Y-Yep

8.5K 225 8
                                    

"EW!" Bulalas niya nang masilayan ang mukha ni Crocif. "What happened to your face?" Napangiwi siya.


There was an ugly bruise on his jaw. Sa laki niyon, nagtataka nga siya't di pa nadislocate ang panga ng isang ito. Padabog itong umupo sa sofa ng kanyang bahay at sinamaan siya ng tingin.


"This is your fault."


"Bakit ako?" tanong niya. Hindi ito sumagot at nanatili lang sa pagbato sa kanya ng matalim na titig. Nalukot ang mukha niya. Ang pangit ng pasa nito. Ano kayang nangyari sa pinsan niya at napingasan ang pagmumukha nito? Mayroon na siyang hula ngunit mabilis niyang pinalis iyon sa isipan niya. 


"Sino may gawa niyan sayo?" Tumabi siya rito at dinutdot ang pasa nito. Napahiyaw ito at kaagad na lumayo sa kanya. 


"Damn it, Dee!"


Ngumisi siya. "Bagay sayo."


Napangiwi ito nang akmang magpoprotesta. Sa huli ay nanahimik nalang ito. Kung sino man ang gumawa niyon rito ay siguradong may malalim na galit sa pinsan niya. Plus, her cousin looked pissed. Really, pissed to be exact.


"Saan ka nagpunta kahapon?" tanong nito sa malumanay na tono.


Napangisi siya nang maalala ang nangyari kahapon. Westley just asked for her number. Sinabi na niyang huwag na itong mag-abala ngunit ipinagpilitan nitong ipagda-drive siya nito. Pinagbawalan pa nga nitong huwag na huwag na siyang hahawak ulit ng manibela. Napailing siya. Ibang klase... papasa na itong tatay niya.


Oh well... sino ba naman siya para tumanggi sa libreng sakay? She gave her number, yes. Pwede naman niyang idispose iyon kung kailan niya gusto. Mukha namang harmless si Mr. Fox. Hindi siya nag-aalalang mapapariwa siya sa pagsama rito. Isa pa, sa estado nito ngayon, mukhang ito pa ang mapapariwa sa kanilang dalawa, sa pagsama nito sa kanya.


Ano bang magagawa niya? Nakakahawa talaga ang taglay niyang talent.


"Hindi ka naman siguro naging kriminal sa loob ng isang araw?"


Napaisip siya sandali. "Maghintay ka ng isang linggo. Baka by that time, nakapangholdap na ako ng bangko."


Napangiwi si Crocif sa sinabi niya. Tumawa lamang siya. Of course, she wouldn't do that! Hindi siya ganoon kasamang tao para mangholdap ng kung sino.


"Saan ka nagpunta kahapon?" tanong ulit nito.


"Sa National Library."


Maang na tiningnan siya nito. "Liar. Hindi pa ibinabalitang gumuho ang National Library. Saan ka nanggaling kahapon?" Tumawa lamang siya at tumayo. Sinundan siya nito ng tingin. "Saan ka pupunta? Na naman."


"Diyan lang!" Sigaw niya habang naglalakad palayo.


"Dianne!" Narinig niyang malakas na napahiyaw ito matapos siyang tawagin. Natawa siya. Hindi siya nito masermunan dahil sa tinamo nitong pasa. Dapat ata pasalamatan niya ang gumawa niyon rito.

Tied (BS#3)Where stories live. Discover now