E-Eager

6.4K 236 13
                                    

KINALADKAD siya ni West paalis roon. Mahigpit na mahigpit ang hawak nito sa kamay niya na para bang may balak siyang tumakas. Na siya nga namang balak naman talaga niya. Hindi pa rin niya lubos maisip kung paano nito nahanap ang kinaroroonan niya.


She remembered her phone. Pina-trace ba siya nito? No. That can't be. Ni hindi nga siya nito tinatawagan o tinetext man lang para tanungin kung nasaan siya o kung anong ginagawa niya. Why would he bother doing that? Bakit pa siya nito ipapatrace kung magtanong nga lang sa kanya ay di nito ginagawa?


"West, saan tayo pupunta?" Hindi ito sumagot. He continued dragging her. "West, can you calm down? Naiwan ko pa don yung motor"


"Fuck that, Dianne!"


Nagulat siya't natigilan sa biglaang pagsigaw nito. That was the last thing she was expecting from him. Well, he often gets mad pero hindi ganito. Hindi yung sisigawan siya nito. Plus, he always seemed to have self-control. Hindi nga ata ito nauubusan ng supply niyon.


Tumigil sila sa hindi niya malamang lugar. Malayo na iyon sa racing track. Malayo na din sa mga taong kasama nila kanina. They were the only people standing there. At galit pa ito sa kanya... very nice. Although, she wasn't scared. She was still shocked and kinda confused.


Natigilan din ito sandali. Marahas na napabuga ito ng hangin at mariing napapikit. Binitawan siya nito at tumalikod sa kanya. He was uttering curses. Nagulo pa nito ang magulo na talaga nitong buhok. Ngayon lang niya ito nakitang ganoon. He looked bothered and disarrayed. It was unusual for her to see him that way. Lalo na kung palagi niya itong nakikitang neat and proper. Para bang biglang nawala ang "neat and proper" na iyon sa katauhan nito. She didn't know she could do that to him.


Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya kung hindi lang biglang humarap sa kanya si West at lalong nalukot ang mukha. Binitawan niya ang ngiti sa labi.


"Why are you here? Alam mo ba kung ano itong ginawa mo?" Mahihimigan pa rin ang galit sa boses nito ngunit mas kalmado na iyon kaysa kanina.


"I was here to race. Kanina ka pa ba? Have you seen what I did?" Punong-puno ng pag-asang wika niya ngunit umigting ang panga nito. Kaagad siyang natahimik. 


Hala sige, Dianne. Magyabang ka pa!


"You joined a fucking race, Dianne! Don't brag that! It's not cool. Muntik ka nang mabalian doon!" Naglakad ito ng pabalik-balik sa harap niya na para bang hindi ito makapaniwalang ginawa nga niya iyon. "Fuck Dianne! Don't do that again! Do not ever engage to that race again!" Pulang-pula ang mukha nito sa galit.


Maang na tinitigan niya ito. "Come on. It was fun!" Nagawa pa niyang ngumiti kahit nanggagalaiti na ito sa galit. Hindi niya mapigilan. He looked somehow... cute. At hindi niya maintindihan kung bakit parang natutuwa pa siyang makita ito ngayon na ganoon.


Did she really miss him that bad?


Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. Mabibigat ang bawat yapak na ginawa nito patungo sa kanya. Naningkit ang mga mata nito. "Fun? You call that fun?" Tatango palang sana siya nang dugtungan nito iyon. "You nearly died, you idiot!"

Tied (BS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon