E-E-Mail

6.3K 195 12
                                    

"RELAX WEST!"


Binigyan niya ito ng tubig na inisang lagok lang nito. Ni hindi na ito nag-abalang umupo man lang. He's a little pale, still. Siya naman ay kibit-balikat lang na umupo at inilabas ang kanyang baril. Sinimulan niyang pag-aksayahan iyon ng atensyon habang nahihintakutang pinanonood siya ng binata.


"Bakit may baril ka? Are you even allowed to have one?" Natatarantang wika ni West habang binabaklas niya ang baril. Ano bang ipinagmamarukulyo nito?


"Does it even matter?" She said. He frozed. Maang na nakatingin ito sa kanya.


"Is that even legal?" Tinitigan niya ang mukha nito. Sasabihin ba niya rito? Unti-unti siyang napangisi. Napamura ito pagkuwan. "Fuck it, Dianne! That's illegal possession of firearms!"


"That's why I love it."


"Fuck." He cursed and shook his head. Tila hindi ito makapaniwala sa naririnig at nakikita. Can't blame him. Hindi nga naman normal para sa isang tulad niya ang magkaroon ng baril. Ordinaryong civilian lang sila.  Wala ding history ng militar sa kanilang pamilya. Siya lang itong nahihilig at na-o-obsessed sa bagay na iyon. Seemed like, she fell in love at first touch.


"Get rid of that! Pwede kang makasuhan nang dahil sa bagay na yan." Utos nito. Nakapamaywang pa.


Sinulyapan niya ito at tinaasan ng kilay. "Bakit? Isusumbong mo ba ako?"


"Can I do that to you? Hindi di ba?" Sarkastikong wika nito.


Tumawa lamang siya. "I can keep it then."


"Dianne! I said get rid of that or else..."


Hinarap na niya ito. "Or else what? Or else you'll shoot me? Or I'll shoot you, instead?" Tumawa siya nang hindi ito magsalita. "Relax, hindi naman ako mamamatay tao. Kayamanan ko lang ito."


"Sa lahat naman ng kayamanang gugustuhin mo, bakit ito pa?"  


Pumikit ito ng mariin na tila iniipon ang lahat ng pasensya. Muli itong nagmura. Muli din siyang natawa. He looked really bothered by it.



KUMUNOT ang noo ni Dianne nang mabungaran si Trexton sa harap niya. Nakaputing three-fourth shirt ito at maong na pantalon. Nakabusangot ang mukha habang nakatingin sa kanya. Anong ginagawa ng pinsang niya sa harap niya?


"Ano?" tanong niya.


"Ako muna ang magbabantay sayo."


Tumikwas ang kilay niya. "Bakit? Akala ko may silent agreement na tayong wala nang magbabantay sa akin? Hindi ko na nakikita si Crocif na umaaligid-aligid sa akin."


"Iyon nga ang problema. Hindi na rin namin nakikita ang ungas na yon. Hindi namin alam kung anong sasabihin kay Tito kung sakali."

Tied (BS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon