My Tag 16

96.7K 3.1K 641
                                    

My Tag 16
Kris' POV
"KRIS! SANDALI lang!"
Nahinto ako sa paglalakad papuntang student council quarters sabay napalingon sa tumawag sa akin.
"O, Sitti!!"
"P'wde ba kitang makausap sandali, Kris?"
Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Sige. Ano ba 'yun?"
Napatingin muna si Sitti sa hallway kaya napatingin na rin ako.
May hinahanap ba siya? sa isip ko.
"Alam kong nakakahiya na humingi sa'yo ng pabor pero sana matulungan mo ko."
Mas lalong lumalim 'yung guhit sa noo ko sa pagtataka.
Hindi ko masasabi na close kami ni Sitti pero kaibigan talaga ang turing ko sa kanya. Lalo na no'ng nalaman ko noon na siya pala 'yung bagong girlfriend ng best friend kong si Kaizer.
Pero nitong nakaraang araw, dahil na rin sa tambak na trabaho at event na in-organized ng council, hindi na rin kami masyadong nagkakausap ni Sitti kaya hindi ko na rin alam kung ano ba talagang nangyayari sa kanila ni Kaizer.
Kaya nga nagulat ako nang malaman ko na naghiwalay na sila.
Tinanong ko si Kaizer tungkol doon pero hindi naman siya nagsalita sa amin ni Mobi.
Minsan talaga nakakasakit ng damdamin ang tao na 'yun! Para kaming 'di mag-best friend eh!
Pero sabagay. Sana na rin naman ako sa ugali na 'yun ni Kaizer. Hindi talaga siya 'yung taong mahilig magkwento ng bagay tungkol sa kanya.
Pero nakakapanghinayang pa rin na naghiwalay sila ni Sitti. Hindi ko maisip kung anong rason at gagawin ni Kai Kai na makipaghiwalay kay Sitti.
Mukha naman silang in love na in love sa isa't-isa kaya bakit sila maghihiwalay? Saka wala naman sa itsura ni Kaizer na may balak siyang hiwalayan si Sitti.
Tapos ngayon naman nakipag-away siya at nakasira ng gamit sa library at ma-e-expel.
Ano na bang nangyayari sa'yo, Kai Kai?!
"P'wede mo ba akong tulungan na kumbinsihin 'yung mga babae sa school na pigilan si Kaizer na umalis sa Eastton?"
"Huh?!" gulat na sabi ko. "Aalis si Kaizer sa school?! P'wede naman niyang ipaglaban na alisin 'yung expulsion niya ah! Kaya bakit siya aalis?"
"H-hindi naman sa sigurado ako kasi wala naman siyang nasabing gano'n kanina," sabi ni Sitti sabay parang bigla siyang nag-alangan na magsalita ulit pero nagpatuloy pa rin naman siya. "Pero wala rin naman siyang sinabi na hindi nga siya aalis. Paano kung umalis siya? Hindi kakayanin ng konsensya ko kung mawawala siya sa school nang dahil lang sa nakipag-away siya kay Jonas."
"Bakit? Hindi mo naman kasalanan 'yun ah?" sabi ko. "Saka kung may kasalanan man dito, nararamdaman kong si Jonas na 'yun. Lagi namang gulo ang dala ng tao na 'yun. Kaya nga hindi sila magkasundo ni Kai Kai eh!"
"'Wag ka namang magsalita ng masama kay Jonas," pagdedepensa ni Sitti. "Tumutulong lang naman 'yung tao sa akin."
"So si Kaizer ang pinagbibintangan mo gano'n?"
"Hindi!" mabilis at madiin na sagot niya. "A-ang akin lang naman, hindi naman natin alam ang totoong dahilan bakit sila nag-away kaya sana magtayong mamintang ng ibang tao."
Matagal akong napatingin sa mukha ni Sitti.
Parang may hula na ako kung bakit nagalit nang gano'n si Kai Kai, sa isip ko.
