L-Library

9.5K 259 19
                                    

"GIRLFRIEND KO YAN."


 "Hindi mo girlfriend yan."Pagpupumilit niya. Malapit na nga silang magkainitan. Nakuha na nga nila ang atensyon ng ilang mga customer doon.  Kung hindi lang dumating yung babaeng may hawak ng drumsticks baka sinapak na niya ang lalake. 


"Bakit, miss? May ebidensya ka ba?" Sarkastikong wika nito. Her jaw clenched. Parang gusto na niyang sungalngalin ang lalake. Ngunit pinilit niyang kumalma. No, Dianne... laging talo ang asar.


"Ikaw ba, meron?" Balik-tanong niya rito. Sinulyapan niya ang babaeng nakatagilid na ang mukha at pilit na iminumulat ang mga mata. " Isa pa, kung may matinong boyfriend yan, hindi yan magpapakalasing ng ganyan. At kung ikaw ang boyfriend niyan, eh di mas binigyan mo pa ako ng dahilan para huwag siyang ibigay sayo."


Kitang-kita niya ang pagtatagis ng bagang nito. She sure knows how to push someone's button. "Bakit ka ba nangingialam?!" Angil nito sa kanya. Humakbang ito palapit sa kanya ngunit kaagad na humarang yung drummer ng bandang tumutugtog kanina.


"Enough! Kapatid ko ang may-ari ng bar na ito, ako ang mag-uuwi sa kanya." Binalingan nito ang lalake at dinuro. "At ikaw, kung sino ka man, kausapin mo nalang siya kapag nasa tamang huwisyo na siya."


Tumaas ang kilay niya rito. She stuck her tongue out to him. 


Buti nga sayo... akala mo makakascore ka ano?


Mukhang lalong uminit ang ulo nito sa kanya at akma siyang susugudin. "Sige... ano ha?" Hamon pa niya rito. Kung hindi lang siguro nakaharang yung drummer sa gitna nila ay baka nagkasapakan na. 


"Enough! I said enough!" Inis na wika ng babae. 


Nagkaroon pa ng commotion dahil sa tuwing tatalikod sa kanya iyong babaeng drummer ay aasarin naman niya iyong lalake. She would stuck her tongue out like a mad child.


Hindi din ba niya alam kung bakit parang lagi siyang may hangover sa pagkabata. Oh well, si Western nga naniniwalang menor de edad pa siya.


"Fionne!" Tawag nong vocalist ng banda. Nakapamaywang ito sa stage habang ang isang kamay ay may hawak na mineral bottled water.


"Sandali lang, Port!"


"What are you doing there?" Sinenyasan nito ang lalake kaya't natahimik ito pagkuwan. Napataas ang kilay niya habang nagpapabalik-balik ang tingin niya sa dalawa. Sumunod ang tingin niya sa vocalist ng banda. May tattoo ito sa braso. Lumipad ang tingin niya sa drummer na nasa harap niya. Lumilitaw ang tattoo nito sa bandang likod ng balikat, malapit sa batok.


"Cool..." she muttered. Nagtatakang bumaling sa kanya iyong babaeng drummer. Inalis niya ang tingin sa tattoo nito at ngumiti. Pareho silang naalis ang atensyon sa isa't isa nang dumating ang humahangos na pinsan niya.


"Dianne!" Untag nito. Hindi siya lumingon. "Dianne, what happened? Ano na namang ginawa mo?" tanong ni Crocif habang nakatingin sa lalakeng nasa harap nila. Kinakausap ito ng drummer at pinakakalma.

Tied (BS#3)Where stories live. Discover now