X-X-Men

7.1K 227 9
                                    

"SPILL." Utos ng mga pinsan niya. Nasa sala sila at napapalibutan siya ng mga ito. Para siyang anak na nahuling nakikipagdate kahit pinagbabawalan ng mahigpit. Sumimangot siya. Bakit kailangan niyang magpaliwanag?


"Kung ano man ang sinabi ni Crocif, hindi iyon totoo." Maagap na aniya.


Tumawa naman ang huli. "Paano mo nasabi? Alam mo ba kung anong sinabi ko?"


Naningkit ang mga mata niya rito. Ngumisi lamang ito. Titirisin niya talaga ang bakulaw na ito kapag nakahanap siya ng pagkakataon. Ngayon, mas nagkaroon siya ng dahilan upang pahirapan ito sa pagbabantay sa kanya.


"Nakarating na ba ito kay Dad?" Tanong niya. Napatiimbagang siya nang walang sumagot. "I swear I'm gonna break your—"


"Relax, Dee." Natatawang agap ni Crocif. "Sila palang ang nakakaalam. Pati sina Mama wala pang alam dito."


"I haven't told my Mom or Dad either. I just came here because I thought this would be an interesting sight to see." Kibit-balikat na wika ni Leon. Sumandal ito sa sofa at nagsimula nang magtipa sa cellphone nito. Maya-maya pa ay nawalan na ito ng pakialam sa kanila.


"Nanliligaw ba iyon sayo, Ate?" Napatingin siya kay Aria at matigas na umiling.


"Iyan ba ang sinabi ni Crocif-the-asshole sayo?" Tumingin ito sa pinsan nila bago sa kanya pagkatapos ay umiling. Huminga siya ng malalim. "Guys, he's just a friend! Stop fussing about it!"


"Did he friendzone you?" Dagdag pa ni Crocif. Sinamaan niya ito ng tingin. "Okay guys, false alarm!" Biglang bawi nito. Nailing ang mga kasama nila.


"Wala ka talagang magawa." Napapalatak si Trexton na nakatingin kay Crocif.


"Pero himala at hindi siya na-culture shock sayo, Dee." Komento ni Clarine.


"If he survived being with her, he must be invincible." Humalakhak pa ang mga pinsan niya. Kahit si Clovis at Leon na parehong abala ay napangiti doon.


"You seriously went here just to tell me that?" She asked.


"And to make that dramatic scene earlier." Natatawang sagot ni Trexton.


"Yeah!" Nakipagfistbump pa si Crocif rito.


Hindi makapaniwalang pinanood niya ang mga ito. "Seriously?" Tiningnan siya ng mga ito. Pati na si Clovis na kakatapos lang magflip ng pahina ng libro.


"Yes." Halos sabay-sabay na sagot ng mga ito.



HUMIHIKAB pa si Dianne nang bumaba siya sa kusina. Hindi na niya namalayan kung anong oras siya tinantanan ng mga pinsan niya at hinayaang matulog kagabi. Wala siyang ideya kung umuwi na ba ang mga ito o nakitulog doon. Mayroon namang guestrooms roon. Isa pa ay bakante rin ang silid na dating inookupa ng mga magulang niya. She was living there all by herself. Mayroon namang nagpupunta roon upang maglinis at maglaba para sa kaniya. Pati na rin ang pangangalaga sa pinakamamahal na mga halaman ng Mommy niya.

Tied (BS#3)Where stories live. Discover now