W-Wrecker

24.2K 362 28
                                    


BUMABA si Dianne ng kanyang magarang sasakyan, suot ang maganda niyang boots. Ang mainit na hangin ay kaagad na pumapaypay sa kanyang balat. Napatingin siya sa kanyang suot na balot na balot sapagkat kagagaling lang niya sa isang bansang nagpapawis ng snow. Naiikot niya ang mga mata at ipinaypay ang kamay sa mukha.


"Ang init!" Reklamo niya. Inadjust niya ang kanyang suot na shades upang hindi masilaw sa mataas na tirik ng araw. She flipped her hair on side of her neck. Ang mga tao ay napapatingin sa kanya lalo pa't agaw atensyon ang kanyang itsura. Especially her waist-length straight black hair and her blue highlights on the side of it.


"Long time no see, Manila." Napangiti siya habang iginagala ang mga mata sa labas ng kanilang bahay. "Mas hot ka na ngayon compared seven years ago." Komento niya habang nararamdaman ang unti-unting pamumuo ng pawis sa kanyang noo. Pitong taon na mula nang makatapak siya roon. Kung saan-saang lupalop kasi siya ng bansa at minsan rin ay kung saang-saang bansa sa mundo, siya napupunta—more like, ipinadadala ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakala na may matutunan siya sa ibang bansa tungkol sa pamumuhay ng maayos at matino.


Pero ang maayos at matino ay masyadong mainstream. Nakakasawa at nakakaboring. She needed adventure. Her blood craves for rule-breaking. Walang bansa o kultura ang makakapagpatino sa nagwawala niyang kaluluwa.


"Ma'am, pumasok na po tayo sa loob. Maiinitan po kayo rito." Nilingon niya ang driver nilang si Mang Kasio. Matagal na itong naninilbihan sa kanila at sanay na sanay na ito sa malimit niyang pagdating sa bahay nila.


"Mamaya na po. Pakipasok nalang ang mga gamit ko." Nilingon niya ang kanyang balat na namumula na dahil sa init ng panahon. "I'm just going to stroll around."


"Ho? Eh, Ma'am sasamahan ko na po kayo. Marami na po ang nagbago rito sa lugar natin kaya baka kung ano pa hong mangyari sa inyo kapag—"


"Nah, I'll be alright. Kukunin ko ang kotse." Hindi na ito nakaangal nang umikot siya sa driver's seat. Nilingon niya si Mang Kasio na napapakamot na lamang sa ulo. "Mang Kasio, take good care of my things ha? Kapag tumawag si Mommy, pakisabi tulog ako. Kapag tumawag sina Tita Chi or Tita Carolina or Tita Marina or the PNP or the DSWD or whoever on Earth, to check on me, pakisabi I'm sleeping, alright?" Binigyan niya ito ng matamis na ngiti bago siya pumasok sa loob ng kotse. Hindi na niya ito hinintay na makasagot, bagkus ay pinaandar ang sasakyan at pinaharurot iyon.


Ibinukas niya ang bintana at nagpatugtog ng malakas. Napahiyaw siya sa saya nang sumabog ang malakas na hangin sa kanyang mukha. "Woo-hoo!" Umakyat pa ang bilis ng kanyang sasakyan, kita na niya ang gate ng subdivision nila. Napangisi siya at binilisan pa ang takbo. Nang makita siya ng mga guard na para bang walang balak tumigil o magdahan-dahan sa pagpapatakbo ay mabilis na nagsitakbuhan ito palayo upang hindi niya masagi.


Nakagat niya ang ibabang labi habang hinihintay ang impact sa nakaharang na kahoy upang pigilang makadaan siya. The feeling of adrenaline rush washed all over her. She grinned and shouted as the wood made a huge sound of impact as it collided on the windshield. Nagkaroon ng gasgas ang kotse niya ngunit hindi niya na pinansin iyon. Tuloy-tuloy na humarurot ang kotse kasabay nang pagpuno ng malakas na halakhak sa kanyang kotse.


Malakas na pinalo niya ang manibela. "I am back on track! Hell yeaaah!"


Tied (BS#3)Where stories live. Discover now