Napabuntong-hininga na lang ako. Kung sa ibang pagkakataon, mangengealam ako sa kanila. Pero may kutob ako na hindi na dapat akong makialam sa problema nila ngayon. Baka mas lalo lang magalit si Kai Kai sa akin.
At isa pa, malalaki na sila. Sila na dapat ang magresolba sa sarili nilang problema.
Pero nakakainis pa rin na sinayang ng dalawang 'to ang mga hirap ko noon na maging sila at paaminin si Kai Kai na in love na kay Sitti tapos maghihiwalay lang pala sila.
Napabuntong-hininga ako ulit saka ako nagsalita.
"O, sige. Tutulong ako. Pero ano ba talagang plano mo? Paano mo mapipigilan si Kai Kai na umalis sa school?"
Nakita ko na sandaling nag-isip si Sitti sa harapan ko.
Hay nako, Kai Kai! Alam mo ba kung ano 'tong sinayang mo huh?
Base sa mga naging obserbasyon ko kay Sitti noon, talagang anti-social siya. Wala siyang pakialam sa paligid niya. Hanggang hindi siya nadadamay o nagagalaw ng mga taong nakapaligid sa kanya, hindi siya mangengealam. Gano'n ang napansin ko kay Sitti sa ilang buwan na nakasama ko siya.
Hindi lang halata pero lagi kong binabantayan ang dalawa na 'to at sa tingin ko, gano'n din ang ginagawa ni Mobillow sa kanila.
Kaya hindi ko talaga alam kung anong pumsok sa utak ni Kai Kai at siya pa talaga ang nakipaghiwalay kay Sitti.
Napakaswerte niya na may isang babae gaya ni Sitti na handang gawin ang lahat para lang hindi matuloy ang expulsion niya sa school. Bibihira na lang ang ganitong babae ah?
"Bakit hindi kaya tayo magsimula ng rally?"
"Huh? Rally?!"

Sitti's POV
"CLASSMATES, p'wede ko ba kayong makausap sandali?"
Alam ko na nakataya ang buhay ko sa ginagawa ko ngayon na pagtawag sa grupo ng mga babae na alam kong certified fan girls ni Kaizer.
Dalawa lang ang resulta na nakikita ko sa ginagawa ko ngayon.
Una, makakalbo o mababalatan ako ng buhay dahil sa sobrang sama ng loob nila sa akin. Ang pangalawa at pinakaimposibleng resulta sa lahat, makikinig sila at sasang-ayon sa plano ko.
Oo. Hindi pa talaga ako gano'n ka-okay lalo na tuwing maiisip ko 'yung masasakit na salita na binitawan sa akin ni Kaizer kanina.
Pero kailangan kong magpakatatag ngayon. Kailangan kong maging malakas para sa kanya.
Alam ko na marami akong utang kay Kaizer. At kung totoo man na hindi na talaga niya ako gusto na manghimasok pa sa buhay niya, ito na siguro 'yung huling panghihimasok na gagawin ko para sa kanya at para naman mabalik lahat ng kabutihan na ginawa niya para sa akin.
Kahit na nasaktan ako sa sinabi niya, hindi ko pa rin makakalimutan lahat ng magagandang bahay na dinala niya sa buhay ko.
'Yung tawanan, 'yung asaran at 'yung mga araw na lagi siyang nasa tabi ko kapag nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko at lakas ng loob na harapin ang mga problema na kinakaharap ko sa araw-araw.
Kaya kahit na alam ko na hindi talaga sila makikinig sa akin o papayag sa gusto kong mangyari, susugal pa rin ako.
Para 'to kay Kaizer. Siguro naman hindi rin sila papayag na mawala 'yung prinsipe nila sa Eastton hindi ba?
"O, 'yung loser ex-girlfriend tinatawag tayo, girls!"
"Eww! 'Wag mo ngang banggitin 'yung girlfriend! Kinikilabutan ako!"
"Boba! Kaya nga may ex eh!"
"Kahit na! 'Wag mo pa ring sabihin. Remember? Bad word sa atin 'yun 'di ba?"
