4th Silence

7.2K 505 60
                                    

[a/n] I am thankful na maraming nakasuporta nito. Sobra akong masaya sa inyo kaya ang bilis kong maka-update. Thank you~~


---


Si Alden ang nagbukas ng pintuan ng bumalik si Maine sa bahay nito kinabukasan. She smiles at him with a greeting while she walks her way inside. Si Alden naman tahimik lang na sinara ang pinto at diretsong umupo sa sofa ng malaki pero madilim nitong sala.

"You look bothered today," sabi ni Maine pagkatapos umupo sa upuan katabi nito.

Nilabas agad nito ang phone at nagbuo ng mensahe para sa kanya. It would have been better if he had a speech pathologist with them. Pero ayaw na nitong makipagtrabaho pa sa isa na namang tao na hindi pa nito lubusang kilala. A stranger in his house is already plenty for him. Because not everyone knows of his incapability in speaking. Kaya lagi itong wary kahit sa kanya na doctor nito.

Iniisip ko kung ano na naman ang gagawin mo para pagalitin ako.

Napangiti si Maine in delight. "That's good. It means you're looking forward on our counseling session."

Provoke me again and your candy can't save you anymore.

"Sige, magdadala ako ng box of candies next week." His eyes squinted. Meaning, hindi nito nagustuhan ang joke ni Maine. "Simple lang naman ang gagawin natin ngayon. Hindi ko papakialaman ang kurtina mo. Magtanong ka lang sakin ng tatlong tanong."

He tilts his head in confusion. Mas lalo din lumiit ang mga mata nito sa hinala. Hindi niya napigilang matawa sa itsura nito. Talagang ini-expect nito na may gagawin siyang makakapagpasabog nito sa galit. He's right though, but not right now. Not yet.

"Come on Mr. Faulkerson. Ask me anything. Hindi ako nagbibiro. I know you're still wary about me. At hindi maganda sa doctor-patient relationship kung walang namamagitang tiwala sa isa't isa."

Titig na titig sa kanya si Alden. Wari binabasa ang nasa isip niya. When he got no possible answer, bumuntong-hininga ito at nagbuo ng mensahe sa phone.

Bakit mo pinili maging  psychiatrist?

"Dahil gusto ko pakinggan ang kuwento ng mga taong hindi agad napapakinggan ng mga taong nakapaligid sa kanila."

Kalmado lang na nakatitig sa kanya si Alden, hinihintay na i-elaborate ang sagot niya.

"They may look normal on the outside. But they are suffering an unseen disease inside them. Unconsciously, they are nurturing their self-destruction in their mind kasi hirap silang maintindihan ng mga tao. Kahit anong paliwanag ang sabihin nila, ang tingin pa rin ng karamihan sa katulad nila, mga baliw. Kaya gusto ko ang profession na ito. It really opens me to what inner struggle really means. At mas lalo akong namomotivate na ayusin ang buhay nila."

Hindi maipaliwanag ni Maine ang kakaibang tingin sa kanya ni Alden bago ito nagtipa sa phone. Para itong may na-miss, nakahanap ng salvation, o nakakita ng hipokrito.

12 years  na akong under therapy pero walang nangyari. What makes you different from the other psychiatrists I had?

"Malapit sa'kin ang inspector na may hawak sa kaso mo, Mr. Faulkerson. I considered your case dahil humingi siya ng pabor sakin. After checking your medical file, I wanted to refuse. But after hearing your story, I have to say yes. Kasi sabi ko nga diba, mas lalo akong namomotivate kapag malaki ang inner struggle ng pasyente. But the thing is, Mr. Faulkerson, wala namang problema sa paraan ng panggagamot ng mga naging psychiatrist mo. Ikaw lang naman itong ayaw magpagaling."

The Conspiracy of SilenceWhere stories live. Discover now