag-aasaran pero hindi pa nagmamahalan.

Tama nga talaga si Margaret sa sinabi niya sa akin noon.

Hindi talaga p'wedeng maging magkaibigan ang mag-ex. Na hindi talaga magiging maganda makipagkaibigan sa isang ex.

Pinilit ko na lang mapangiti sa nangyari saka naglabas ng malalim na buntong-hininga.

Huwag mo nang isipin 'yun, Sitti. Respetuhin mo na lang ang gusto ni Kaizer.

Pero bakit nahihirapan akong huminga sa tuwing maiisip ko ang mga sinabi niya?

Bakit parang nahihirapan akong tanggapin na hanggang dito na lang talaga kami?

"Sitti?"

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko saka ko nakita ang gulat na gulat na ekspresyon ng mukha ni Patty.

"Oh my god! Ikaw nga!"

Nagulat ako nang bigla akong sugurin ni Patty ng mahigpit na yakap kaya hindi agad ako nakapag-isip kung ano ba ang dapat kong gawin doon sa ginawa niya.

"Kailan ka pa nandito?" tanong niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "This is unexpected! Pero bagay sa'yo ang uniform ng Eigaku huh? Saka parang mas gumanda ka ngayon? Anong ginawa mo?"

Napatingin lang ako sa mukha ni Patty habang sinasabi niya 'yun at habang pinupuri niya ang damit ko, ang kulay ng balat ko, ang ayos ng buhok ko, ang halos ng lahat na nakikita niya sa akin ngayon.

Hindi man naging maganda ang pagkikita namin nila Mia at Kaizer kanina, siguro masasabi ko na rin na masaya ako na makitang hindi pa rin nagbabago si Patty sa pakikitungo niya sa akin magmula nang una ko siyang makilala noon.

Na hindi siya naiilang o nahihiya na kausapin ako kahit hindi nila ako kauri gaya nga ng sabi ni Mia.

Kahit isa lang akong loser.

"Sitti?"

"S-sorry," nautal pa na sabi ko nang tawagin niya ulit ang atensyon ko. "May sinasabi ka ba?"

"Ang sabi ko, anong ginagawa mo dito?" nakangiting sabi niya na parang hindi na niya ininda na hindi ako nakikinig nang maayos sa kanya. "Kanina ka pa ba?"

"Medyo."

"Bakit hindi ka muna pumasok sa loob? Sakto, papatapos na rin ang klase. Baka gusto mong makita 'yung iba?"

Tatanggi sana ako dahil sobrang dami na ng nangyari sa araw na ito kaya lang naaalala ko bigla kung ano bang pinunta ko dito kaya sumama na rin ako papasok ulit sa loob ng Eastton.

My Tag Boyfriend (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon