Z-Zone

7K 203 6
                                    

AND just like that, their relationship became even more strange... if she could still call as that kind of relationship. Wala naman kasi silang napag-usapan na tungkol doon. Bukod sa mas naging mahigpit ito sa kanya at bantay sarado ay wala ng iba. He would call her from time to time. Nagtatanong palagi kung sinong kasama niya.


For some reasons, he never asked her where she is. Baka nasa pangangalaga pa rin nito ang tracking device. Mukhang ipinamana na ata ni Crocif iyon sa binata. Hindi pa niya nakakausap ang pinsan niya tungkol doon. Hindi naman rin kasi ito nagtatanong. Hindi rin ito nagpapakita sa kanya. Kung may pagkakataong susulpot man ito sa paningin niya ay nakakalimutan naman niyang itanong ang bagay na iyon rito. Crocif looked busy and distracted nowadays.  Di gaya noon na sanay siyang nakikita ito sa paligid at always present, walang palya. Mas nagugulat na siya sa tuwing mabubungaran ito ng mga mata niya. Really, what's up?


Halos lahat ng pinsan niya ay abala rito. Pare-parehong may pinagkakaabalahan. Si  Trexton sa pagkakaalam niya ay nagpaplano sa pagpapakilala ng girlfriend nito kina Tita at Tito. Si Leon naman ay... hindi niya alam, actually. Baka nasa piling iyon ng babaeng kinahuhumalingan nito. Si Aria ay paminsan-minsan niyang nakikita ngunit bigla nalang itong mawawala pagkaraan. Clovis and Clarine was out of town...again. Kung si Clarine lang ay maiintindihan niya. Si Clovis? Malay niya sa lalakeng iyon. Masyadong mailap ang pinsan nilang iyon.


Hindi naman siya gaanong nabo-bored na hindi niya makukulit ang sinuman sa mga ito. West was already enough to keep her energetic all day. Kahit abala ito sa trabaho ay nakukuha pa rin nitong mag-alay ng oras nito sa kanya. He would call from time to time. Text her even in his busiest time. Paminsan-minsan ay hinahatid o sinusundo pa siya nito. They would grab a snack on the way. Or eat dinner at home. Ito pa ang magluluto para sa kanya!


And she must admit... she was completely caught. Caught off guard. Ni hindi niya kayang makawala. It's the way he looked at her. The way he talked and smiled at her. It's the way everything he did. And the feeling that comes pouring with it. Paano siya makakatakas kung sa bawat pagkakataong tangkain niya ay hindi na siya nito hinahayaan?


"Don't dance."


"Anong gagawin ko naman doon kung hindi ako sasayaw?" Sagot niya. Kausap niya si West sa kabilang linya habang nasa taxi siya papunta sa The Zone. The same bar she'd been visiting more than a few times. Pabalik-balik na nga siya doon. He still won't let her driver her car, unfortunately.


"Don't dance with random boys." Mariing wika nito. Tumawa lamang siya.


"I don't dance with random who, West."


"Okay. And don't drink."


"West, it's bar! It's The Zone. Alangan naman matulog ako doon!"


"Fine. But don't drink too much. Susunduin kita. I'll be there in a few."


Kumunot ang noo niya. "Papunta palang ako doon, West. You'll be there in a few means pagdating ko, uuwi na tayo?"


"Oo."


Tumawa siya. Hindi talaga siya nito hahayaang magbar nang mag-isa. He'd been like this for the past few weeks. Parang palaging overprotective. Palaging nakabantay.

Tied (BS#3)Where stories live. Discover now