A-Allowed

6.8K 181 18
                                    

MATAAS na ang araw. She wanted to check on Westley ngunit nadismaya siya nang di pa ito lumilitaw sa harap niya. He has a fucking tracker! Where is he, now? Hindi man lang ba siya nito naalalang balikan? Hanapin? O baka nilamon na ito ng mga kababaihang nakaswimsuit.


Napasimangot siya lalo. Sa inis niya ay nagdesisyon na lamang siyang maligo muna sa dagat. She would take a dip, first. Baka sakaling lumamig ang ulo niya.


Lumusong siya sa dagat. May iilang humarang pa sa kanya nang makarating siya sa bandang lagpas baywang para makipagkilala but she politely refused. Lumangoy siya hanggang sa makaabot hanggang leeg niya ang tubig. The water felt nice. Malamig kabaliktaran ng sinag ng araw. Inilibot niya ang paningin pabalik sa kanyang pinanggalingan at nagulat pa nang matanaw niya roon si West. Nakahalukipkip ito at nakatayo roon na para bang hinihintay siya. Para bang may nagawa siyang malaking kasalanan. He was staring in her direction. Siya ba ang tinitingnan nito?


May lumapit na babae rito ngunit di man lang nito nilingon iyon. Nanatiling nasa direksyon niya ang tingin nito. She glared at him although she was sure, he won't even figure that out. Muli siyang sumisid at lumangoy. Nahirapan lang siya ng kaunti dahil lamalakas ang dumadating na mga alon.


Pag-ahon niya ay muli siyang sumulyap sa kinatatayuan ni Westley. Naroon pa rin ito ngunit wala na ang babae. Sandali niya itong tinitigan. Nanatili ang tingin nito sa direksyon niya. Is he waiting for her? Nang hindi pa din ito kumilos ay muli na naman siyang lumusong at naglangoy. This time, mas matagal ang pagsisid niya. Nang mawalan ng hangin ay iniahon niya ang ulo at sumagap ng hangin. Habol pa rin niya ang hininga nang sulyapan niya ang direksyon ni West. But he wasn't there anymore. Inilibot niya ang paningin at hinanap ang binata. He was nowhere to be found. Where is he?


Bumalik na ba ito sa guest house? Nainip na ata. O baka nagtampo na. Eh bakit magtatampo? Napasimangot siya ngunit may kaba din. Sa huli ay nagdesisyon nalang siyang umahon na. Bago pa siya makalayo ay may yumakap na braso sa kanyang baywang. Someone rested his jaw on her shoulders. Akmang sisikuhin na niya ito nang magsalita ang lalake.


"Umalis ka na naman..." Her system immediately faced a quick recognition of his manly voice. Hindi niya iyon maitatanggi. It was evident on her racing heartbeat and her stomach in a swirl. Inayos nito ang pagkakapatong ng baba nito sa kanyang braso. He even pulled her closer. Dumikit ang malapad na dibdib nito sa likod niya.


"Iniwan mo na naman ako. Why do you keep doing that, Dianne, huh? You always make me left with no choice but to run and find you like a mother losing her child." Napapikit siya nang dumampi ang mainit na hiningi nito sa leeg niya.


Fox, shit!


"Sa susunod itatali na kita para di ka na mawala sa tabi ko. Hm?" Hindi siya nagsalita. "Where did you go, this time? I hope you didn't leave me for some guy..."


Kinagat niya ang ibabang labi. Sasabihin ba niya ang totoo?


"West..."


She can practically hear his heavy breathing. "Would you lie, Dianne?"


Umiling siya at bumuntong-hininga Iniharap siya nito at itinaas ang kanyang baba. Sinalubong niya ang bughaw nitong mga mata. They remind her of the limitless sky. Only this one was deeper than the ocean.

Tied (BS#3)Where stories live. Discover now