24th Silence

7K 452 27
                                    


Nakangiting pumaso sa sinehan sina Alden and Maine na magkahawak-kamay. Apparently, premier ngayon ng isang sikat na international movie kaya dagsa ang pila sa ticket booth.

"Ako na lang ang pipila. Bumili ka na lang ng popcorn?" aniya kay Alden.

"Drinks?"

"Uhm... Sprite, iyong malaki. Madali kasi akong mabilaokan sa popcorn."

Tumango ito at nagtungo sa stall ng mga snack. Nagtaka si Maine ng mayamaya bumalik ito.

"I didn't know there are different flavors of popcorn..." nahihiya nitong saad.

Nagtaka naman si Maine. He must have been so cope up in his past kaya laging nasa bahay ito. She smiled understandingly.

"Barbecue," sagot niya.

Tumango ito at tinignan ang napakahabang pila na akala mo ay hindi na uusad. "What are we going to watch?"

"Syempre iyong bagong palabas. Pero kung wala nang mauupuan, we can watch the next best one. Kaso puro na iyon romcom, baka mabagot ka."

Umiling ito. "If it's with you, I will still enjoy it."

She smiled sweetly as she watched him heading to buy popcorn. Pansin niya ang palihim na mga tingin ng mga babae sa paligid kay Alden. Kahit nga ang tindera ng popcorn kung makangiti akala mo nakakita ng sikat na artista sa katauhan ni Alden. Mas tumingkad kasi ang kagwapuhan nito if in a good mood. She felt lucky to have the opportunity to date a man like him. And she felt proud that he looks like a normal guy now. Well, not really normal kasi halata naman sa kilos at itsura nito ang mataas na estado sa buhay. She would have laugh out loud if someone would tell her before that a day will come that she and Alden can have a normal date like this.

Ngumiti siya ng naglakad ito pabalik sa kanya dala-dala ang binili. Kaso huminto ito bigla at may tinawagan sa phone. She was staring all the time na hindi na niya namalayang umusad na ang pila kung hindi nagreklamo ang magsyota sa likod niya.

Pagbalik ni Alden ay hinila siya nito palabas ng pila. Tuwang-tuwa naman ang magsyota sa ginawa.

"May problema ba, Alden?" nagtatakang tinignan niya ito.

"We can go in now. Ryza was able to contact the head of this management and secured us seats."

"Wow... privileges... okay!" Kibit-balikat na sinundan niya ito sa loob at akalain mo ba naman at binati sila ng isang empleyado sabay assist sa kanila sa upuan nila.



---



"Alden, gising..." pukaw niya rito sabay yugyog sa braso.

At first, he was watching the movie with so much interest. Noong nagmellow na sa may gitna ay nakatulog na ito hanggang sa natapos na ang pelikula.

"Sayang lang ang binayad mo kung tutulugan mo lang," reklamo niya at tinulungan itong tumayo. Honestly, nag-expect pa naman siya ng mga romantic theater scene na nakikita sa pelikula. Kaso para itong naka-coma kapag tulog. Even if he sleeps standing, he will still remain unmoving.

Nakisabay sila sa daloy ng mga taong lumalabas sa sine. Gusto na kasi niyang mag-CR at wala siyang mapagpipilian kundi magbanyo sa mall. Kasi dalawang cubicle lang ang gumagana sa banyo sa loob ng sinehan kasi under-maintenance iyong isa. Minsan lang may pila sa banyo ng mga lalaki pero minsan lang walang pila sa banyo ng mga babae. Baka maka-ihi lang siya sa pantalon kakahintay sa loob.

The Conspiracy of SilenceWhere stories live. Discover now