"Ay! Oo nga pala."
Bigla akong kinabahan sa mga pinagsasabi nila.
Obvious pa sa lagay ng panahon na hindi ko sila mapapapayag sa gusto ko.
Pero nanatili akong nakatayo sa harapan nila kahit na 'yung utak ko, sumisigaw na tumakbo na ako palayo bago pa nila ako masabunutan sa sobrang galit nila sa akin.
"P'wede bang makinig muna kayo sa akin? Promise! Sandali lang naman 'to."
"At bakit naman kami makikinig sa'yo huh?" pagtataray ng nasa pinakagitna nila. "Wala namang kwenta 'yung mga sasabihin mo eh! Kaya bakit ka namin papakinggan?"
"Oo nga! Saka ano? Masaya ka na maalis na sa school ang prince namin?"
"Siguro gusto mo siyang ma-solo ano?"
"Napakaselfish mo! Ibalik mo sa amin ang prince namin!"
Akmang sasabunutan na nila ako kaya mariin na lang akong napapikit saka malakas na sinabi ang mga susunod kong sasabihin.
"Kaya nga kailangan ko ang tulong n'yo na pigilan si Kaizer na umalis sa school!"
Biglang nanahimik ang paligid saka wala pa akong nararamdamang kamay na sumasabunot sa buhok ko kaya dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko saka nakahinga nang maluwag nang makita na natigilan sila sa sinabi ko.
"Anong sinabi mo?"
Lumanghap muna ako nang maraming hangin sa baga ko bago ako nagpatuloy sa pagsasalita.
"G-gusto ko sanang hingin ang tulong n'yo na pigilan si Kaizer na umalis sa school at maki-usap sa guidance councilor sa school o sa kahit na sinong nasa taas na alisin ang hatol nilang expulsion kay Kaizer."
Muling nanahimik 'yung mga babae na nasa harap ko sabay napatingin sila sa isa't-isa at napakibit-balikat.
Kaya habang nananahimik pa sila, kinuha ko na ang pagkakataong 'to para magsalita ulit sa harapan nila habang hindi pa bumibigay ang tuhod ko sa takot.
"Alam ko na hindi maganda ang plano na naisip ko at baka hindi rin tumalab 'to pero sana sumama kayo sa akin na mag-rally sa may open field mamaya para pigilan si Kaizer na umalis," sabi ko saka sila tinitigan nang derecho sa mata. "Alam ko na gustong-gusto n'yo si Kaizer at na ayaw n'yo rin siyang umalis dito sa school. Kaya sana tulungan n'yo ako na kumbinsihin siya na 'wag na lang umalis."
Nakita ko na nagbubulungan 'yung mga babae sa harapan ko. Hindi ko masyadong marinig 'yung pinagsasabi nila dahil sobrang hina ng mga bulong niya at halatang ayaw talaga nilang iparinig sa akin ang desisyon nila.
At no'ng inakala ko na hindi ko sila papayag, patalikod na ako nang marinig ko silang magsalita.
"Sige. Pumapayag kami."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nila saka ako muling humarap sa kanila.
"Talaga?"
"Pero tandaan mo, pumayag lang kami hindi dahil tutulungan ka namin!"
"Tama! Para lang 'to kay Prince!"
Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin sila isa-isa nang dahil sa tuwa bago ako muling humarap sa kanila nang maayos.
"Salamat! Salamat! Sobrang maraming salamat talaga!"
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yun o nakita ko na parang napangiti sila sa ginawa ko... o baka mali lang talaga ako.
"Sige! Maiwan ko muna kayo. Kukumbinsihin ko rin ako iba."
"Tutulong din kami."
Nahinto ako sa mga hakbang ko nang marinig ko ang isa sa kanila na magsalita.
"Tutulungan ka rin namn na sabihan ang nasa fan club na sumama sa rally."
Nakangiti akong lumingon sa kanila.
"Salamat. Aasahan ko 'yan."

My Tag Boyfriend (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon