13th Silence

6.3K 444 45
                                    


Parang may white noise na naririnig si Maine pagkatapos basahin ang galaw ng labi nito. Did she misinterpret his words? Imposible naman kasi na gaganunin nito si Bea. What they had, it was a paradigm of true love. An example of unconditional love!

That's what she liked to believe. That was what she believed all this time!

But in Alden's case, it was different. It was a love that got him blinded, fooled, and slaved. Bea did that to him. Innocent, pretty, Bea cunningly played with his feelings.

"Did you really say bitch?"

Pinakawalan siya nito at iritang tumalikod sa gulat niyang mukha.

"Face me, Alden. I want to know. Did I misunderstood everything?"

Hindi ito umimik.

Napakapit siya sa namumula niyang mga braso. "There is something you're not showing. There is something you're scared to say. Don't conspire with silence. TELL ME SO I KNOW HOW I AM GOING TO HELP YOU!"

Humarap ito sa kanya. Her heart softened at the sad look on his face. Nasasaktan siya dahil parang pinagsakloban ito ng langit at lupa.

"I am helpless..."

She gasped at the mixed emotions this day had brought her. What to do? What to say? How to help? Napag-aralan niya ba ang tungkol dito? Did she failed as his doctor?

Nawala lang ang panic na nararamdan ni Maine ng biglang may bumusinang sasakyan. Sabay silang napatingin sa dumaan na Rolls Royce. He gave a scornful look at the black car until it faded in the horizon.

"Are you okay, Alden?" Oh what a stupid question... "Will you be okay, Alden?"

His glare averted to her at napakagat na lang ng ibabang labi si Maine. He started typing on his phone and she quickly read it after her phone buzzed.

I was at my safest before you arrived. I can be okay before you start messing with me.

Don't give me false hope. Don't confuse me with your words. Don't even try to read me with your eyes. It is my own choice to lock myself in this dark place. And YOU are just someone I paid.

She flinched at his last statement. Indeed, she received money from him as payments. But that's job. Even if there's money involved, that doesn't mean she's not sincere.

Nang tignan niya ito, he was already in the car. Nang lumapit siya, the car suddenly moved away and it turned back to the main road and away from the orphanage. Tama nga ang hinala ni Jake. Alden's hiding something... that could be the truth.


---


Pang-ilang buntong-hininga na ito ni Maine mula nang nagmeryenda sila ng lola niya sa hardin nito. Kaya hindi napigilan ni Lola Nidora na magtanong.

"May problema ba, Meng, apo?"

Napatingin dito si Maine. She was bound by confidentiality of her patients. Kaya hirap na hirap siyang maghanap ng advise para makatulong kay Alden. Pero siguro, kapag nagtanong siya sa kanyang lola, hindi nito ipagkakalat. She could give her helpful advises from all the experienced she had in life.

"Lola... paano mo masasabing mahal mo na iyong tao?"

"Sa pag-ibig, walang malalim na dagat, walang malayong landas. Basta malinis ang intensyon, hindi na dapat mag-alala. Basta tapat ang saloobin para sa isa't isa, hindi na dapat matakot. Basta tunay ang nararamdaman sa buo nitong pagkatao, hindi na kailangan ng rason." Napahawak ito ng mahigpit sa kamay niya. "Ang tunay na pag-ibig, kahit hindi kayo magkapiling, nararamdan. Ang tunay na pag-ibig, kahit hindi nagkikita, pinapahalagahan at iniisip ang isa't isa. Iniisip ang kabutihan at hinihintay ang tamang panahon. Bakit, Nicomaine, may napupusoan ka na bang lalaki?"

"Ay wala po, lola..." Mabilis siyang umiling para sa ikapanatag ng lola niya. "Iyong kaibigan ko po kasi... humihingi sakin ng advise."

Bumitaw ito sa kamay niya at kumuha ng tinapay sa tray. "Huwag mong itago sakin kung may sinisinta ka na. Hindi naman kita pagbabawalan. Nasa hustong edad ka na. May mga kakilala nga ako na may tatlo nang anak at ka-edad mo lang. Gusto ko naman magka-apo pero kikilalanin ko muna iyang nobyo mo."

Namula agad si Maine. Bakit si Alden ang pumapasok sa isip niya sa mga salita ng lola niya? "Lola, magugustuhan mo po ba ang taong may masalimuot na nakaraan?"

"Anong klaseng nakaraan?"

"Namatay ang babaeng sobra nitong minahal. At hirap itong makabangon kahit labing-dalawang taon na ang lumipas..."

"Iyan ba ang nobyo mo?"

"Ay hindi po, lola! Sa kaibigan ko po... sa kaibigan...."

Mataman siya nitong tinignan. "Maswerte ang babaeng papalit sa puwesto noong namatay sa puso nung lalaki. Kasi marunong magmahal ng wagas iyong lalaki. Hindi na dapat mag-alala ang kaibigan mo. Dahil hindi makakabangon sa nakaraan ang lalaki kung hindi iton nakahanap ng bagong pag-ibig."

Seryosong napaisip sa sinasabi ng Lola Nidora si Maine. "Ibig bang sabihin hindi ito hahalik ng babae kung hindi nito gusto?"

Mahinang binatukan siya ng lola niya. "Iyang istura mo, Meng. Baka ikaw na iyang namomoproblema, pinapalabas mo lang na kaibigan mo?!"

"Lola naman..." napakamot siya ng ulo. "Kapatid ni Jake po nanghihingi sakin ng payo. Si Jake Ejercito, iyong ex ko. Naalala niyo?"

Napakagat siya ng labi sa kasinungalingan. Pero hindi niya maiwasang kiligin na baka hinalikan siya ni Alden kasi may gusto din ito sa kanya.

"Naalala ko. Mabait na nobyo iyon sayo. Single pa iyon? Baka pwede pa kayo magka-second chance..."

"Lola naman eh!"

"Pagdating sa pag-ibig, iyong mga taong involved lang ang dapat mag-ayos sa relasyon nila. Kapag lagi silang humihingi ng payo sa iba, naiibsan ang tiwala noong dalawa para sa isa't isa."

Naiibsan na ba ang tiwala niya para kay Alden?

"Nagawa na ang lahat para isalba ang relasyon pero pilit na lumalayo ang lalaki..."

"Baka kulang pa? SInabi ba ng lalaki na lubayan siya? Na itigil na ang relasyon nila?"

Don't leave. I don't want to be alone.



"Hindi..."

The Conspiracy of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon