My Tag 26

81K 2.5K 715
                                    


My Tag 26

Kaizer's POV

"SO, ANO na? Maniniwala ka pa rin ba sa artista na 'yun? Aaminin mo na ba sa akin na ang tama ako na ang tanga-tanga mo dahil nagpauto ka sa demonyitang iyon?"

"Ano bang ginagawa mo dito?" bagot na tanong ko sabay hindi ko na inabala ang sarili ko na tingnan 'yung nagsalita mula sa librong nakatakip sa mukha ko habang nakahiga ako dito sa may rooftop. Tabas pa lang ng dila niya kilalang-kilala ko na siya iyon.

"Bakit? Ikaw lang ba may karapatang magcutting class? May karapatan din ako—"

"Bumalik ka na sa loob," putol ko sa mga sasabihin niya. "At pabayaan mo na lang ako."

"Ganyan ba talaga dapat ang inaasta ng isang top student huh?"

Inis kong inalis ang libro sa mukha ko saka padabog na bumangon sa kinahihigaan ko.

"Ano bang problema mo?! Gusto mong umamin ako na tanga ako? Oo na! Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko dahil hindi ako naniwala sa inyo! Dahil uto-uto ako! Dahil naloko ako! Masaya ka na? P'wede ka na bang umalis sa harapan ko ngayon?!"

Nakipagtitigan lang sa akin si Margaret nang nakataas ang kilay at masama ang tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Mabuti naman at natauhan ka na. Kaya lang masyado ka nang nahuli para malaman na ang tanga mo talaga."

Hindi talaga marunong tumahimik ang babae na 'to! Nakakainis talaga siya! sa isip ko.

"Bumalik ka na sa loob," kalmado ng ulit ko sa sinabi ko kanina. "Iwan mo na ko."

"Alam mo, 'yan talaga ang gusto kong gawin. Pasalamat ka may kailangan ako sa'yo kaya nandito pa ako ngayon. Ayoko pa namang nakikipag-usap nang matagal sa mga losers na gaya n'yo."

Napaangat ako ng tingin sa kanya dahil nanatili pa rin akong nakaupo dito sa may sahig ng rooftop.

"Anong ibig mong sabihin?"

Pinanood ko siya na umupo sa harapan ko para magpantay ang mga tingin namin saka siya magsalita.

"Gusto mong makaganti kay Mia 'di ba? Gusto mong makaganti sa ginawa niya sa inyo ni Sitti 'di ba? Alam mo na rin naman siguro na siya ang may pakana ng lahat ng masasamang nangyari kay Sitti magmula no'ng dumating siya kaya ka nagagalit sa kanya 'di ba?"

Hindi ko siya sinagot at naghintay na lang sa susunod niyang sasabihin.

"Bakit hindi natin ipatikim kay Mia lahat ng ginawa niya kay Sitti nang matauhan na siya at nang mahinto na siya sa pagbibida-bidahan niya?"

"At paano mo naman gagawin 'yan?"

"Ako ng bahala doon," sabi pa niya sabay ngiti sa akin. "Walang nananakit sa kaibigan ko na nakakaligtas ng buhay. Saka may utang pa sa akin ang Mia na 'yan. Kaya gaganti tayo sa lahat ng pananakit na ginawa niya kay Sitti."

Matagal akong napatingin sa mukha niya bago ako napabuntong-hininga.

"Hindi ako nananakit ng babae."

"Kahit na sobra niyang sinaktan si Sitti?"

Mariin akong napakuyom sa kamao ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Ayoko pa ring pumayag sa gusto mo. Kung gusto mong manakit ng iba, 'wag mo na akong isali."

"At sino bang nagsabi na sasaktan natin ng pisikal ang babae na 'yun huh?"

Napatingin ulit ako sa kanya.

"Kahit na matagal ko nang gustong balatan ng buhay ang babae na 'yun o buhusan ng asido 'yung plastik niyang pagmumukha, wala pa rin naman akong balak makulong ano!" sabi niya sabay hawi sa buhok niya patalikod. "Saka nasaktan ko na rin naman ang babaeng 'yun kahit papaano kaya okay na rin 'yun. Pero gusto ko naman gawing mas may class 'yung sunod kong pagganti sa kanta. Mas sosyal pero mas masakit."

My Tag Boyfriend (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon