I-Instinct

6.5K 168 8
                                    

PASULYAP-SULYAP siya Kay West maya't maya. He was unusually quiet today. Well, he was always this kind of silent pero iba ang katahimikan nito ngayon. Lalo tuloy siyang nababagabag. Did something happen? O baka naman iniisip na nitong ipagtapat sa kanya ang lahat. If that's the case then good. Hindi na siya mahihirapang magpalipad hangin rito.


"West?" untag niya rito.


"Hm?" Lumunok muna siya bago muling nagsalita. 


"I just thought... Marami ka nang alam tungkol sa akin." Tumigil siya sandali. "I've already told you things about me and... my family.  Pero kakaunti palang ang alam ko tungkol sayo." 


Natahimik ito. Mas lalo siyang kinabahan. Tumingin sya sa labas ng binata habang kagat-kagat ang ibabang labi. Mali ba ang sinabi niya?


"I have an older brother." Simula nito pagkuwan. Nilingon niya ito sa gulat. Hindi niya inaasahan ang bigla nitong pag-o-open up sa kanya. That was... fast. 


"What's his name?"


"Why do you want to know?" Nilingon pa siya nito sandlai bago ibinalik ang mata sa daan.


"Duh? He's your brother, West. I hope I can meet your family too. Mukhang mas marami akong malalaman sa kanila tungkol sayo."


Bumuntong-hininga ito. " What do you want to know about me? Ask me, now."


Napo-provoke siyang itanong rito. Pero baka bigla nalang mabulilyaso ang plano niya. Uunti-untihin nalang muna niya siguro. Hindi dapat siya pabigla-bigla. This is no time to be reckless. Baka iba nalang ang lumabas sa bibig niyang pasaway.


"What are your favorites?"


"Well, I particularly like this one..." Hindi nito naituloy ang sasabihin nang bigla itong napapreno dahil sa tumawid na aso. "That was close!"


Napalingon rin siya roon. Nakatawid naman ng maayos ang aso. Itinikom nalang niya ang bibig at hindi namuli pang nag-usisa. Maybe she should let West concentrate on driving, first.


Nakarating sila ni West sa isang beach resort. It took them an almost three hour drive. Nagcheck-in muna sila sa guest house. Malaki iyon at tila hotel ang itsura. May malawak na hallway sa magkabilaan. Cream ang pintura. At sa harap naman ay ang pinong Bermuda grass. May mga benches doon. May malaking fountain sa gitna. At may mga light posts sa bawat sulok.


Mukhang sa likod pa ng guesthouse ang naturang beach.


"Two rooms please."


Ngumiti nang ubod ng giliw iyong receptionist kay Westley. Umirap na lamang siya at hindi nagsalita. Imbis na hintayin ito at panooring lantarang landiin ng babae at nagpasya na lamang siyang maglakad-lakad at pansinin ang kabuuan ng building.


May mga frames sa gilid. Mayroong malawak na sofa at visitor's chairs. Mayroon ding flat screen television doon. Mangilan-ngilan ang mga taong nakaupo roon. Ang ilan ay nakasulyap sa counter. Mayroon pa ngang inilingon pa ng katabing lalake ang mukha ng babae pabalik rito.

Tied (BS#3)Where stories live. Discover now