My Tag 1

219K 5K 1.5K
                                    

Daming typo. Forever tamad mag-edit yung author nito. Walang kwentang chapter. Sobrang sabaw. Ang panget. Pagpasensyahan. Happy reading!

My Tag 1

Sitti's POV

"SANDALI lang!" sigaw no'ng bata sa akin.

"Ang bagal-bagal mo naman eh! Dalian mo!" natatawang sabi ko saka ko nilabas 'yong dila ko sa kanya at inasar pa siya dahil ang bagal niya tumakbo.

"Ang daya mo naman eh! Bumaba ka d'yan sa bike mo! Ako naman!"

Tinawanan ko lang ulit 'yong bata saka ko mas binilisan 'yong pagpepedal ko sa maliit na bike na sinasakyan ko.

"Sandali lang! Hintay!"

"Ayoko nga! Habulin mo ko! Bilis! Bilis!"

"Sandali lang, Felicity!"

"SITTI! Sitti!"

Dahan-dahan kong dinilat 'yong mata ko nang may marinig akong malakas na boses mula sa ulunan ko.

"TG! Okay ka lang?"

Napapikit ako ulit nang tumama sa akin 'yong silaw ng liwanag. Anino lang nakikita ko sa taas ko. Pero nang idilat ko ulit 'yong mata ko naging mas malinaw na 'yong itsura ng tumatawag sa akin.

"TG!"

"K-Kaizer?"

"Okay ka lang? Sandali lang baba na ako!"

Napakunot ako kung bakit ang daming ulo ang nasa taas ko at kung bakit ang sakit bigla ng binti ko at kung bakit bababa raw si yabang.

Teka! Ano bang nangyayari?

Pinikit ko ulit 'yong mata ko para isipin 'yong mga nangyayari.

Ah! Oo nga pala. Nasa may contest nga pala ako ngayon. Nasa talent portion na ako. Tapos sumasayaw ako kasama no'ng mga back up dancer ko. Ang ganda nga ng kantang napili ko eh! Mr. Chu ng APink! Tapos pinalitan ni Mia ng mas may mababang takong 'yong sapatos ko tapos...

"Wala akong maalala."

Hala! Ito na ba 'yong tinatawag nilang amnesia?! Nagka-amnesia ako?

OHMYGAD! "Hindi. Hindi, Sitti. Hindi 'to pwede!"

Paano na lang kapag nagka-amnesia ako? Magkakaroon na ba ako ng ibang pagkatao? May mga magpapanggap ba na bago kong pamilya? Bigla na lang ba ako ikakasal sa lalaking nagpapanggap na fiancé ko raw. Tapos ano ng mangyayari sa future ko? Mapapalitan 'yong pangalan ko? Tapos iba na rin apelyido ko tapos...

"Sandali lang, Sitti. Kilala mo pa sarili mo. Wala ka naman sigurong amnesia," saway ko sa sarili ko saka ko hinawi 'yong maduduming ideya sa utak ko.

"Felicity!"

Muli akong napaangat ng tingin saka ko nakita 'yong nag-aalalang mukha ni MM.

"Okay ka lang? Maymasakit ba sa'yo? Tatawag na ba kami ng doktor? Ano? Magsalita ka naman! Okay ka lang ba?"

Si MM parang biglang naging si mama. Saka ang bilis niya magsalita ngayon ah! Siguro rapping 'yong talent na pinakita ni MM kanina!

"Teka sandali!" sabi ko sabay angat ulit ng tingin ko kay MM. "Anong tinawag mo sa akin?"

"Huh?"

My Tag Boyfriend (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon