My Tag 7

90.3K 3.2K 2.6K
                                    

TYPOS! TYPOS EVERYWHERE! Happy reading! Leave comments n

My Tag 7

Kaizer's POV

MABIGAT akong napabuntong-hininga habang nakatingin sa cellphone ko at tumitingin ng mga picture na ina-upload ni TG sa Facebook.

May mga pagkakataon na gusto kong matawa lalo na doon sa mga baliw-baliwan niyang selfie at iba kang kuha na akala mo selfie ng takas sa isang mental institution.

Pero s'yempre pinipigilan kong matawa dali ayoko namang mapagkamalang baliw rin ng make up artist na nag-aayos sa buhok ko.

Napapangiti pa rin ako habang binabasa ko naman ngayon ang mga status ni TG pero agad ring nawala 'yun nang maalala ko 'yung sumalubong na tawag sa akin ni Mia kaninang umaga.

[Hi, Kaizer. Good morning! Papasok ka na ba?]

"Paalis na ako. Bakit? May kailangan ka ba?"

[Tumawag na ba sa'yo 'yung taga-council? About daw 'to sa photoshoot mamaya.]

"Mamaya? Bakit wala akong alam? Bakit hindi na naman nila ako sinabihan?" inis na sabi ko. "Ano raw mayroon?"

[Ano kasi... baka kasi bigla kang magalit sa akin.]

Napakunot-noo ako sa sinabi niya.

"Bakit? Anong sinabi nila sa'yo? Hindi ako magagalit. Sabihin mo na."

Narinig ko muna na napabuntong-hininga si Mia bago ito nagsalita sa kabilang linya.

[Ano kasi, gusto kasi nila na maging believable 'yung pagiging couple natin para sa shoot mamaya saka para na rin sa... alam mo na? 'Yung naging prize sa contest?"

Psh! "Hindi pa ba sila tapos d'yan? Sinabihan ko na sila na okay na ako sa—"

[Pero kasi Kaizer, may iba pa silang sinabi kanina.]

"Ano na naman ba?!" hindi ko napigilang mapataas ng boses kay Mia sa telepono.

[Hindi mo naman kailangan sumigaw, Kaizer. Kung gusto mo sila na lang magsasabi sa'yo]

Napatampal ako sa noo ko sa sobrang inis ko saka humingin ng sorry kay Mia at pinakiusapan siya na ituloy 'yung sinasabi niya.

Sa pilit ko na ring pinapasok sa utak ko na gagawa na ako ng resignation letter mamaya at aalis na ako sa student council.

Nakakainis! Basta-basta na lang sila nagdedesisyon nang wala ako, nang hindi ako sinasabihan! Tapos ako na nga 'yung talo, ako pa 'yung nauuwing problemado sa huli.

[Sinabi rin nila sa akin kanina na hindi lang sila ang dapat nating mapaniwala na magboyfriend-girlfriend tayo. Dapat daw 'yung buong estudyante sa school dahil tayo 'yung bago nilang Mister and Miss University at cover photo tayo ng bagong ire-released na magazine ng school. Tayo raw ang mga role model kaya dapat maging mas kapani-paniwala 'yung gagawin nating pagpapanggap bilang magboyfriend-girlfriend.]

"ANO?!"

Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis! Saan na naman ba nila kinuha ang kalokohan na 'to?!

"Ibababa ko na muna 'to, Mia. Kakausapin ko muna sila at sasabihin ko na hindi ako papayag sa gusto—"

[Pero Kaizer!] putol niya sa sasabihin ko. [Nakapagpaalam na rin naman ako kay Sitti. At mukhang okay naman sa kanya 'yung sitwasyon natin. Naiintindihan naman tayo ni Sitti... kung si Sitti ang iniisip mo.]

My Tag Boyfriend (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon