My Tag 18

90.8K 2.8K 492
                                    

MY TAG 18
Sitti's POV
"ANO KAYANG magandang isuot sa mga 'to?" sabi ko habang hawak-hawak sa magkabila kong kamay 'yung ilan sa matitinong damit na mayroon sa drawer ko.
Biyernes na nga pala ngayon at ngayon ang araw na s-in-et ni Patty para magkaroon kami ng group study sa bahay nila.
At dahil sa review session lang naman ang buong week namin na 'to, half day lang kami sa school kaya mamaya matapos ang klase namin, dederecho na agad kami sa bahay ni Patty.
Kasalukuyan akong namimili ng maganda kong isusuot para sa group study namin mamaya. Wash day rin kasi ngayon sa school kaya p'wede kaming pumasok sa school ng naka-civilian.
"Anak kong maganda na sobrang busy sa pamimili ng damit niya, p'wede ba akong pumasok?"
"Ma!" gulat na sabi ko sabay tago ng mga damit sa likuran ko at pasimpleng inihagis 'yun sa kama na nasa likuran ko lang din.
"Nako! Nako! Nako! Tinago mo pa! 'Sus! Alam na alam ko na 'yung mga ganyang style! Gawain ko 'yan dati eh! May date ka siguro ano?" intriga ni Mama nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng kwarto ko.
"W-wala naman po, Ma," depensa ko kasi wala naman talaga. "May group study lang po kami nila Patty ngayon para sa exam namin next week doon sa bahay nila."
"Group study raw pero mag-iisang oras ka na d'yan sa pagpili mo ng isusuot. Saka tingnan mo nga 'tong ginawa mo," sabi pa ni Mama sabay turo sa loob ng cabinet ko na parang dinaanan ng bagyo. "Ang gulo-gulo ng loob ng drawer mo. Tapos sasabihin mo pa sa akin na wala kang date?"
"Eh sa wala naman po talaga."
"Asus! 'Tong batang 'to oo! Papunta ka pa lang, pabalik na ako. Naka-shuttle train pa nga ako pabalik eh! Saka anak, kilala kita. Hindi ka mag-aayos nang walang dahilan. Ni hindi ka nga nag-aayos eh!" panunukso pa ni Mama sabay hinila 'yung upuan sa tapat ng computer ko at naupo doon. "Nako, Sitti huh? Nagsisinungaling ka na ba sa akin? Naglilihim ka na sa Mama mong ubod ng ganda."
"Hindi nga po ako pupunta sa date," pagdidiin ko. "Bakit po ba ang kulit n'yo?"
"O, sige ganito na lang. Huhulaan ko. Kasama si Kaizer sa group study n'yo na 'yan ano?"
Hindi ako nakapagsalita doon sa sinabi ni Mama.
"Kita mo na?!" sabi pa ni Mama sabay pitik sa ere. "Tama nga ako! May date kayo ni Kaizer. Kumusta na pala siya? Hindi ko na siya nakikitang bumibisita sa bahay huh? Saka aawayin ko pa 'yun sa nangyari sa binti mo no'ng may contest sa school n'yo. Nako talaga! Nagpapabaya na si Kaizer sa'yo huh? Nasaan na ba ang batang 'yun nang mahampas ko!" pabirong sabi ni Mama.
"Wala na po kami ni Kaizer, Ma."
"Huh?"
"Break na po kami. Mag-iisang Linggo na rin po."
"Que horror!" gulat na gulat at OA na sabi ni Mama habang nakahawak pa ito sa tapat ng dibdib nito na may kasama pang pag-atras hanggang sa may pader. "Hindi nga anak? Seryoso 'yan?"
Isang mahinang tango na lang ang sinagot ko kay Mama.
Pero hindi gaya ng dati, mas magaan na sa akin 'yung salitang "break up" na nangyari sa pagitan namin ni Kaizer.
Magmula nang magkausap kami nang maayos doon sa may classroom namin, unti-unti ng gumaan ang pakiramdam ko.
At isa pa, nangako ako kay Kaizer na kahit anong mangyari, kahit gaano pa katagal, maghihintay ako sa kanya.
Siguro sa paningin ng iba, nakaka-turn off 'yung ginawa ni Kaizer na pagpapahintay sa babae dahil lang sa naguguluhan siya sa mga dapat niyang maramdaman at ikilos.
Pero para sa akin okay lang 'yun.
Hindi naman por que pumasok ka na sa isang relasyon eh 'yung lalaki na lang ang laging iintindi sa babae 'di ba? Ang isang relasyon, binubuo ng dalawang tao. Dalawa utak. Dalawang desisyon at dalawang pag-unawa at pagpapasensya.
At dahil iyon ang hiningi ni Kaizer, iyon ang ibibigay ko sa kanya. Tutal naman lagi na lang si Kaizer 'yung umiintindi sa akin noon. Kaya siguro hindi masama kung ako naman ang iintindi sa kanya ngayon hindi ba?
"Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyong dalawa ni Kaizer at wala akong balak magtanong pero..." biglang sabi ni Mama na pumutol sa malalim na pag-iisip ko saka siya ngumiti. "Kung ano man 'yan, alam ko naman maso-solusyunan n'yong dalawa 'yan nang magkasama. Problema lang 'yan, anak. Tao tayo. At normal talaga sa magkarelasyon ang nagmomoblema. At kahit kailan, hindi natalo ng problema si True Love. Nasa kasaysayan 'yun."
"Talaga po? Ano pong libro?"
"Ang libro ng mahiwagang kasaysayan ni Aimee Sandoval," sabi ni Mama sabay ginaya 'yung imagination pose ni Spongebob.
Natawa ako sa sinagot at ginawa ni Mama saka siya nakitawa rin sa akin.
"Pero 'wag mong ibahin ang usapan, anak ng nanay mong ubod ng ganda," putol ni Mama sa tawanan namin. "May date ka ba talaga o wala?"
"Wala nga po!"
"Eh bakit ka nagpapaganda?"
"Hindi po ako nagpapaganda!" defensive na sabi ko.
Eh sa hindi naman talaga. Bigla ko lang naramdaman na gusto kong magbihis nang matino. Iyon lang!
Bakit para namang hindi convincing 'yang sinasabi mo, Sitti? pakikisawsaw ng boses sa utak ko.
ARGH! Ano ba sila? Nagtutulungan ba sila ni Mama para asarin ako?
"Siguro gusto mong magpaganda sa harapan ni Kaizer ano?"
"H-hindi po!" sabi ko saka ko naramdaman na uminit ang buong mukha ko.
"Sus! Deny pa nang deny eh huling-huli na naman!" pang-aasar pa sa akin ni Mama sabay tayo. "O, sige. Bilang pambawi ko sa pagiging outdated sa love life mo, may binili akong bagong damit sa'yo kahapon. Tiyak na bagay sa'yo 'yun at kapag nakita ka ni Kaizer na suot 'yu, nako! Panigurado, kayo na ulit pag-uwi mo sa bahay!"
Napapailing at napapangiti na lang ako habang pinapanood si Mama na lumabas sa kwarto ko.

My Tag Boyfriend (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon