My Tag 38

56.7K 2.3K 594
                                    



My Tag 38

Sitti's POV

"ANONG GINAGAWA mo d'yan?" tanong niya matapos no'ng ilang sandaling pagkakatunganga namin sa mukha ng isa't-isa. "Ayos ka lang ba?"

"H-huh? A-ako?" nauutal na sabi ko sabay turo pa sa sarili ko. "Okay lang naman ako. Bakit mo tanong?"

"Nakahiga ka d'yan sa damuhan. Hindi pa ba sapat na rason 'yun para magtanong ako?"

Oo nga ano? sa isip ko sabay batok sa sarili ko sa isip ko. Ano ba, Sitti! Ayusin mo naman ang sagot mo! Ngayon na nga lang kayo ulit nagkita tapos ang bobo pa ng mga sagot mo! Ayusin mo nga!

"P'wede mo bang ipaliwanag sa akin bakit ganyan ang itsura mo ngayon?"

Nagulat ako nang naka-Indian sit na si Kaizer sa tabi ko habang ako naman ay nanatili pa ring nakatukod ang mga kamay sa damuhan bilang suporta sa katawan ko para 'di naman talaga ako literal na nakadapa sa lupa gaya no'ng itsura ko kanina nang madapa ako.

"H-huh?" nakagat ko pa ang dila ko sa sobrang kaba. "Ah... ano... wala naman. Bigla ko lang napansin na maganda pumwesto dito."

"Sigurado ka ba d'yan?"

"Oo ah!" sabi ko sabay pilit ngumiti sa harapan niya pero alam kong sobrang nakakaasiwa ang ngiting naibigay ko sa kanya.

Ano ba, Sitti!

Nagwawala na naman kasi 'yung tibok ng puso ko sa loob ng dibdib ko saka parang bigla akong na-torete at hindi ko na alam kung ano ba ang mga susunod kong sasabihin sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo at nakahiga ka d'yan sa damuhan? Hindi ka pa ba tatayo?"

"Ay! Oo nga pala!"

Binalak ko sanang iangat ulit ang katawan ko para makatayo na ako nang maayos pero dahil nga sa hindi naman talaga kaya ng buong braso ko ang bigat ng katawan ko at pananakit ng tuhod ko na hindi ko p'wedeng gamiting pangtukod, muli lang akong napadapa sa damuhan.

At medyo masakit iyon.

"Okay ka lang?" biglang napatayo si Kaizer at nahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya.

O, baka imagination ko lang iyon.

Kasi 'di ba, bakit naman siya mag-aalala sa akin? Anong dahilan? Hindi na naman kami 'di ba? Saka mas ako pa nga ang dapat mag-alala sa kanya dahil mukhang pagod na pagod siya sa kung ano mang ginagawa niya kanina bago pa kami magkita base na rin sa pawis sa mukha at katawan nito na bumabakat doon sa puting polo ng uniform niya.

Baka nag-gym? Alam mo na? Nagsisimula na siyang magpalaki ng katawan.

Pero mabilis ko ring inalis sa isip ko iyon.

Ano ba?! Bakit ganito na naman ako mag-isip? Kaya nga ako tinatawag na loser dahil ganito ako eh!

Kaya nga wala akong masyadong kaibigan dahil sa ugali ko na 'to at sa paraan ko nang pag-iisip sa mga bagay.

"Tulungan na kita."

"H-hindi! Okay lang ako! Huwag mo na akong tulungan. Nagpa-practice lang ako ng push up dito."

My Tag Boyfriend (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon