E-Empty

6.8K 244 22
                                    

"YOU'RE WELCOME." 


She plastered the brightest and the best charming smile she can make. Nakatutok lang kay Lori ang mga mata niya. The girl smiled at her before she turned to the guy beside her, lovingly. Her heart was beating wildly. Kahit siya nagulat na nakaya niyang tingnan sa mga mata si Westley. 


He was looking directly at her like the way he used to do. Oh maybe, that's just how he look people. Napaka-passive ng ekspresyon nito. Hindi niya mabasa. When it comes to hiding himself, he was so quick to cover.


"Ingat ka." Aniya. She looked at Lori's innocently smiling face. "Ingat kayo sa daan." Her voice was so strong and almost sounded like a stranger. Her acting skills never really failed her... even when her knees were shaking and her hands were cold.


Tinalikuran na niya ang mga ito. Mahigpit niyang tinali ang puso upang pakalmahin ito. Nagwawala na ito sa loob niya at natatakot siyang kapag di niya ito narendahan ay umagos ang lahat ng itinatago niyang damdamin. The bitter taste of pain was so strong to ignore.


"Sandali." Westley's voice grazed her ear, sending chills all over her. Tumitindig ang balahibo niya. She pretended not to hear him. She continued walking until she reached the door of her car. "Wait! Dianne, wait!" Napahigpit ang hawak niya sa doorhandle. Mabibigat ang kanyang hininga. He just called her name... Damn!


Humarap siya rito nang hindi bumibitaw sa kotse. Bumungad ang inosente niyang ekspresyon rito. Natigil ito sa paglapit sa kanya. Nasa likod nito ang nobya. Napakurap-kurap pa ito habang nakatingin sa kanya na para bang ibang tao ang nasa harap nito.


Oh yes. Ibang tao nga ang nasa harap nito.


"I... I'm sorry." Huminga ito ng malalim. "Sa abala. And thank you."


Tumango siya rito. "Maliit na bagay." Ngumiti siya rito kahit pakiramdam niya anumang segundo ay bibigay na ang mga luha niya. Humakbang ito ng isang beses palapit. Awtomatikong umatras din siya. Pakiramdam niya sa konti pang paglapit nito ay susukuan na siya ng sariling puso.


"Una na ko."


"Dianne..." Pigil nitong muli sa kanya. Like he wanted to talk but he can't just say the word. Para saan pa at mayroong boses at bibig?


"Westley?" Natigilan ito nang marinig ang boses ni Lori. Sinulyapan niya ang babae. The poor girl was waiting. And it was evident on her face, that she was confused. "Magkakilala pala kayo—"


"Not really." Mabilis na sansala niya sa dalaga. Inilipat niya ang tingin kay West. "May common friend lang. We don't really know each other." Umangat ang gilid ng labi niya pagkasabi niyon. Tila punong-puno iyon ng sarkasmo. Muli niyang binalingan si Lori na naglalakad na palapit sa mahal nitong si Westley.


"Si Fionne? You know her too?" Dagdag niya.


"Oh..." Tumango-tango ito. "Akala ko magkakilala talaga kayo." Umabot na ito sa tabi ni West. Nahuli pa ng kanyang mga mata kung paano ito kumapit sa braso ng binata. 

Tied (BS#3)Where stories live. Discover now