My Tag 5

112K 3.3K 1K
                                    

Pasensya na kayo sa typo. Kakatapos lang itype. Di na chineck. Hohoho! Happy reading! :)

My Tag 5

Kaizer's POV

HINDI maalis sa labi ko 'yung ngiti ko kapag naaalala ko si TG at 'yung mga pinagsasabi niya at mga kabaliwan niya at marami pang bagay na nagpapagulat at nagpapasaya sa akin kapag kasama ko siya.

Minsan talaga hindi ko na maisip na sa tinagal-tagal naming nagsasama, sa school, sa labas ng school o kahit sa classroom, hindi ko pa rin maisip kung bakit hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako sa kanya lalo na sa ugali niya.

Na parang marami pa akong hindi alam at gustong malaman tungkol sa kanya.

"Baliw talaga."

Para akong sira na nagpipigil ng tawa sa loob-loob ko.

Si TG lang talaga ang nakakagawa ng ganito sa akin. Si Felicity Sandoval lang at wala ng iba.

"Kaizer, okay ka lang ba?"

Bigla akong natigil sa pag-iisip ko sa lahat ng mga kabaliwan na ginawa ni TG magmula nang makilala ko siya nang may bigla na lang nagsalita sa tabi ko.

At ngayon ko lang naalala na nasa stage na pala ako ngayon, nakaupo sa trono ko, kasama si Mia na nanalong Miss Eastton University ngayong taon.

"Okay lang."

"Para kasing masama ang pakiramdam mo. Kanina ka pa kasi nanginginig d'yan sa tabi. Sigurado ka bang okay ka lang? Gusto mo bang samahan kita sa clinic?"

Napatingin lang ako sandali sa mukha ni Mia.

Dati no'ng hindi ko pa nakikilala si TG, lagi akong nasasaktan kapag nakikita ko siya, 'yung picture niya o kahit na sa tuwing maaalala ko lang siya.

Binago ni Sitti ang buhay ko. At natutuwa ako sa pagbabago na dinala niya sa buhay ko.

Noon inakala ko na hindi na ako makakaalis sa butas na ginawa ni Mia nang iwan niya ako. Na akala ko, wala na akong pag-asa. Na ako na ang pinakawalang-kwentang boyfriend sa buong mundo at na hindi na ako sasaya.

Pero nang dahil sa maling pagkaka-tag ni Sitti sa pangalan ko sa Facebook, sa maling pagkakatag niya sa status niya na wala namang kinalaman sa buhay ko, doon na nagsimulang magbago ang lahat sa akin.

'Yung mga salita ni TG, 'yung mukha niya, 'yung kabaliwan niya, 'yung mga talent niya na kahit sa sarili niya hindi niya alam na mayroon siya, lahat ng bagay na nakakagulat sa kanya, 'yun ang naging dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya.

Kung bakit mas minahal ko pa siya kaysa sa naging pagmamahal ko kay Mia.

Bigla akong napangiti sa sarili ko saka humarap kay Mia.

"Mia, thank you."

"H-Huh? Thank you? Para saan?"

"Sa pag-iwan mo sa akin. Sa pakikipagbreak mo sa akin. Sa pagsama mo kay Jonas. Sa panloloko mo sa akin."

"Kaizer, I told you that..."

"I know. Alam ko. Naiintindihan na kita," mabilis na sagot ko nang makita ko 'yung lungkot at konsensya sa mukha niya. "No offense, hindi kita sinusumbatan. Gusto ko lang talaga magpasalamat."

"Pero bakit?"

Napangiti ulit ako sa sarili ko saka hinanap ng mata ko si TG na nanlalaki ang mata habang nakatingin ito sa cellphone niya.

My Tag Boyfriend (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon